Bernadette and Juniel - 15

1175 Words
JUST like the old times, iyon ang sumagi sa isip ni Bernadette habang hinihintay si Juniel na makabili ng popcorn at diet Coke. Countless times na nanood sila ng sine ng binata. At mas madalas ay siya ang nasusunod sa klase ng pelikulang papanoorin. Pero nang oras na iyon ay hinayaan niyang si Juniel ang pumili ng palabas. “I don’t know anything about this movie,” wika niya hustong makaupo. “Ako rin. But I heard na maganda raw,” ganting-sagot nito sa kanya sa paraang pabulong. Naubos na niya ang popcorn. At ang Coke na si Juniel ang may hawak ay wala na sa kalahati. Sa tantiya niya ay may isang oras na silang nakaupo roon pero hindi pa rin niya naiintindihan ang palabas. She didn’t even remember the title kahit na naroroon pa rin sila sa loob ng sinehan. Tapos nang ipakita ang ilang minuto ng eksena nang pumasok sila. But as far as she understood the plot, adaptation ang pelikula ng isang classic story. Unfortunately, wala siyang interes sa ganoong tipo ng istorya. She was not bored, though. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ni Juniel na paminsan-minsan ay humahawak sa kamay niya. Nararamdaman niya ang pagsulyap-sulyap nito sa kanya. Kapag ganoon ay nagkukunwari siyang nakatutok ang tingin sa palabas. Iginala niya ang paningin sa mangilan-ngilang katabing nanonood. Karamihan ay mga parehang katulad nila. The movie was good pero sa pagkakarinig niya ay nasa third-week run na ito, kung kaya’t hindi na siya nagtaka na iilan na lang ang nasa loob. “Ayaw mo na?” Bahagya siyang nagulat nang biglang bumulong sa may tainga niya ang binata. Kunot-noong sumulyap siya rito. Ang akala niya ay ang pelikula ang tinutukoy nito. Subalit nakita niyang ang hawak na Coke in can ang itinatanong nito. “Sa iyo na lang kung gusto mo,” sabi niya. Sinaid nga nito ang Coke at nang maibaba iyon sa may paanan ay relaxed na sumandal ito sa kinauupuan. Pero ilang saglit lang ay naging magalaw ito na tila hindi mapakali. Sinulyapan ito ni Bernadette at saka nangalumbabang muling itinutok ang tingin sa wide screen. Nabitin ang paghinga niya nang maramdaman ang kamay nitong pumatong sa kanyang balikat. At nang walang reaction mula sa kanya ay dahan-dahan siyang kinabig palapit sa dibdib nito. Nagpatangay siya at kusa pang inihilig ang ulo sa katawan nito. There was a sweet warm that she felt in that closeness. Marahan niyang ipinikit ang mga mata at hindi na pinansin ang pelikula. Nararamdaman niya ang maliliit na halik nito sa kanyang buhok. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong ayos. Ni hindi niya naramdamang nangawit sa bahagyang pagkakahilig ng ulo niya sa binata. Nagmulat lang siya ng mga mata nang biglang bumaha ang liwanag. Sa screen ay ipinapakita na ang film credits at ang musikang pumapailanlang ay ang movie theme song. “Ang daya mo. Tinulugan mo ako,” bulong sa kanya ni Juniel. “Of course not,” tanggi niya. “Pumikit lang ako nang sandali.” “Isang oras kang pumikit,” nanunuksong wika nito. “Isang oras!” hindi makapaniwalang bulalas niya. Kung gayon ay nakatulog nga siya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nahihiyang tumingin sa binata. “Labas na tayo?” yaya nito sa kanya. “Hindi pa natin napag-aabot.” “Okay lang. Naintindihan ko na. At saka parang mag-isa lang din naman akong nanonood. Natulog ka lang, eh.” Nanunukso pa rin si Juniel. Sumimangot siya. “Tara na nga.” Magkahawak-kamay silang lumabas ng sinehan. Tinanggihan niya ang pag-aaya ng binatang kumain pa sila sa labas. “Ngumiti ka na. Baka kapag iniuwi kita sa inyo ay isipin nina Tito Benedict na kinakawawa na kita ngayon pa lang.” “Tigilan mo na kasi ng pang-aasar,” aniyang totoong napipikon. “Okay.” Nagkibit-balikat ito. “For the record, hindi naman ako nang-aasar. Hindi ko lang akalaing kaya mo palang matulog sa sinehan. Ang tagal na nating nanonood ng sine pero ang natatandaan ko’y ikaw itong halos hindi maalis ang pagkakatutok sa screen. I assume, puyat ka kagabi. That’s why.” “Alam mo pala, eh.” Inirapan niya ito. At sa pagkakabanggit ng binata ng nagdaang gabi ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaasiwa. Kasabay niyon ay sumagi sa alaala niya ang mga namagitan sa kanila. “Sige na,” wika nitong bahagyang dumukwang sa gawi niya. Kusa nitong ini-adjust ang recliner ng upuan at iniabot sa kanya ang isang throw pillow na nasa backseat. “Matulog ka pa ulit.” Bahagya nitong pinisil ang kanyang baba. Masunurin niyang ipinikit ang mga mata. Para ngang inaantok pa siya. Pero ang hinihintay niyang pagpapaandar nito ng sasakyan para makaalis na sila sa basement parking ay hindi niya naramdaman. Nang muli niyang imulat ang mga mata ay nakita niya ang binata na nakatunghay sa kanya. Malapit na malapit ito at kundi lang niya mabilis na nakontrol ang sarili ay magre-react siya. For a moment, muli niyang nadama ang pagpalya ng t***k ng kanyang puso. Segundo lang na nagtama ang kanilang mga mata at nagtagumpay siyang iiwas ang paningin at ipinako na lamang sa windshield. His eyes was saying something. Something na nagdudulot ng pagkalito at pag-asam sa kanyang puso. And she didn’t expect herself to feel that way. Malito, yes. Pero ang umasam? Hindi yata handa ang sarili niya sa ganoong kakatwang pakiramdam. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang unti-unting lumalapit ang ulo ni Juniel sa kanya. At nakapagtatakang hindi siya umiwas. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan at isang kilos lang niya ay lalong magdidikit ang kanilang mga mukha. Good Lord! Nalulunod ang puso niya sa matinding antisipasyon. Pang-ilang beses na nga ba sakaling muli silang magsasalo sa isang halik ng binata? Ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang pakiramdam. She could feel herself waiting, feeling hungry for his kisses. Muli siyang napapikit nang maramdaman ang mainit na mga labi ni Juniel. Katulad sa nauna, banayad nitong nilalasap ang malambot niyang mga labi. Awtomatikong tumaas ang kamay niya para lalong kabigin ang batok ni Juniel palapit sa kanya. Tumakas ang mahinang ungol sa bibig nito sa ginawa niyang iyon. Nang sumunod siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay nadama niya ang lalong malalim na paraan nito. Maalab at marubdob na halik na halos magpawala sa kanyang katinuan. Habol nilang pareho ang paghinga nang maghiwalay sila. “You know what?” wika ni Juniel na tila walang balak na ilayo ang mukha sa kanya. Nararamdaman pa ni Bernadette ang bawat paghinga nitong humahagod sa kanyang pisngi. “I can’t seem to get enough of you.” Pabulong ang pagkakasabi nito niyon. Umangat ang isang kamay nito, saka dumama ang isang dulo ng daliri sa bawat linya ng kanyang mga labi na nagdulot ng libong boltahe ng kuryente sa katawan niya. Nang mga sandaling iyon ay isang ideya ang nabuo sa isip niya. Tiyak niyang kayang-kaya ni Juniel na pukawin ang sensuwal na damdamin sa kanya. Would s****l compatibility be enough to be the foundation of their marriage?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD