37. She's kidn*pped

1391 Words
IHININTO ni Luis ang kotse nito sa harap ng bahay nila Suzie. Niyaya niya itong pumasok muna ito sa loob pero tumanggi ito at may gagawin pa raw. Hindi na rin niya ito pinilit pa dahil alam naman niyang abala talaga ito. “Okay,” nakangiting sabi niya. “Mag-iingat ka.” Tumango ito. Akmang lalabas na siya ng kotse nito nang hilahin nito ang kamay niya kaya dire-diretso ang labi niya sa labi nito. It was just a two second kiss, but she can’t help herself blush. Awtomatikong naitulak din niya ito. But she must admit, kinilig siya sa ginawa nitong iyon. Hinaplos nito ang pisngi niya at muli siyang hinalikan. It sent a hundred butterflies in her stomach. Alam din niyang namumula na ang pisngi niya dahil sa ginawa nito. “Good night,” nakangiting paalam nito. Tulirong napatango na lang siya saka bumaba sa kotse nito. Nanatili lang siya sa kinatatayuan hanggang sa mawala na ang kotse nito sa paningin niya. Saka lang siya pumasok sa loob. Nakita niya si Gelo na gumagawa ng assignment sa sala. Hinalikan niya ito sa pisngi bago pumasok sa kuwarto para magbihis. Nagluto na siya pagkatapos. Dalawang putahe lang ang iniluto niya dahil silang dalawa lang naman ni Gelo ang kakain. Tinawag na niya ang kapatid na kaagad na tumakbo papunta sa kusina. “Kumusta naman kayo ng boyfriend mo, Ate?” nanunuksong tanong ni Gelo. Tinapunan niya ito ng kakaibang tingin. “Kailan ka pa natutong manudyo ng ganyan?” Nagkibit-balikat lang ito at sumubo ng pagkain. Kusa na rin siyang nagkuwento. “Okay naman kami. So far, so good.” “Eh, `yong bruha?” Hindi kaagad niya na-gets ang sinasabi nitong bruha pero nang ma-realize niya kung sino iyon ay muntik na siyang mabilaokan. “Gelo! `Wag mo ngang tawaging ganyan si Charmien.” “Ate, ikaw ang nagsabi na si Charmien iyon hindi ako. Ang ibig kung sabihin ay kung meron bang hadlang sa pag-iibigan kuno ninyo.” Tinapuanan niya ng masamang tingin ang kapatid na ikinatawa lang nito. Minsan talaga ay napapaisip siya kung talaga bang bata pa itong kapatid niya o ano. Matanda na kasi magsalita at mag-isip. Muling sumagi sa isip niya si Luis. Hindi niya maiwasang kiligin. Kapag kasi nakakahanap ito ng pagkakataon ay hinahalikan siya nito. Stolen kisses. Sinasaway niya ito pero matigas din ang ulo nito. “Ate, tumutulo na ang laway mo.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Gelo. Mabilis na pinahid niya ang gilid ng labi pero wala namang basa roon. Tumalim ang mga mata niya nang marinig niyang tumawa si Gelo. “I can’t believe I’d see you like this, Ate. Para kang baliw.” “Heh!” “So in love ka nga talaga?” “Hindi ba halata? I’m falling in love with him more every passing second. Mas lalo lang lumalala itong nararamdaman ko sa kanya.” “Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo ate. Ang corny. Baduy.” Kunwari pa itong kinikilabutang hinimas-himas ang mga braso. Ngalingaling sabunutan niya ito. “Eight years old ka ba talaga? Para kang matanda magsalita, alam mo ba iyon?” “Oo,” sagot nito. “Ikaw talagang bata ka.” Kung magkatabi sila malamang nasakal na niya ito. “Heto nga pala ang cellphone mo, Ate.” Kinuha niya iyon at isinuksok sa bulsa niya. “Pinakialam mo na naman ang cellphone ko.” Nginisihan lang siya nito. Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. Ikinuwento kasi ni Suzie ang nangyari sa kanila ni Luis at ang naging araw niya. Nagkwento rin naman ang kapatid niya tungkol sa araw nito at sa bago nitong naging kaibigan. Bigla na lang bumukas ang pinto ng bahay nila at pumasok ang tatlong naglalakihang tao. “Ano po ang kailangan ninyo?” tanong ni Suzie pero hindi niya mapigilang kabahan dahil mukhang gagawa ang mga ito ng masama. “Kunin ninyo ang babae!” utos ng isa. “B-Bakit?” Hindi siya sinagot ng mga ito. Sa halip ay sapilitan siya nitong dinala at bago pa siya makasigaw para humingi ng tulong ay nasuntok na siya nito sa tiyan. Napaigik siya sa sakit at lumabo ang paningin niya. Lahat ng lakas niya ay nawala dahil sa suntok ng lalaki. Wala na siyang nagawa ng ipasok siya nito sa kotseng nag-aabang sa labas ng bahay nila. “Ate!” narinig niyang sigaw ni Gelo. “Gelo…” mahina niyang sambit bago binalot ng dilim ang mundo niya. ***** KANINA pa hindi mapakali si Luis simula noong ihatid niya si Suzie kanina. Marami pa siyang gagawin pero binalikan niya si Suzie dahil hindi talaga siya mapakali. Natuto na rin kasi siyang pakinggan ang “instinct” niya mula pa lang noong bata pa siya. At hindi pa kailan man nagmintis ang instinct niya. Pagdating niya sa bahay ng nobya ay nagtaka siya kung bakit nakabukas ang pinto nito. Kinutuban siya dahil doon. Pumasok siya sa bahay nito at tinawag ito, walang sumagot. Nilibot niya nang tingin ang buong bahay, magulo iyon at may mga basag na gamit sa sahig. Nakita niya sa isang sulok si Gelo na umiiyak. Kaagad niya itong nilapitan at umuklo sa harap nito. “Gelo, ano’ng nangyari?” “Dinukot si Ate Suzie,” umiiyak na pahayag nito at yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Naramdaman niya ang pagkawala ng kulay ng mukha niya. ***** “GABING-GABI NA, bakit ba tayo ipinatawag ni Luis?” reklamo ni Keith, nag-stretch at naghikab ito. “Inaantok na ako.” “Bakit ako ang tinatanong mo?” taas kilay na tanong ni Lance. “Malay ko sa isang iyon. Kahit ako gusto na ring matulog. Maaga pa akong manliligaw kay Angela bukas.” “Ex ka na lang niya. Si Angela ang klase ng babae na hindi na binabalikan ang luma na.” “Hindi iyan totoo iyan.” “Tanungin mo siya kung gusto mo.” “Ang pogi ko kaya, walang makakatangging babae sa akin.” Keith smirked. “Wala talagang tatangging babae sa iyo maliban kay Angela.” “Nasaan si Dave?” tanong ni Luis. Kung hindi pa siya magsasalita, tiyak na hahaba lang ang bangayan ng dalawang ito. Parehong napalingon ang dalawa sa kanya. Mukhang ngayon lang ng mga ito napansin ang presensya niya. Lumipat ang tingin ng mga ito kay Gelo at nagtatakang muling tumingin sa kanya. Keith shrugged. “I don’t know. I tried to call him but he’s not answering. His phone just kept on ringing.” “Sorry, I’m late.” Nabaling sa pinto ang atensiyon nila. Kararating lang ng hinahanap niya. “`Buti dumating ka pa,” sabi niya. “Suzie’s kidnapped.” “What?!” gulat na bulalas ni Lance. Tumaas lang ang kilay ni Keith, si Dave naman ay wala lang. Umuklo siya sa harap ni Gelo para magpantay ang mukha nila. Tumahan na ito sa pag-iyak pero namamaga pa rin ang mga mata nito. “Naaalala mo ba ang mga mukha ng dumukot sa Ate mo?” Tumango si Gelo. “Naaalala ko po. Malalaki ang katawan nila. Iyong isa ay may tattoo sa balikat. Gagamba. Puro sila may hikaw.” “What do you think their motives were in k********g Suzie?” tanong ni Lance. “Hindi naman siguro kidnap for ransom ito.” “Nobody knows.” Keith said. “Kuya Luis, puwede mong tawagan si Ate. Nilaro ko kasi iyong cellphone niya at nilagay ko sa automatic answer `yong phone niya. Sigurado akong nilagay niya iyon sa bulsa niya.” “Aba matalino ang batang ito,” sabi ni Lance. Luis nodded. “Dave, can you track Suzie’s phone?” “Yeah,” Dave opened the suitcase he was holding. Laman nito ang iba’t-ibang device including his laptop. Tinitigan niya ito pero hindi siya nagsalita. “You’re always ready, Dave,” puri ni Lance. “Ang ganda talaga kapag may boy scout kang kaibigan.” “Luis, call Suzie.” Kaagad naman siyang tumalima. Nagri-ring lang ang cellphone pero walang sumasagot. Nakita naman niya ang mapa ng buong Luzon sa screen ng laptop ni Dave. may pulang krus na gumagalaw sa screen, tinutukoy ang lokasyon ni Suzie. “Dave, where’s your phone?” tanong ni Lance. “I left it at SCR-C.” “That answers my question,” sabi ni Keith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD