24. Quelling A Fight

1360 Words
HINDI maipaliwanag ni Dave ang dahilan kung bakit kusang naglalakad ang mga paa niya patungo sa lawa na napapalibutan ng mga puno. Hindi na niya iyon teritoryo dahil sakop ng horseback riding club ni Lance ang lugar na iyon. Malayo ang pinamamahalaan niyang archery club sa lugar na iyon pero pakiramdam niya ay may humihila sa kanya papunta sa lugar na iyon. Nagkibit-balikat na lang siya saka niya ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala namang mawawala sa kanya. Isa pa ay tapos na rin naman ang meeting sa archery kung saan isa siya sa mga instructors. Isa kasi iyong extra-curricular activity na naisip ng may-ari ng eskwelahan. Nakakapagod na minsan pero wala naman siyang magawa. “Hi, Dave,” bati sa kanya ng nakasalubong niyang babaeng estudyante. Nginitian lang niya ito. Nang lumagpas ito ay naging simangot ang ngiti niya. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganoon na lang sila kasikat na magbabarkada. Wala namang espesyal sa kanila. Ordinaryong tao lang sila at hindi artista kaya nagtataka talaga siya kung bakit ang dami nilang tagahanga. Napailing siya. Bukas ay kakaibang pakikibaka na naman ang haharapin nilang lima na magkakaibigan makapasok lang sa loob ng paaralan. Nagpapasalamat nga siya at hindi na sila masyadong pinagkakaguluhan ngayon hindi katulad noong babaero pa si Lance na hindi na hiniwalayan ng mga babae kaya pati sila ni Luis at Keith ay nadadamay sa kalandian nito. Idagdag pa si Vergel. “b***h!” Napakunot ang noo niya nang marinig ang boses na iyon. Parang kay Charmien ang boses na iyon pero hindi rin siya sigurado. “Witch!” Napatigil siya sa paglalakd. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Pero kanino? “Witch!” Masama ang pakiramdam niya sa sigaw na iyon. Tumakbo siya papasok sa lawa na napapalibutan ng mga puno at doon nasaksihan niya ang pagsasabunutan ng dalawang babae. Just by the sight of the girl, kilala na niya ito. Charmien. Ang hindi niya maaninag ay ang kaaway nito, pero pamilyar sa kanya ang isa pang babae. Mabilis siyang tumakbo palapit sa dalawa at pilit na pinaghihiwalay ang mga ito pero matindi talaga ang kapit ng dalawa sa isa’t-isa. Muntik na ngang tumama sa mukha niya ang kalmot ng isang kamay, hindi na niya nakita kung kanino iyon, mabuti na lang at nakaiwas siya sa huling sandali. “Damn, Charmien, bitiwan mo siya!” sigaw niya. Pero parang walang narinig si Charmien at patuloy na sinusugod ang kalaban nito na hindi pa rin niya nakikita ang mukha dahil nakatabon ang buhok nito sa mukha. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumagitna sa dalawa. Kaagad niyang naramdaman ang pagguhit ng hapdi nang tumama ang kuko ni Charmien sa leeg niya. “Damn!” igik niya. Kung hindi lang mga babae ang mga ito ay pinagtutulak na niya ang mga ito palayo sa isa’t-isa. Mga babae talaga. Kung puwede lang niyang pag-umpugin ang ulo ng dalawang ito para matigilan na ginawa na sana niya. Pero babae pa rin ang mga ito at kailangang irespeto. Mabilis na ipinalibot niya ang mga braso sa beywang ni Charmien at hinila palayo sa kalaban nito. Charmien hissed and glared at him. Her eyes speak murder. He just rolled his eyes, sanay na siya. “Stop it, will you?” Nagpapasalamat na rin siya dahil hindi na siya sinugod pa ng kalaban nito. Nilingon niya ang kasabunutan ni Charmien habang yakap pa rin sa baywang ang dalaga kaya pati sya ay nabasa na. Hinihingal na hinawi ng kalaban ni Charmien ang buhok nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang buong mukha ng babae. “Suzie?” hindi makapaniwalang tanong niya. Nakasimangot na tiningnan siya nito. “Dave.” “b***h!” Charmien hissed. Akmang babaklasin nito ang pagkakayakap niya rito kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya rito. “Bitiwan mo ako, Dave!” paasik na utos ni Charmien sa kanya. May hinala siya kung bakit nagsasabunutan ang dalawa. “Para ano? Makipag-away na naman? Hindi ka na ba nahiya? You’re the student council president, Charmien. Huwag mong dungisan ang reputasyon mo nang dahil lang sa isang lalaki.” “Wala akong pakialam sa reputasyon ko dahil ang lalaking mahal ko ang pinag-uusapan natin dito.” Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya rito. Pain lurked through his heart, this is what pained him the most. The woman he loves, loves someone else and that someone else happened to be his best friend. Who he knows will never love the woman he loves. Lumuwang ang pagkakayakap niya rito nang sikuhin nito ang sikmura niya dahilan upang makawala ito sa mga braso niya. Malakas na itinulak siya nito at dahil madulas ay nawalan siya ng balance at napaupo sa mabatong lawa na iyon. Napamura siya sa isip dahil hindi maganda ang pagkakalanding ng pwet niya. Darn. Kakalbuhin talaga niya ang babaeng ito. Mahal o hindi, sumusubra na ang pagiging maldita nito. Nakita niyang muling sinugod ni Charmien si Suzie kaya mabilis na tumayo siya at kinalimutan ang sakit na nararamdaman niya sa puwetan. Hinila niya si Charmien pero dahil hindi nito binitiwan ang buhok ni Suzie ay nahila rin ang huli. Irritation filled him. And once his temper snaps, there’s no turning back. Buong lakas na hinatak niya si Charmien at walang sabi-sabing itinulak ito sa gilid ng lawa. Muntik ng sumubsob ang mukha nito sa lawa, buti na lang at naitukod nito ang dalawang kamay. May kumudlit din na konsensiya sa kanyang dibdib. Masamang tiningnan siya nito. “Damn you, Dave!” Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha nito. Bago pa niya makita ang reaksiyon nito ay ibinaling na niya kay Suzie ang atensiyon na halatang nagulat sa ginawa niya kay Charmien. “Come on, Suzie.” mahinahong sabi niya at hinawakan sa siko ang dalaga at iginiya palayo sa lugar na iyon. “Hindi gugustuhing makita ni Luis ang sitwasyon mo ngayon.” Mukhang doon lang ito natauhan. “S-Si Charmien…” “Hayaan mo na siya roon.” Walang emosyong sabi niya pero ang totoo ay ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ng kamay si Charmien. And he felt guilty. “Dave—” “Don’t mind it, Suzie.” sabi niya. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Charmien.” “Pero hindi mo naman alam kung ano ang nangyari.” Tumawa siya ng mahina. “Trust me, Suzie. When I say I know what happened between the two of you, I know it. Memoryado ko ang lakaw ng bituka ni Charmien. And you’re not the type of person to start a fight not unless you’re provoke.” Tumango na lang ito. Wala ng namutawing salita mula sa kanila hanggang sa makarating na sila sa archery room. “Dito ka muna. Ikukuha lang kita ng pamalit ng uniform mo.” Pinagmasdan niya ang basang uniporme nito at magulong buhok. Kapagkuwan ay napailing na lang siya at isinara ang pinto ng archery room. Wala na rin namang club member dahil kanina pa ang uwian nila. Nagmamadaling pumunta siya sa basement ng main building at bumili roon ng medium size na school uniform; blouse, blazer and skirt. Nagdududa pa nga siyang tiningnan ng salesman. Hindi na lang niya ito pinansin at binayaran ang lahat ng iyon sa teller. Habang nagmamadaling maglakad pabalik sa archery club ay nakasalubong niya si Luis. “Dave.” Sinuri siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago kimunot ang noo nito. “What happened to you?” Inilagay niya sa kamay nito ang mga pinamili niya sa basement. “Ihatid mo `yan sa archery club.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Tumakbo na siya pabalik sa lawa. Narinig pa nga niya ang sigaw nito pero hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagtakbo. Naabutan niya si Charmien na nakaupo sa lupa katabi ng lawa. Yakap nito ang mga binti at nakasubsob ang mukha sa mga tuhod nito. Yumuyugyog ang mga balikat nito. Humakbang syia palapit dito at tumigil. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang naglakad palapit ditto. Lumuhod siya sa harap nito, niyakap ito at hinagod ang likod. “Shh…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD