13. Lunch With Classmates

1369 Words
KINAKAUSAP ni Suzie ang sarili habang naglalakad sa hallway ng SJU. Wala pa naman siyang tawag na natatanggap mula sa eskuwelahan tungkol sa pagtatrabaho niya sa labas. “Ano na ang gagawin ko?” Narinig niya ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante pero okupado ang kanyang isipan kaya wala rin siyang masyadong maintindihan sa mga naririnig niya. Siya kaya ang pinagtsi-tsismsan ng mga ito? Mag-aangat na sana siya ng mukha nang may mabangga siyang kung sino. May narinig din siyang bumagsak. Napapitlag siya nang makita kung sino ang nabangga niya. He was looking down at her. “Naku, sorry!” dumistansiya siya. Napayuko na lang siya sa hiya nang makita na nabasag ang screen ng touch screen na cellphone nito. Kinuha nito ang basag nitong cellphone saka kinuha sa loob niyon ang sim. Nagkandaluka-luka tuloy siya sa paghingi ng tawad dahil wala siyang ipapalit sa cellphone nito. Ang mahal niyon. “Sorry, sorry talaga. Sorry. Hindi ko sinasadya.” Binatukan niya ang sarili. Kung bakit naman kasi hindi niya tinitingnan ang dinadaanan. Tanga, tanga, tanga. “Sorr—” “Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo. Alam ko namang pareho lang tayong may iniisip. Sige, mamaya na lang.” Bago siya nito nilagpasan ay may ibinulong ito sa kanya. “Pumunta ka sa SCR-C mamaya pagkatapos ng klase mo sa hapon.” Namutla siya sa sinabi nito. Tatanggalin na kaya siya sa pagiging scholar? Nanghihinang inihatid na lang niya ito ng tingin. Habang nagkaklase ang guro nila sa Physics ay lumulutang ang isip niya. Ito na siguro ang huling pagkakataon na maririnig niya ang guro na magturo. Napabuntong-hininga siya. “Psst.. Suzie!” Nilingon niya si Angela. Bakit bumubulong ito eh magkatabi lang naman sila. Wala kasi ang katabi niya kaya naupo ito sa tabi niya. “Bakit?” “Kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Damyo.” “Huh?” Tiningnan niya ang guro nila at sa kanya nga ito nakatingin habang nakapamaywang. Lagot. “Kanina pa kita tinatawag, Ms. Cruz. Saang lupalop ba ng mundo naglakbay ang utak mo?” Tumayo siya. “Pasensiya na po kayo, Ma’am. Hindi na po mauulit.” Tumaas ang isang kilay nito. “What is Instantaneous Velocity?” “Instantaneous velocity is the velocity at a specific instant of time, Ma’am.” “Okay, what is acceleration?” “Acceleration is the time rate of change of velocity whether negative or positive.” “What is the formula to get the average acceleration?” “The final velocity minus the initial velocity divided by the change in time.” “Good. Now go to the board and solve the problem written.” Nasapak niya ang noo bago tumayo. Kung bakit naman kasi hindi siya nakikinig sa leksiyon, ayan tuloy. Mabuti na lang at natatandaan pa niya ang leksiyon nito kahapon dahil hindi siya nakapag-aral kagabi. Labis siyang nag-aalala sa scholarship niya kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Matapos niyang sagutan ang problemang nakasulat sa pisara ay ipinaliwanag muna niya iyon sa buong klase bago naupo. Bakit iyong problema sa pisara nahanapan niya ng solusyon pero sarili niyang problema hindi niya magawan ng solusiyon? Napabuntong-hininga na lang siya. “May problema ka ba?” tanong ni Angela sa nag-aalalang tinig. Kiming ngumiti siya. “Medyo.” “Ms. Garciano, answer the problem on page 21 number 6 on the board!” sigaw ng guro nila. Pareho sila ni Angela na napapiksi dahil sa tinig ng guro nila. “This is your last warning, Ms. Cruz and Ms. Garciano, don’t talk nonsense in my class.” Napangiwi siya. Grabe, lupit nitong guro nila. Tiningnan niya ang problem na sasagutan ni Angela. “Sorry.” bulong niya nang tumayo si Angela. “Kaya iyan ng powers mo, velocity lang naman iyan eh.” Tiningnan siya nito saka ngumiti. Dahil sa nangyari ay pinag-initan tuloy sila ng guro nila. Silang dalawa lang ang pinapasagot nito sa lahat ng ‘problema’ sa libro. Kaya nang tumunog ang bell ay pareho silang nakahinga ng maluwang. “Good bye, Mrs. Damyo.” sabi ng lahat nang tumunog ang bell na nagpapahiwatig na lunch time na. “Waahh... salamat Lord!” malakas na sabi niya. “Are the two of you alright?” tanong ni Haily, ang classroom president nila. Nagkatinginan sila ni Angela saka nagtanguan. “Ayos lang naman.” sabi niya. “Ganoon na talaga ang gurong iyon simula palang noong first year high school namin. Matalas na talaga ang pandinig at mata niyon.” sabi ni Marc, isa sa mga kaklase nila. “Pero astig kayo. Nasagutan ninyo lahat ng problema sa mundo.” Natatawang sabi ni Aina, ang boyish treasurer nila. Tumawa na lang sila. “Girls and boys, speak English. She might return and catch us speaking mother tongue.” babala ni Angela. “Her business here is done.” sabi ni Marc. Pagkatapos iyong sabihin ni Marc ay pumasok nga ulit ang guro nila at napatingin ito sa grupo nila. Napatuwid tuloy sila ni Angela ng upo. Sina Haily nagkanya-kanyang may ginagawa kuno. May kinuha lang itong whiteboard marker at umalis na rin kaagad. “Whoa…muntik na ako roon ah.” sabi ni Marc. “Akala ko talaga narinig niya tayo.” “English!” sabay-sabay na sabi nila. Itinaas ni Marc ang dalawang kamay na para bang sumusuko na. “Sorry!” Napailing na lang sila. “Let’s have lunch together.” Sabi ni Haily. “Doon tayo sa garden sa likod ng school.” suhestiyon ni Marc. “English!” Tumukhim si Marc. “Let’s have our lunch at the Emerald garden.” Tinawanan lang nila ito. Sabay-sabay na silang nagpunta roon. Nakahanap sila ng puwesto sa ilalim ng isang puno. Nakaharap pa nga sila sa labyrinth. And her memories with Luis inside that labyrinth came back. If she is expelled from this university, she won’t be able to see him ever again. That’s sad because she already likes him. “Are you alright?” tanong ni Angela. Ngumiti siya. “Yeah.” Naglatag sila ng tela na mauupuan. Kanya-kanya na rin sila ng puwesto. Sila ni Angela ang magkatabi. Nasa harap nila si Hailey, nasa kanan niya si Marc at nasa kaliwa ni Angela si Aina. “Angela, pasensiya ka na nga pala noong nakaraang araw kung hindi na ako nakasabay na mag-lunch sa iyo. Si Luis kasi eh. Pero pinuntahan ka naman ni Lance, hindi ba?” Tumango lang si Angela. “Lance? Sinong Lance?” tanong ni Aina. “Lance Villanueva. Iyong student council Auditor sa college.” Nagkatinginan sina Marc, Aina at Haily bago tiningnan si Angela. “Pinuntahan ka ni Lance?” tanong ni Haily. “Oo.” maikling sagot ni Angela. “Ano ang sinabi niya?” tanong ni Marc. Nagkibit-balikat si Angela. “Sabi lang niya hindi makakasabay si Suzie ng araw na iyon sa lunch.” “Ano bang mayroon?” tanong niya. “Bakit gulat na gulat kayo na pinuntahan ni Lance si Angela?” Muling nagkatinginan ang tatlo bago tumingin kay Angela. Si Aina ang nagsalita. “Wala naman. Kasi nga heartthrob si Lance tapos mapupunta siya rito sa high school. Ang suwerte kaya ni Angela at kinausap siya ni Lance.” “Ahh…so babae ka rin pala kahit papaano.” sabi ni Marc. Nakatanggap ito ng suntok kay Aina. Pero hindi siya kumbensido sa mga sinabi ni Aina. Parang may mas malalim na dahilan ang pagkagulat ng mga ito. Nang tingnan niya si Angela ay nakumpirma niya iyon. Nag-iba kasi ang mood nito. Ano kaya ang mayroon sa dalawa? Gusto man niyang magtanong ay nanahimik na lang siya. “Kumain na tayo.” sabi ni Angela. Habang kumakain ay panay pa rin ang kuwentuhan nila. Sila pa nga ang pinakamainggay sa mga kumakain din doon. Panay ang kulitan nila kaya naman panandaliang nakalimutan niya ang problemang dinadala niya. “Papunta rito si Lance!” sabi ng isang babaeng estudyante na halatang kinikilig. “Sino raw?” tanong ni Marc. “Si Lance raw, bingi.” sabi ni Aina. Tiningnan niya ang reaksiyon ni Angela pero para namang hindi ito apektado nang malamang paparating si Lance. Siguro nga tama si Aina. Heartthrob lang talaga si Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD