MAGKAHAWAK kamay na naglalakad sa parke sina Suzie at Luis. Hapon na at walang masyadong tao. Kanina pa nagrereklamo si Luis na maupo na lang sila dahil baka mapagod siya pero gusto niyang maglakad-lakad kaya wala na rin itong nagawa. Siya ang nasusunod.
May nakita siyang bata na nadapa kaya tinulungan niya itong makatayo.
“Thank you po,”
Ngumiti siya. “You’re welcome.”
Inihatid niya ng tingin ang bata hanggang sa humalo ito sa mga batang naglalaro sa parke.
“Paglaki ng batang iyon, mabait `yon.”
“Paano mo nasabi?” tanong ni Luis.
Muli ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. “Kasi nag-thank you siya sa `kin. Kunti na lang ang mga batang nagsasabi ng mga ganoon. Sa panahon ngayon, wild na ang mga kabataan.”
“Hmm…”
Napalingon siya rito. “Bakit?”
Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Gusto mong mag-wild?”
Hinampas niya ito sa balikat at iniwan. Pero kaagad din naman itong nakasunod sa kanya at pasimpleng hinawakan ang kamay niya para ipagsalikop iyon sa kamay nito. He squeezed her hand.
Hindi pa nga nakakabawi ang puso niya dahil sa kapilyuhan nito, heto at pinapakilig na naman siya. Hindi siya ipinanganak kahapon kaya alam niya ang ibig nitong sabihin na ‘wild.’
Gusto niyang gawin iyon sa totoo lang pero saka na kapag wala na siyang mabigat na responsibilidad na dinadala. At kapag may panghahawakan na siya.
Nanood sila ng sunset habang magkahawak kamay. Nag-aapoy na ang kalangitan at sobrang ganda niyong pagmasdan. Kahit hindi nila nakikita ang tuluyang pagkawala ng araw ay nai-imagine naman niya iyon.
“Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong niya kay Luis.
Ang alam niya ay nag-tatrabaho ito sa kompanya ng daddy nito.
“Tinapos ko na lahat kahapon para makasama kita ngayon.”
Hindi niya maiwasang huwag kiligin dahil sa sinabi nito. Babae pa rin siya. Entitled siyang kiligin.
“Hindi ba galit ka sa dad mo? Mabuti naman at nagtatrabaho ka pa rin sa kanya.”
It really shows that Luis is a responsible person. Dahil sa kabila ng nararamdaman nito sa ama ay araw-araw pa rin nitong hinaharap ang tungkulin nito sa kompanya ng pamilya nito. He was also the student council president, and a role model student. Nakaka-proud maging nobya nito.
Nagkibit-balikat nito na para bang wala lang dito iyon pero alam niyang may kinikimkim ito.
“You could always rely on me Luis. Maaaring hindi kita matulungan but I can listen. Minsan, gumagaan ang loob ng isang tao kapag may napagsasabihan siya. Huwag mong kimkimin lahat. Sige ka, baka sumabog ka r’yan. Maiiwan akong mag-isa.”
Niyakap siya nito at ngumiti. Nangingislap ang mga matang tinitigan siya nito. “Malulungkot ka kapag nawala ako?”
She rolled her eyes. He was asking for confirmation of her love. “I love you, Luis. Always remember that.”
“And I you, Suzie. Always remember that too.”
Napangiti na lang siya.
“Kumain muna tayo.” sabi nito mayamaya. “Nagugutom na ako.”
“Okay.”
Dinala siya nito sa isang may kalakihang carinderia. Maganda ang ambiance doon at malinis. Medyo nagulat lang siya na doon siya dinala nito. Ang akala kasi niya ay sa mga sosyal na lugar ito naglalagi.
“Masarap ang pagkain dito, promise.”
Pinaghila pa siya nito ng upuan bago ito nagpunta sa counter para um-order. Base sa nakikita niyang pakikipag-usap at pakikipagtawanan sa babaeng nakabantay sa counter ay madalas doon ang nobyo.
Talaga palang hindi nito tinatanggap ang sustento ng mga magulang nito. He lives on his own. Earning his own money. Napapahanga siya sa mga nadidiskubre niya tungkol sa nobyo.
Nang bumalik ito ay may bitbit na itong tray at nakangiti sa kanya.
“Pasensiya ka na kung hindi kita madadala sa isang mamahaling restaurant.” He voice tingle with uneasiness.
Ipinatong niya ang palad sa kamay nitong nasa ibabaw ng mesa.
“Alam mo namang hindi ako mayaman hindi ba? Kaya alam mo rin siguro na mas gusto ko rito kumain. Magagalit ako sa `yo kapag sa restaurant mo ako dinala. I eat like a pig, Luis. And you know that. Hindi bagay ang isang tulad ko sa isang mamahaling kainan.”
“Huwag mong maliitin ang sarili mo, Suzie.”
Ngumiti siya. “I know. Isinasaksak ko lang diyan sa kokote mo na hindi ka dapat mag-alala kung dito mo lang ako madadala para kumain. Hmm?”
Tumango ito.
“Nagkakaintindihan ba tayo, Luis? I want a clear answer.”
He let out a frustrated mixed with amused sighed. “Yes, ma’am!”
“Good.”
“Mas malala ka pa kay Mommy na principal ng SJU.” nakangiwing komento nito pero alam niyang nagbibiro lang ito.
“Bakit? May reklamo ka?”
Marahas na umiling ito. “Wala.”
Right then and there, nalaman niyang takot sa kanya si Luis. Who would have thought that the mighty president of SJU’s student council is afraid of a poor, petite woman like her?
Napangiti na lang siya. Not bad.
“About your question earlier, yes, galit pa rin ako kay Dad pero wala akong choose. It’s either work for him or nothing at all.”
“Bakit ayaw mong magtrabaho sa kompanya ng Daddy mo?”
“Vergel wants the company.”
“Just that?”
“Just that.” Sumubo ito ng pagkain, nginuya at nilunok iyon bago nagpatuloy. “Even if Vergel’s not saying anything, alam kong gusto niyang sa company magtrabaho. He aims to please our dad. Minsan ko na siyang nahuli na nakatulugan ang pag-aaral sa pasikut-sikot sa kompanya.”
“Nagtatrabaho rin ba siya sa kompanya?”
“No. Dad won’t allow it because Vergel’s just a nuisance in his eyes. Isang bobong naglalakad sa mundo ang tingin niya sa kapatid ko.”
Napangiwi siya sa sinabi nito. “You’re exaggerating it, Luis.”
“I’m not. You don’t know my dad Suzie.” nakasimangot na sabi nito. “He might seem like he approves of you, but he was controlling. And he likes controlling his wife and sons. Minsan ko ng nakita si Mommy na nasakal sa kanya pero hindi ko rin maintindihan kung bakit patuloy pa rin siyang pinapatawad ni Mommy.
Hindi niya mai-connect ang sinasabi nito sa Ares Alvarez na nakilala niya sa mansion ng pamilya nito. Mukha naman kasing mabait ang ama nito. Medyo intimidating nga lang pero masasabi niya na proud ito kay Luis.
Minsan lang ito nagsalita habang kumakain sila pero papuri lang tungkol kay Luis ang inusal nito. “But he seems nice when we had dinner at the Alvarez Mansion.”
Luis' expression suddenly turned dark and grim. “Because he’s brewing something.”
“What do you mean?”
“I don’t know. Pero masama ang pakiramdam ko.”
“Gutom lang iyan, Luis.” Idinaan na lang niya sa tawa ang pagiging seryoso nito. Hindi naman siguro ganoon kasama ang ama nito. Baka dahil lang iyon sa matagal ng sama ng loob na naipon sa dibdib ni Luis kaya nakakapagsalita ito ng mga ganoong bagay.
Hindi na rin naman ito nagsalita pa tungkol doon kaya iniba na lang niya ang usapan nila. Pero napansin niyang wala na sa kuwentuhan nila ang pansin ni Luis. Napakalalim ng iniisip nito kahit na nga sumasagot pa rin ito kapag tinatanong niya.
Nang ihatid siya nito sa bahay ay malalim pa rin ang iniisip nito. Ni hindi na nga siya hinalikan nito sa pisngi gaya ng madalas nitong gawin sa kanya kapag naghihiwalay na sila ng landas.
“O, Ate, bakit parang namatayan ka? May nangyari ba sa date ninyo ni Kuya Luis?” salubong ni Gelo sa kanya.
Ginulo niya ang buhok nito. “Wala naman. May iniisip lang siguro siya kaya parang wala sa usapan ang atensiyon niya.”
Maybe there’s really something his father was planning kung ganoon ka apektado si Luis. Though, hindi siya dapat na makialam sa problema ng pamilya nito, gusto pa rin niyang makatulong kahit papaano.
“Ate ha, may iniisip lang, nagkakaganyan ka na. Paano pa kaya kapag may kasama ng ibang babae?”
Kinurot niya ang tagiliran nito sanhi para kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.
“Kumain ka na ba?” sigaw niya dahil wala na ito sa paningin niya.
“Oo.”
Napabuntong-hininga na lang siya. Wala naman sigurong masamang mangyayari, `di ba? But the bad intuition she felt did not fade, Suzie laid awake and thinking of what future might bring to her and to those she cares about.