IPINAGDIINAN ng kapatid ni Dave ang huling sinabi nito. Narinig niya ang pagsaway ni Dave rito pero hindi naman natinag ang babae. Marahil ay napansin nito na nakatitig lang siya kay Luis. And she’s an attention seeker. Tss. Tinanggap niya ang kamay nito. “I’m Suzie Cruz, Luis’s ex-girlfriend.” Ginaya pa niya ang tono ng pananalita nito. Kulang na lang palakpakan niya ang sarili dahil sa lakas ng loob niya. Pareho silang nagulat ng babae nang may biglang humawak sa kamay nila. “And I’m Cass Valiente, Luis’s fiancé.” Pareho nilang nilingon si Cass. Nakangiti ito sa kanilang dalawa. Hindi niya malaman kung talaga bang nasisiyahan ito o ano. “Wow, iba na talaga ang saksakan ng guwapo,” narinig niyang sabi ni Vergel. Ngumiti naman si Yasmin. “Hi, Cass. I hope you take good care of Luis.”

