NAPAKISLOT si Suzie nang may magtaas ng mukha niya mula sa pagkakayukyok. Sinalubong siya ng guwapong mukha ni Drake. Mas lalo lang siyang napaiyak nang makita niya ito. “You really took that one call away too seriously,” biro niya rito pero hindi niya magawang ngumiti man lang. Ngumiwi ito nang makita ang buo niyang hitsura. Siguro nga ang pangit na niyang tingnan ngayon. Well, it’s Drake. Hindi nito pinapahalagahan ang pisikal na hitsura niya. Yumakap siya rito at nagsumiksik sa dibdib nito. Kaagad naman siya nitong niyakap pabalik at tinapik-tapik pa sa balikat. “Suzie, mukha kang monster.” Kahit paano ay napangiti siya sa sinabi nito. “Alam ko.” “Ang sabi ni Gelo hindi ka pa raw kumakain. Naku….ang payat-payat mo na nga may nalalaman ka pang pa-diet-diet diyan. Ipakain ko kaya sa

