NAGLALAKAD papunta sa direksiyon nila si Lance na may kasamang elementary student. Alam nilang elemerntary ang babae dahil sa suot nitong school uniform. May masinsinang pinag-uusapan ang mga ito.
“Tss... Sa pagiging playboy, pati elementary student pinatulan.” sabi ni Marc.
Sinapak naman ito ni Aina. “Manahimik ka nga.”
“Selos ka lang Marc dahil wala kang karismang ganyan.” sabi ni Haily.
“Marami rin kayang nagkakagusto sa akin!”
“In your dreams.” sabi ni Aina.
“Hindi naman siguro.” sabi niya. “Mabait kaya si Lance.”
Tiningnan ng tatlo si Angela kaya napatingin na rin siya sa kaibigan.
Kumunot ang noo nito. “Bakit tinitingnan ninyo ako?”
“Hi, Suzie!” narinig niyang bati ni Lance kaya napalingon siya rito.
Nakangiti ito sa kanya. “Good afternoon, Angela. You look lovely today. I mean every day."
Sumimangot ang kasama nitong elementary student. “Ayan na naman iyang walang direksiyon mong dila Kuya Lance.”
“Paki mo? Bata ka lang.” sabi ni Lance sa kasama nito. Napailing na lang iyong bata.
“Huwag iyong kaibigan ko ang targetin mo Lance kundi lagot ka sa akin.” babala niya rito. “Alam ko ang reputasyon mo sa mga babae.”
“Good boy ako Suzie.”
“Badboy iyan Ate.”
“Tumahimik ka nga Chinne! Hindi kita nanay, pinsan lang kita.”
“Whatever.”
“Siya nga pala, Suzie. Nag-away ba kayo ni Luis?”
Kumunot ang noo niya. “Hindi.”
“Ah, gano’n ba? Akala ko nag-away kayo eh. Kaninang umaga pa kasi mainit ang ulo no’n. Natatakot tuloy lahat ng officers na lumapit sa kanya.”
Namutla siya. “Eh…baka iyong nahulog niyang cellphone.”
“Nahulog na cellphone?”
“Nagkabanggaan kasi kami kanina tapos nabasag iyong touch screen niya. Naku, Lance, wala akong ibabayad doon.”
Pinagtawanan lang siya nito. “Iyon, magagalit dahil hinulog mo phone niya? Suzie, tatlo ang cellphone ng kumag na iyon. At saka barya lang sa kanya iyon. Masyado mo lang pinag-aalala ang sarili mo. Hindi na ako magtataka kung atakihin ka man diyan.”
“Ang sama mo!”
Tumawa lang ito saka hinila ang pinsan paalis.
Nagdadalawang-isip si Suzie na pumunta sa SCR-C dahil nga sa sinabi ni Lance kaninang tanghalian. Wala raw sa mood si Luis eh. Nakakatakot pa naman iyon kapag galit.
“Suzie.”
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Dave.
“Ikaw pala. Ah, masama pa rin ba ang mood ni Luis?”
“Medyo. Pero puntahan mo na lang siya. Nasa SCR iyon. Huwag kang mag-alala, mag-isa lang siya roon, kapag sa iyo niya naibuhos ang sama ng loob niya, walang witness.”
Sinimangutan niya ito.
Tumawa naman ito. “Sige na, puntahan mo na. Kanina ka pa hinihintay no’n.”
Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang makarating siya sa SCR-C ay mag-isa nga lang ito at nakasubsob sa laptop nito.
Tumikhim siya. “Luis.”
Nag-angat ito ng mukha at nang makita siya ay ngumiti. “Maupo ka. Your timing was good.”
Akala ba niya ay bad mood ito ngayon, bakit nakangiti ito? Ito kaya ang paraan nito para pagaanin ang loob niya sa nalalapit niyang pagka-expel?
Naupo siya sa silya na nasa harap ng mesa nito. “Ano `yong sasabihin mo?”
“I told the president about your work outside the university.”
Namutla siya sa sinabi nito. Dumating na ang oras ng hatol niya.
“She was against it at first.”
Nabingi ba siya? “Against it at first?”
Tumango ito. “But she changed her mind. Kapalit ng pagtatrabaho mo sa labas ng university, kailangan mong magkaroon ng extra-curricular activity. Meaning you need to join two clubs in order to regain your scholarship.”
Nabuhayan siya ng dugo. “Talaga?”
Tumango lang ito. “And I promise that no one will know about this issue. Anyway, I want to return this to you.”
“Return what?”
Natigilan siya nang makita ang resignation letter niya sa hotel dati niyang pinagtatrabahuan.
“H-How…”
“I won’t accept that resignation letter of yours, Suzie. So please bring that with you.”
“Why…” Napatitig siya rito. He owns that hotel? But how? “You’re the owner of Aqua Angel Hotel?”
“My parents,” he corrected her.
“Is it okay for me to work outside?”
“Yes. You may continue working but please don’t force yourself if it’s already too much.”
Napatitig siya rito. Nag-aalala ito sa kanya. Kulang na lang tumalon ang puso niya out of her rib cage.
He handed her resignation letter. “Will you?”
“Marry me?” dugtong niya sa isip.
Ipinilig niya ang ulo niya bago niya sinalubong ang tingin nito. “Yes.” Kinuha niya rito ang sulat.
“I promise to keep my secret, Suzie if you do as I say.”
Kailangan na ba niyang kabahan dahil sa sinabi nito?
* * * * *
WALA ang lahat ng guro sa college dahil sa seminar kaya naman tambay muna sa SCR-College ang lahat ng officers samantalang suspended hanggang one o’clock ang lahat klase.
“Pres., bakit parang relax ka lang diyan?” tanong ni Lance.
“May dapat ba akong ikabahala?” kalmadong balik-tanong ni Luis na abala pa rin sa inaasikaso niya sa laptop. Marami siyang trabaho na dapat tapusin para lang mag-alala. Hindi pa man siya nakaka-graduate ay itini-train na siya ng ama para mag-take over sa kompanya nila. He’s taking up a Bachelor of Science in Architecture but he is training as a businessman.
Ang sabi ng ama niya noon ay pwede lang siyang kumuha ng architecture kung maha-handle niya ang kompanya nila which is a chain of hotels and resorts. Being an architect is his dream so he had no choice but to accept his father’s offer. Hindi naman siya nahihirapang pag-aralan ang business dahil nga accelerated siya. Hindi nga lang siya nag-skip ng school year kasi ayaw niyang mawala ang mga kaibigan niya. His friend’s keep him sane at kung wala ang mga ito, matagal na siyang baliw dahil sa katalinuhan niya. And he’s thankful that they’re there to keep his sanity.
“Hindi mo pa nga alam kung ganoon.” sabi ni Keith, nag-unat ito ng katawan na para bang nasa bahay lang. Ipinatong din sa mesa ang mahahaba nitong paa. Binalingan nito si Carla. “Ms. Silent, wala ka bang balak magsalita riyan?”
“Wala akong sasabihin.” nakasimangot na saad ni Carla.
Isa-isa niyang sinimangutan ang mga ito. Kung may sasabihin ang mga ito ay sabihin na. Wala siyang oras sa mga paliguy-ligoy na issue. Marami pa siyang kailangang tapusin. Be it for his training, or his school activities.
“Ang dami ninyong pictures ni Ms. Cruz.” Si Dave ang nagsalita na nakatanaw lang sa bintana. Ang akala niya ay hindi ito nakikinig sa kanila dahil kanina pa ito nakatanaw sa labas. Minsan talaga ay may pagka-emo ang isang ito.
His brow twitched upon hearing the news. Pilit niyang kinakalma ang sarili na walang kahirap-hirap niyang nagawa without them noticing. Sa kanilang apat na magbabarkada, si Dave, Lance, Keith ay siya lang ang masasabing mahabahaba ang pasensiya. Next to him is Lance, then Dave at ang pinakawalang pasensiya ay si Keith.
“Ah, talaga?” walang ganang tanong niya.
Sa wakas ay humarap din ito sa kanila pero para lang makipagtitigan kina Keith at Carla. Pagkatapos ng tatlong segundo ay sa kanya naman nakatuon ang atensiyon ng tatlo.
His phone rang.