Bernadette and Juniel - 14

1281 Words
INIHATID ni Roselle hanggang sa garahe ang dalawa. Nagpaalam na kasi si Bernadette na uuwi. Nagkatitigan sila ng binata. Aware sila na naroroon pa rin at nagmamasid ang ginang. Iisa ang laman ng kanilang isip. Namalayan na lang ni Bernadette na kinabig siya ni Juniel at tinanggap ang mainit na halik nito. Nasisiyahang pumasok na sa loob ng kabahayan si Roselle nang makitang nakasakay na ang dalawa sa kotse. Naisandal ni Bernadette ang likod habang papalabas sila ng bakuran. Mayamaya’y sabay pa silang nagkatawanan. “Kunsintidorang ina,” natatawang bulalas ni Juniel na tinutukoy ay ang sariling ina. “Ni hindi tayo sinaway.” “Tayo? Ang alam nga niya ay kagabi pa tayo may ginagawang kalokohan,” nabiglang sabi ni Bernadette. Magaan ang pakiramdam niya. Hindi niya naisip na hahantong sila ng binata sa ganoong sitwasyon. Pakiramdam niya ay natural lang sa kanila ang mga intimate moments. Sandaling ipinahinga ni Bernadette ang isip. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na kinalimutan ang anumang agam-agam. “I’M SORRY, Mommy.” Nakayakap si Bernadette sa ina. “Hindi ko alam na mangyayari sa inyong magkasakit at ako pa ang magiging dahilan.” Nasa tinig niya ang pagsisisi. “I’m okay now, Princess,” nakangiting tugon ni Mariel. “Walang ina ang `di mag-aalala lalo na’t dalagang anak ang nawawala. At isa pang nakapagpabigat ng loob ko ay ang malamig na pagtrato natin sa isa’t isa bago ka umalis.” Umiling si Bernadette. “Hindi naman ako naglayas, Mommy. I went to Pangasinan with Glenn. Pero kagabi pa ay nandito na rin ako. I guess, sinabi na iyon sa iyo ni Daddy,” paliwanag niya. “Pero hindi ka man lang nagpaalam sa amin ng daddy mo,” nagtatampong sabi nito. “Dahil nga masama rin ang loob ko. Mommy, bakit hindi ko alam na may sakit ka sa puso?” Kumalas siya ng yakap sa ina. Malungkot na ngumiti si Mariel. “Hindi naman ako pinahihirapan ng kondisyong ito. Pero kahapon ay ganoon na lang ang takot ko nang madiskubre kong nawawala ka. God, kung anu-anong negatibong pangitain ang pumapasok sa isip ko.” “At kung nagkataon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako pa ang naging dahilan.” Malambing na niyakap niya muli ang ina. “Tama na, Princess. Ang importante ay narito ka na. And sana’y hindi ka na nagtatampo sa akin.” “Talagang hindi na.” Dinampian niya ito ng halik sa noo. “Nag-iisa lang yata kitang mommy,” malambing niyang wika. Sandaling dumaan ang katahimikan sa kanila. Nakasandal sa headboard si Mariel at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama paharap dito. Damang-dama niya ang init ng yakap ng ina. Kagaya noong maliit pa siya. “Hindi na baby ang princess natin.” Bumungad si Benedict sa silid at bakas sa mga mata nito ang kaligayahan dahil sa dinatnang tagpo. “Hindi mo kasi ako binigyan ng kapatid,” pabirong sagot ni Bernadette sa ama nang bumaling dito. “Sino’ng may sabi sa iyo?” manghang tanong nito. “Benedict!” Bagama`t nanghihina pa ay nakuhang sumabad ni Mariel sa pag-uusap ng mag-ama. Lumapit sa kanila si Benedict. Umusog naman si Bernadette para mabigyan ito ng espasyo at makatabi sa asawa. “I love your mom so much, Princess. At hindi healthy para sa kanya na magdalang-tao uli pagkatapos mo.” “Was it because of the way I was born?” Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Napigil ang nagsisimulang ngiti ni Mariel nang maagap itong halikan ni Benedict sa mga labi. Kahit na nga ba kaharap siya. “There’s a bond that brought us to become closer together. Iyon ay lagi ko nang sinasabi sa iyo, `di ba? But the whole process of delivering you became traumatic. And it was my failure that I can no longer bear another child.” “Sweetheart...” Nasa mga labi ni Benedict ang pagtutol sa sinabi ng asawa. “Bernadette is enough para mabuo ang pamilya natin. Bakit hanggang ngayon ay sinisisi mo ang sarili mo sa bagay na iyan?” “Dahil hindi kita mabigyan ng anak na lalaki,” malungkot na saad ni Mariel. “What if we try this time? Who knows?” May naglalarong pilyong ngiti sa mga labi ni Benedict. “If that’s the case, I better go out of this room,” natatawang sabi ni Bernadette. Hindi iyon ang unang beses na maglambingan ang mga magulang sa harap niya. At maski papaano ay gusto niyang maniwalang puwede ngang mangyari sa kanila ni Juniel ang ganoon. Nang maisip niya ang binata ay napabilis ang hakbang niya pabalik sa sala. Baka naiinip na ito. Pinauna lang siya ni Benedict na pumunta sa ina para mabigyan sila ng panahong magsolo. “Mabuti pa nga, Bernadette. At baka naging bato na sa ibaba si Juniel,” narinig niyang pahabol ng ama. “Kasama ninyo si Juniel?” Pagtataka ang nasa tinig ni Mariel. “Inihatid niya ang anak natin. Tumawag sila kagabi at sinabi na doon magpapalipas ng gabi sa New Manila.” “At pumayag ka naman?” Lalo nang lumakas ang boses ni Mariel. “Sweetheart, why should you react that way when you are the one who pushed them into marrying? Expect Roselle to call you up today. Parang nakikinita ko na ang en grandeng kasalan.” “Pumayag na ang dalawa?” “After what happened last night? Hindi ako ang klase ng amang palalampasin ang mga ganoong bagay. Just like your father Alberto.” “Pero hindi mo siguro ipinagtulakang doon magpalipas ng gabi ang anak mo,” giit ni Mariel. “Of course not. They both wanted that. Since they both agreed to marry each other.” “That’s exactly what I wanted to know. How did you convince her?” “She’s papa’s girl, sweetheart,” simpleng sagot ni Benedict at bago pa muling magtanong si Mariel ay maalab nang halik ang ibinigay niya rito. “Tell you what, I’m considering having a son this time,” he murmured against her lips. “Hope for a miracle then.” “NAINIP ka ba?” nakangiting tanong ni Bernadette kay Juniel nang datnan niya itong palakad-lakad sa sala. “Konti,” matapat na sagot ng binata. “How’s Tita Mariel?” “She’s fine. By this time binanggit na sa kanya ng daddy ang pagpayag natin.” Napatango ito. “Well, hindi na ako magtataka kung mamaya ay nandito na rin ang mama. Knowing them, kahit na sinabi nating pagkagaling pa namin sa abroad ang balak nating pagpapakasal, ngayon pa lang ay magsisimula na ang dalawang iyon na mag-prepare.” “And I bet, makakalimutan na ni Mommy kung anuman `yong sakit na idinadaing niya,” dagdag pa ng dalaga. “Pabayaan na natin sila. Just remind her always na huwag niyang masyadong pagurin ang sarili. Anyway, matagal pa naman iyong kasal. Hindi pa nga tayo nakakaisip ng exact date.” “Before we decide on that, nauna na sila. Ikokonsulta na lang siguro tayo.” Nalukot ang mukha ni Bernadette. “Possibly,” bagot na sagot ng binata. “So why don’t we take the rest of the time enjoying each other’s single-blessedness? Do you have any idea?” Naka-plaster na ang ngiti sa mga labi ni Juniel. “You mean, having fun?” Nahawa na rin siya sa masayang mood nito. “Yap!” “Then let’s not waste time,” game na sagot niya at nagpatiuna nang lumabas ng bahay. “Magpaalam muna tayo,” pigil ng binata sa kanya. “But why? They wouldn’t worry at all knowing that you’re the one I am with.” “Sinabi mo, eh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD