Bernadette and Juniel - 13

1499 Words
AWTOMATIKONG umangat ang kamay ni Juniel at hinila pakabig ang dalaga. Napakurap si Bernadette. Namalayan na lang niyang nakakulong siya sa matipunong dibdib ng binata. Masasal ang t***k ng dibdib niya sa mga sandaling magkadikit ang kanilang mga katawan. Ikakasal naman sila nito, iyon ang pumasok na rason sa isip niya kung kaya’t hinayaan niyang nakayakap sa kanya ang binata. “Princess...” bulong nito. Kumilos ang isang kamay nito patungo sa kanyang batok. Tila may mahikang humihigop sa kanya na hindi magawang alisin ang mga mata sa mukha ni Juniel. Saglit lang ay magkalapat na ang kanilang mga labi. It was like a feather, gently brushing against her. She seemed cautious with how she might react. But she was not thinking of any reaction that could make Juniel to still move. Her knees turned to water. And if there was only one thing that she wanted to do, it was not to let him go but to eagerly rest in expecting her lips to part from the way he was softly kissing her. “Juniel...” nanulas sa lalamunan niya. Narinig niya ang mahinang ungol nito. At sa isang iglap ay sinaklit nito ang maliit niyang baywang para lalo siyang madikit sa katawan nito. Napasinghap siya na tila kinakapos ng hangin ang baga. Ang dating banayad na halik ay naging pangahas, mapusok. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga. Bago sa kanya ang karanasang iyon. Aaminin niya sa sariling nag-e-enjoy siya sa halik na ipinalalasap sa kanya ng binata. Madali niyang natutunan ang pagganti rito sapat upang lalong umigting ang kapangahasan nito. Tumakas ang mahinang ungol mula rito. Hindi nito inaasahan ang pagtugon niya bagay na lalong nagpalimot sa kanila. “SINO’NG—” Nanlaki ang inaantok pa sanang mga mata ni Roselle sa nabungaran. Hindi nito inaasahan ang nakitang eksena kaya natutop ang sariling bibig. Dahil abala ang dalawa, hindi agad nila namalayan ang presensiya ng babae. Ngunit mabilis ding tumalikod si Roselle at iniwan ang tagpong iyon. Si Bernadette ang unang natauhan. Parang napapasong kumalas siya sa pagkakayakap ni Juniel. “A-ang mama mo...” sabi niya sa pagitan ng takot at pagkapahiya. “So?” ani Juniel na hindi man lang natigatig. Nakita pa nito ang anino ng ina na nagmamadaling pumasok sa silid. “Ah, ganoon? N-nakakahiya sa kanila,” aniya sa pumiyok na tinig. “Let’s get inside,” mahinang sabi ni Juniel at bago pa man siya nakatutol ay nahila na siya nito papasok sa kuwarto. Marahan ang ginawa nitong pagsipa sa pinto para sumara. SAMANTALA, excited na ginising ni Roselle ang asawa. Napakamot na lamang sa batok si Frederick at pupungas-pungas na inakbayan ang siya pabalik sa kama. “Frederick, si Bernadette iyon.” Magkahalong tuwa at pagkabigla ang nasa tinig ni Roselle. “Come on, Roselle. Ano`ng ipinag-aalala mo? Hindi ba dapat matuwa ka na ngayon?” walang interes na wika ni Frederick. “Excited nga ako,” amin niya. “Imagine, naisama niya rito sa atin si Bernadette at nasa kuwarto sila ng anak mo. “Malaki na ang anak mo. Alam na niya ang tama at mali. Alam niya kung ano ang makakaligaya sa kanya. Bahala na siya kung nagkakaintindihan na sila ni Bernadette.” “Ayoko namang maagrabyado si Bernadette!” protesta ng babae. “Let’s sleep again, Roselle. Kung may problema man sa kabilang kuwarto, sabay tayong kakatok, okay?” Niyakap siya nito nang mahigpit. “GUSTO ko nang umuwi,” bulong ni Bernadette. Aware siyang may gising na sa kasambahay ni Juniel. Malamang na nakikiramdam lang ang mga ito sa kanila ng binata. “Mamaya na.” Hindi bumibitiw ng yakap sa kanya si Juniel. “Hintayin na nating magising ang mama.” “Hintayin?” bulalas niya na kita sa mga mata niya ang pagtutol. “Sa palagay mo ba’y hindi niya tayo nakita kanina? Kahit madilim, nakilala ka pa rin ni Mama.” Tila gusto niyang magsisi dahil nagpaubaya siya sa kapangahasan ng binata. Nahihiya siya sa sarili at lalo na sa mama nito. Baka kung ano na ang isipin ng mga ito sa kanya. “Nahihiya ako...” amin niya. “Don’t worry. Broad-minded naman sila. Besides, sasabihin na natin sa kanila mamaya ang naging pasya natin. I bet, mayayakap ka pa ni Mama sa tuwa,” paniniyak nito sa kanya. “Pero gusto ko pa ring umuwi. Gusto ko nang makita si Mommy,” totoo sa loob niyang sinabi. Sa oras na iyon ay anhin na lang niyang liparin ang sariling tahanan. Gusto na niyang mayakap ang ina. “Pero tandaan mo na ang daddy mo lang ang nakakaalam ng balak ko. Meaning, secret nating tatlo,” masiglang sabi ng binata. “Ihatid mo na ako. Magbihis ka na,” nahihiyang sabi niya. Hindi siya makatingin nang deretso sa binata. Naalala pa kasi niya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila. Maluwang ang ngiting tumango si Juniel. At bago siya tuluyang pakawalan nito ay kinintalan pa muna siya ng halik sa tungki ng kanyang ilong. Tahimik na sinundan niya ng tingin ang binatang tumuloy sa banyo. Nanatiling nakapako ang paningin niya sa sumarang pinto. Pinakiramdaman niya ang sarili. Gusto niyang maasiwa sa sitwasyon nila subalit wala siyang makapang gaanong klase ng pakiramdam, bagkus ay ibang klaseng kasabikan. Nabigla siya sa ideyang pumasok sa isip. Hindi niya ngayon maintindihan ang sarili. Bakit wala siyang makapang pagtutol sa kanyang dibdib? Nakahanda na ba siyang pakasal kay Juniel? I’ll just cross the bridge when I get there, sa loob-loob niya. MAAGANG naghanda ng almusal si Roselle. Nagtataka ang lahat ngunit nasagot lang ang katanungan nang makitang bumaba si Juniel. “Breakfast at five-thirty?” reklamo ni Rei na humihikab pa nang dumulog sa mesa. “This is to welcome the future member of our family,” sagot ni Roselle at nakangiting bumaling kina Bernadette at Juniel na noon ay pabungad pa lang sa komedor. “You’re spoiling my surprise, Mama,” kunwa`y reklamo ni Juniel. Nakaalalay ang braso nito sa baywang ng dalaga. “At ano pa ba ang kasunod na puwedeng mangyari pagkatapos nang nakita ko, Juniel? Hindi naman ako papayag na maagrabyado si Bernadette.” Lumapit ito sa dalaga at hinagkan siya sa pisngi. “Ano`ng nakita mo, Mama?” interesadong tanong ni Rei. “Tse!” Pinandilatan ito ni Roselle. Nagtawanan ang mga ito. Samantala, namumula ang pisngi ni Bernadette sa tahimik na panunukso ng mga kapatid ni Juniel. “So, tuloy na ang kasal ninyong dalawa?” Bakas pa rin ng katuwaan sa tinig ni Frederick. “Iyon ang dapat na mangyari,” susog ni Roselle. Nagkatinginan ang dalawa at halos sabay na tumango. Sa ilalim ng mesa ay ikinagitla ni Bernadette nang basta na lang hawakan ni Juniel ang kanyang kamay. Ewan niya pero gumanti rin siya ng pisil dito. Nang matapos ang masiglang almusal ay nagpatiuna nang umalis sa hapag sina Roi at Rei. Naiwan ang apat. “Ako na ho ang kakausap sa parents ni Bernadette,” sabi ni Juniel. “At hindi mo kami bibigyan ng pagkakataong mamanhikan?” tutol kaagad ni Roselle. “Pabayaan mo si Juniel, Roselle,” sambot ni Frederick. “Of course, kayo pa rin ang mamamanhikan,” bawi ni Juniel sa ina. “But not this soon. Hindi ba puwedeng ipauna muna natin sa kanila na wala kaming tutol sa pagpapakasal ninyo sa amin? I mean, we both agreed na tuparin ang kasunduan ninyo.” “Thanks. Mapapanatag na ang loob namin ni Mariel,” ani Roselle na nakahinga nang maluwag. “Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Juniel, hija?” nag-alalang tanong ni Frederick sa dalaga. “Hindi mo ba narinig, nagkasundo na sila,” agap ni Roselle. “Hindi ba ganoon iyon, hija?” Marahan siyang tumango. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Roselle sa kanilang dalawa. “Okay na kami, Mama,” sagot ng binata. “Si Bernadette ang gusto kong sumagot.” “Naisip naming mas malaki ang posibilidad na tama kayo ni Mommy kaya susunod na lang kami,” mahinang tugon ni Bernadette. Nasisiyahang tumango si Roselle. “Buweno, kailan naman kami mamamanhikan?” Sumulyap si Bernadette sa binata. “Would it be better pagkatapos ng bakasyon natin kina Lola Adelaida?” suhestiyon ni Juniel. “Okay lang sa akin, Mama Roselle,” maagap na sabi ni Bernadette. “Pero matagal pa iyon,” hindi rin nakatiis na sabi ni Roselle. “Bakit magtatagal?” Si Frederick. “Kung magpapa-book tayo as soon as possible, madaling matatapos ang isang buwang bakasyon natin. Two to three months of preparation. Or even less than a month at maaari na silang makasal. Roselle, kung sakali ay ten weeks lang ang ipaghihintay nating makasal sila. Bakit ba kailangang madaliin, gayong payag na naman ang dalawa?” “At sinisiguro ko sa inyong hindi kami magbabago ng isip,” paniniyak ni Juniel. “Paano ang schedule ng trabaho ni Roi sa J&V?” Biglang naalala ni Roselle ang tungkol sa isang anak. “He may file for his leave,” ani Juniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD