ANG sabi ng doctor ay nasa maayos ng kalagayan si Suzie pero hindi pa rin mapakali si Luis. Hindi pa rin kasi nagigising ang dalaga at kinakabahan siya.
Sinuklay niya ang buhok habang nagpabalik-balik sa paglalakad. Bakit hindi pa rin nagigising si Suzie? Hindi kaya may nakaligtaan ang doktor nito nang suriin ito? Ipa-double check kaya niya sa ibang ospital si Suzie?
“Kumalma ka nga r’yan,” sabi ni Lance. “Nahihilo na ako sa kakaikot mo.”
“It is not the likes of you, brother to panic,” komento ni Vergel. “That’s not the Luis Alvarez I once knew.”
“I can’t calm down until Suzie’s not awake!” he blurted out.
“Fine. Sabihin nating nagising na si Suzie pero ikaw naman ang papalit sa kanya,” sabi ni Dave. “What do you think Suzie would feel? Get some sleep, Luis. Babalik tayo sa Manila. We have to attend the class.”
“I’ll take care of her,” sabi niya. He’d be damned if he would let Suzie alone.
Pagkatapos ng ilang oras ay pabalik na sila sa Manila. Iisang kotse lang ang ginamit nila para mabawasan ang polusyon.
Nagising na kanina si Suzie pero kailangan pa rin nito ng pahinga kaya nagpadala na lang si Dave ng pinagkakatiwalaan nitong kasambahay sa Agate Lakefront para ito na ang magbantay kay Suzie at Gelo habang wala pa sila.
Disoriented pa si Suzie kanina kaya hindi niya ito masyadong nakausap. Nakatulog din ito kaagad kaya hindi na niya ito kinulit pa. Nagpasalamat na lang siya na nagising na rin ito sa wakas.
“Sigurado kang ayos lang na ikaw ang magmaneho?” tanong ni Dave kay Keith.
“No one has slept tonight,” answered Keith. “But I assure you, I took a nap.”
Dumiretso na sila sa eskuwelahan. Hindi na sila nakaabot sa first two subject nila. Sa third subject na sila pumasok—kung saan magkakaklase silang lima—kahit na medyo late na sila.
Tinulugan lang nina Dave at Keith ang subject na iyon. Si Lance naman na nasa tabi niya at antok na antok na at palaging naghihikab pero hindi naman magawang ipikit ang mga mata dahil sa ingay. Samantalang siya ay hindi mapakali sa kakaisip kay Suzie.
Nang mag-lunch break ay nagkita-kita sila sa SCR-C. Kanya-kanya sila ng posisyon para matulog. Si Lance ang nag-occupy sa mahabang sofa. Si Dave sa single sofa. Si Keith naman ay isinubsob ang mukha sa center table habang nakaupo sa sahig. Si Vergel ay padapang humiga sa pahabang mesa na nagsisilbing ‘conference table’ nila sa student council room. Habang siya ay itinulak si Lance para magkatabi sila. Malaki naman ang sofa kaya kasya ang dalawang tao roon.
“Ano’ng nangyari sa inyo?” nagtatakang tanong ni Carla nang pumasok ito at makita ang hitsura nila.
“Na-kidnap si Suzie kaya napuyat kami kakahanap sa kanya,” sagot ni Lance bagamat inaantok.
“How is she?”
“Medyo okay naman.”
* * * * *
PAGBALIK nina Luis sa Agate Lakefront ay nadatnan nila si Suzie at Gelo na nanonood ng telebisyon habang nagpupulutan ng chichirya. Hindi makikita sa mukha ni Suzie na na-kidnap ito. Relax lang ito pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala.
“Suzie, okay ka na?” nag-aalalang tanong na lumapit siya sa nobya.
Namumutla pa rin ito at mukhang hindi pa nakakabawi ng lakas dahil nanghihina pa rin ito. Sinalat niya ang noo nito para makasiguro na hindi ito nilalagnat. Nakahinga siya ng maluwang nang masiguro niyang normal naman ang temperature nito. Pero pansin niya ang panginginig nito paminsan-minsan.
“Oo pero nanghihina pa rin ako.” sagot nito sa mahinang tinig. “Parang binugbog ang katawan ko.”
“Hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo,” nag-aalalang sabi niya. “Baka kung mapaano ka.”
Ngumiti si Suzie at hinawakan ang pisngi niya na siyang nagpalakas ng t***k ng puso niya. “Thank you sa pagligtas sa akin.”
Hinaplos niya ang maputlang pisngi nito. “I’ll do anything for you.”
Tumikhim naman si Lance. “Ang daya. Tumulong din kaya kami. Bakit siya lang pinapasalamatan mo?” nakangusong tanong nito sa nagdadabog na boses.
Panira talaga ng moment ang isang ito. Ang sarap kutusan.
“Salamat Lance at sa `yo Dave.”
“You’re welcome,” they said in chorus.
“Nasaan nga pala si Keith?” tanong ni Suzie. “Gusto ko rin siyang pasalamatan.”
“Hindi na sumama pabalik dito. Mas gusto niyang matulog,” sagot ni Lance.
“Vergel helped as well,” he informed her.
“Oh,” halata ang pagkagulat sa mukha nito nang lingunin siya. Hindi naman niya ito masisi sa pagkagulat dahil wala naman sa hinagap niya na tutulong din ang kambal niya. “Really?”
“Yeah,” Niyakap niya ito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Never in his life did he feel so helpless and scared when he learned that she’s been kidn*pped. “Kahit naman nag-away kami, magkakambal pa rin kami.”
“Masaya akong marinig iyan.”
* * * * *
NANLALAMBOT pa rin ang pakiramdam ni Suzie pero ayaw naman niyang mahiga lang sa kama buong maghapon. Mahigpit kasing ibinilin ni Luis kay Gelo na hindi siya pakilusin.
Kung puwede nga lang na doon na sila nito sa apartment nito patirahin pansamantala ay ginawa na nito. Pero hindi siya pumayag dahil pangit tignan. Babae pa rin siya at baka kung ano ang mangyari sa reputasyon niya.
Tinawagan na lang niya si Luis at niyaya itong mamasyal dahil Sabado naman at walang pasok. Wala rin siyang trabaho sa araw na iyon. Ito na rin ang gumawa ng paraan para ma-excuse siya sa trabaho niya at may mababalikan pa siya.
Nahihiya na siya sa dami ng mga nagawa nito para sa kanya at sa kapatid niya, but she didn’t have much choice but to accept his kindness. She was thinking practically for her and her brother’s future. Pero hindi pa rin mawari ng kanyang konsensiya ang dami ng tulong na naibigay ni Luis.
After all, hindi niya ito sinagot bilang boyfriend para maging freeloader lang dito.
“Sigurado ka bang okay ka na talaga?” nag-aalalang tanong ni Luis. “Baka mabinat ka. Kailangan mo pa sigurong magpahinga.”
Iniikot niya ang mga mata. “Ayos lang ako. Huwag ka ngang ganyan. Para kang nanay na nag-aalala sa anak niya.”
Saglit na natahimik ito saka nag-pout. “Nanay talaga? Hindi ba puwedeng boyfriend lang na nag-aalala sa nobya niya?”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil nakatitig lang siya sa mukha nito. Para siyang nakarating sa langit dahil sa hitsura ng mukha nito. He is so cute. Ang sarap kurutin ng pisngi.
“What?”
Sa halip na sumagot, sinugod niya ito ng yakap at hinalik-halikan sa buong mukha bago pinisil-pisil ang pisngi. Nanggigigil siya habang nakatitig dito. Why is he so damn handsome? “Ang cute-cute mo!”
Sinamaan siya nito ng tingin na ikinatawa lang niya.