11. Having Fun Together

1428 Words
MARAHAS na napalingon si Suzie kay Luis. “Labyrinth?” Tumango ito. “Seryoso? As in for real?” Hindi pa rin makapaniwalang sambit niya. Ngumiti ito ng tipid. “It’s a labyrinth whether you believe me or not.” Hinila-hila niya ang braso nito dahil sa excitement niya. Iba ito sa hardin na kinainan nila ni Lance kahapon kaya siguro hindi niya nalaman na may labyrinth pala. Mas maraming klase ng bulaklak ang naroon. Napakamakulay ng lugar at may fountain sa gitna. She pulled him towards the labyrinth. “Pasok tayo.” “Aren’t you scared?” “Why would I?” balik-tanong niya rito. “It’s a challenge for me. Simula no’ng mabasa ko ang malungkot na kwento nina Icarus at Daedalus ay gusto kong makapasok sa isang labyrinth.” “Mahilig ka pala sa greek mythology.” “I’m not. Naikwento lang ng kapatid ko. Mahilig siyang magbasa at isang araw ay binigyan niya ako ng libro. Basahin ko raw. Ayon, binasa ko.” “Aren’t you scared na baka may monster na lumabas dito?” “Okay lang. Mas masaya nga `yon. Makikipag-trade ako sa kanya.” “Ano naman ang iti-trade mo?” “Kung palalabasin niya ako ng buhay, ibibigay kita sa kanya bilang hapunan.” biro niya. Nang hindi ito sumagot ay nilingon niya ito. Magkasalubong ang mga kilay nito. “Joke lang `yon.” Nang tumingin ito sa kanya ay pilyang nginitian niya ito. Then, like a slow motion, she witnessed a sight to behold. His face relaxed, the corner of his mouth curled up, his eyes danced with humor, then, he bit his lower lip as if to contain his smile, a rosy color crept into his cheeks. And he laughed softly which brought to her a feeling she hadn't expected but couldn't explain. Napatanga na lang siya rito. Kung mayroon lang siyang camera ay baka kinunan na niya ito. He looked so handsome and true. She never expected to experience such moments like that. Staring at him, she can’t hold back her smile. Nakakatuwang isipin na ang lalaking kagaya nito, mayaman, guwapo, mabait, at may isang salita ay magagawa niyang patawanin. They were both grinning at each other when he stepped in front of her and laid a hand on her head. Napakataas nito kaya kinailangan pa niyang tumingala. “Yes, maybe I would willingly offer my life to keep you alive.” he said while smiling. She felt like her heart might burst out of her chest. Kinikilig siya sa sinabi nito. Alam niyang namumula siya pero hindi niya magawang mag-iwas ng tingin dito. He held her hand and pulled her to continue walking. Later, they were walking hand in hand but she led the way, he was just following her even if they turned into a dead end. They walked in quietly but the silence she felt around them was comfortable. “Crush ko talaga ang gumawa ng labyrinth na ito. Grabe! Napaka-creative niya." masiglang sabi niya kapagkuwan. “Teka, iisa lang ba ang nag-isip ng labyrinth at ng school buildings?” “Some of the school buildings were his idea and designs. This labyrinth is also his.” “Nandito siya?” He nodded. “Wow! Mamaya dalhin mo ako sa kanya dahil iki-kiss ko siya.” “Why would I?” he asked. Boredom was striking his face. Ngumuso siya. “Sige na, please? I want to meet him, eh.” “Why would I bring you to him if you’re already with him?” “Siguro gwa—what?!” He looked at her. No emotions. “Where’s my kiss? `Tagal naman.” She looked at him. This man in front of her is her crush? The one who have this mischievous mind? Tudo pigil niya sa sarili na huwag itong yakapin. She stared at him like he was the only man alive on earth. “Natulala ka na riyan?” “Ikaw ang…ang may idea ng lahat ng ito?” He shrugged. “Some of it. So, do you still admire me?” “Yes,” she whispered and then shouted. “Yes na yes! Lalo pa at alam kong mabait siya at may isang salita.” He looked at her, shock was visible on his face. “Kalog din,” she added. * * * * * “YOU know what; I want to join in the basketball club o hindi naman kaya ay sa astronomy club. Ang ganda kasi ng planetarium nila eh. Umm…puwede rin sa volleyball. Ayoko sa skating, baka manigas ako.” “Hindi ka naman maninigas sa lamig kung gagalaw ka.” Luis told her. “Hindi nga ako marunong mag-ski eh. Paano ako gagalaw? At saka walang snow dito sa Pilipinas para pag-praktisan.” “What about horseback riding?” “Hindi naman ako marunong doon eh. Baka ihulog lang ako ng kabayo. Natatakot din ako sa kanila dahil noong maliit pa ako ay hinabol nila ako. Dalawang kabayo yata ang humabol sa akin, ano.” “Baka nagandahan sa iyo.” “Ah, talaga? Ang pangit ko kaya noon. Nang dahil sa kanila ay natuto akong lumangoy sa putik.” He smiled. “Siguro pagkatapos no’n ayaw na nila sa iyo.” “Paano mo nalaman?” She sighed. “Pambihirang mga kabayo ang mga iyon. Hindi na nila ako pinansin pagkatapos.” Natawa na lang siya sa naalalang nakaraan. That was when her mother was still alive. A glint of sadness crossed her eyes. “Sumali ka sa horseback riding.” “Baka mas lalong magseselos si Charmien at tuluyan akong ipapatay.” She joked. Sigurado kasi siyang member ito ng horseback riding club dahil ito ang klase ng taong nababagay doon. She glimpsed at him but he was just staring at the clear blue sky. “Huwag mo na lang siyang pansinin.” “Alam mo, sa tingin ko, magaling kang magpaiyak ng mga girls.” “Paano mo nasabi?” “You rejected Charmien.” “Mas mabuti na iyon para hindi na siya umasa pa.” “Kaya ginamit mo ako?” Hindi ito umimik kaya nagpatuloy siya. “Alam kong alam mo na nakita tayo ni Charmien kanina.” Noong muntik mo na akong halikan. Gusto sana niya iyong idagdag pero pinili niyang huwag na lang. “Pero ayos lang iyon.” His eyes were seeking for clarification. She sighed harshly. “Kung hindi mo siya mahal, why not tell her directly?” She saw the labyrinth’s exit. She was proud of herself because she made it on her own. Luis didn’t help her although he was the one who made that place. He just let her find the way out. “Hindi mo pa ako sinasagot.” Luis said. “Nanliligaw ka ba?” Nakagat niya ang ibabang labi nang lingunin siya nito. Nangalog tuloy ang dalawang tuhod niya nang mmagtagpo ang kanilang mga mata. “Naman eh. Suzie, ikaw na lang kaya ang sumalo sa sarili mong puso na paulit-ulit na hinuhulog ng lalaking ito?” “Ah, eh…medyo natatakot kasi ako sa kabayo.” She said and vowed her head to hide her red cheeks. “Don’t worry, I’ll teach you.” Salamat naman at hind nito pinatulan ang madaldal niyang bibig. Minsan talaga ay napapahamak siya nang dahil lang sa kadaldalan niya. “Ayos lang ba? Parang ang dami ko na yatang utang sa iyo.” “Saka na lang ako maniningil. Mag-ipon ka muna.” “Okay.” sabi niya dahil alam niyang nagbibiro lang ito kahit na nga ba ang seryoso ng mukha nito. Somewhat, she could feel when he was joking and when he's not. “Kumain muna tayo.” Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Nauna na itong maglakad kaya naman sumunod na lang siya. Dinala siya nito sa Amethyst building at sa rooftop niyon ay isang canteen. “Maupo ka na lang. Ako na lang ang mag-o-order,” sabi nito. Wala nang masyadong estudyante roon kaya madali siyang nakakita ng bakanteng mesa. Naupo siya at hinintay ito. Pagdating nito ay may dala na itong cupcakes, sandwich, and fruit juice. “Ahm...wala akong pambayad sa mga ito.” nahihiyang sabi niya. Tumaas ang isang kilay nito. “Kailan ako nanghingi ng bayad mo?” “Ahm...never?” she tried to smile. “Good. Sa susunod kapag may pera ka, huwag na huwag mong sasabihan ang lalaking kasama mo na ikaw na ang magbabayad dahil makakasaling ka ng ego.” “Bakit, nasaling ko ba ang ego mo?” “Medyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD