36. Caroling Part 2

1351 Words
KASALUKUYANG naglalakad sina Suzie at Angela sa hallway, naghahanap ng sunod na mapapamaskuhan. “Mabuti na lang mukhang mabait si Charmien ngayon,” nakangiting sabi niya. “Himala nga pero ayos na rin iyon kaysa wala.” pagsang-aron ni Angela. “Hi, Suzie!” nakangiting bati ni Vergel pretending to be Luis. Kaagad niyang nakilala ito kaya sinimangutan niya ito. Hindi rin niya alam kung bakit kaagad niyang nakikilala ang kambal sa isa’t-isa pero thankful siya roon dahil hindi na siya nalilito pa hindi tulad noong una niyang makilala ang dalawa. Inakbayan siya nito na para bang close sila. “Oh, bakit nakasimangot ka? Hindi bagay sa `yo `yan. Ngumiti ka na para naman mas lalo kang gumanda.” “Huwag mo nga akong lukuhin, Vergel.” Walang kangiti-ngiting sabi niya. Tila nagulat ito pero alam niyang nagpapanggap lang ito. “Paano mo nalaman na hindi ako si Luis?” “Because I know him. You’re different from the way you walk, talk, move, smile, look and everything except the face.” Tumaas ang kilay nito saka tumawa. “Bravo! Kilala mo talaga ang kambal ko. Akala ko noong una tsamba lang.” Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito at nagsimulang kumanta. Halatang nagulat ito dahil sa bigla niyang pagkanta. Nagpalingon-lingon pa ito sa paligid. Halatang gusto nitong tumakas pero pinagtitinginan sila ng mga estudyante roon. May ilan pa nga na natatawa. “Maligayang pasko po!” sabi niya pagkatapos kumanta. Napakamot ito sa ulo bago atubiling nagbigay ng pera. “Sana pala hindi ko na lang kayo pinansin.” Ngumisi lang siya. Naisahan niya ito. Namasko rin sila sa iba pang mga estudyante pero nagpaalam naman sila bago nagsimulang mamasko, hindi katulad ng sa SCR-C na binigla lang niya. Nakikisabay na rin si Angela sa pagkanta kalaunan. Mukhang nakalimutan na nito ang hiya. Nang nasa main door na sila ng SJU, nakasalubong nila si Keith. Agad nila itong kinantahan. Nakakunot lang ang noo nito habang nakikinig sa kanya. Yari ding sinasabi ng titig nito kay Angela na “seryoso?” Ngumiti lang si Angela bilang ganti. “Merry Christmas, Keith!” malambing pa na bati ng kaibigan niya. “Namamasko ba kayo? Akala ko kakawala niyo lang sa mental,” sabi ni Keith. “Ang sakit sa tainga ng boses mo, Cinderella.” Namaywang siya. “Hoy, gift ni God itong boses ko. Palagi kaya akong nakaka-ninety sa videoke.” “Kawawa naman ang videoke n’yo, nasira sa boses mo kaya ka siguro nakaka-ninety.” Naikuyom ni Suzie ang kamao sa pagpipigil sa inis niya pero nawala rin iyon nang bigyan siya nito ng pera. Pero biente lang ang ibinigay nito sa kanya. “Mayaman ka na nga, ang kuripot mo pa.” sabi niya. “May inflation ngayon Keith.” Tinaasan siya nito ng kilay. Pero walang salita na dinagdagan nito ang ibinigay sa kanila. “Magbibigay naman pala, manlalait pa.” nakangising sabi niya. Biro lang naman ang mga hirit niya kaya siguro hindi rin siya siniseryoso nitong si Keith. Nagpatuloy na ito sa paglalakad na para bang walang nangyari. “Ewan ko talaga sa mood swings ng isang ‘yon,” komento niya habang inihahatid ng tingin si Keith. “Ganoon lang talaga ang pinsan ko. Masasanay ka rin.” Sunod nilang nakita sa hardin si Lance. Nakahilig ito sa puno habang nakaupo at nakikinig ng music sa MP3 nito. Naghi-hmm ito sa kantang pinapakinggan nito. Hinila niya si Angela palapit dito. “S-Suzie…” “Sige na,” bulong niya. Winagayway niya ang kamay sa harap ng mukha ni Lance, sigurado kasing hindi siya maririnig nito kung kakanta kaagad siya. Nagmamadaling tinanggal nito ang headset nang makita sila lalo na noong makita nito si Angela. He even stood. But before he could say anything, inunahan na niya ito. “Jingle bell, jingle bell…” pasimula niya sa pagkanta. Nang hindi niya marinig ang boses ni Angela ay umatras siya at binangga ang balikat nito. “Kumanta ka,” bulong niya rito. Napilitan naman itong kumanta. Palihim na kinindatan niya si Lance. Tuwang-tuwa naman ang loko, he even sang with them. Infairness ha, ang ganda ng boses ng loko. “Merry Christmas, Lance.” Nakangiting sabi ni Angela. “Merry Christmas, Angela.” Hindi magkandaugaga na kinuha ni Lance ang pitaka nito sa bulsa saka ibinigay ang lahat ng cash na laman niyon. Napanganga silang dalawa ni Angela. Isasauli sana nila ang iba doon dahil sobra-sobra ang ibinigay nito pero hindi nito tinanggap. “S-Salamat.” sabi ni Angela. “You’re welcome, Angela.” Nakangiting sabi ni Lance sa malambing na boses. Namula naman ang dalaga. “Ah…s-sige, alis na kami.” “Okay,” nakangiting sabi ni Lance. “Ingat ka.” Tumango lang si Angela at nagmamadaling umalis. Masama ang tinging ipinukol niya kay Lance. “Luh, may pakapatid-kapatid ka pang nalalaman diyan, ta’s si Angela lang ang sasabihan mo ng ingat?” Lance smiled at her guiltily. “Thanks, Suzie! Dahil sa ‘yo kumpleto na ang araw ko ngayon.” “Hmp!” Inirapan niya ito at sumunod kay Angela. Napansin ni Suzie ang biglaang pananahimik ni Angela. “May problema ba? Sorry kung pinilit kitang mag-caroling kay Lance.” Umiling ito. “Wala. Iniisp ko lang iyong kanina. That was the Lance I knew years ago. The Lance I fell in love with.” “Huwag mo namang i-past tense iyan. Aminin mo, hanggang ngayon mahal mo pa rin siya.” Tumango ito. Napaisip siya kung may pinagkaiba ba si Lance noong mga nakaraan at sa ngayon pero wala naman. Hmm…siguro hindi lang niya makita iyon dahil hindi naman talaga sila close ni Lance at kakakilala lang niya rito. Hindi katulad ng kay Angela na may pinagsamahan na ang dalawa at nagkarelasyon. Only Angela could tell. “Pahinga ka muna. Bukas na lang natin ituloy ito.” sabi niya rito. That’s enough for today. Isa pa, baka manibago si Angela kapag na-expose ito bigla sa maraming tao. Palagi pa naman itong mag-isa. “Paano ka?” “May ha-hunting-in muna ako,” sabi niya saka tumakbo palayo rito habang kumakaway ng paalam. Gumanti rin ito ng kaway bago tumalikod. Nakita kasi niya sa hindi kalayuan si Luis na nasa ibabaw ng puno. Nilapitan niya ito. Unan nito ang mga kamay habang nakahilig sa puno. Nakaupo ito sa sanga. “On the first day of Christmas, my true love sent to me,” pakanta niya. Agad na nagmulat ito ng mga mata saka umupo paharap sa kanya. He swayed his long legs but did not go down. Pinakinggan siya nito habang nakangiti at nakatitig sa kanya. Napansin din niya ang pigil nitong tawa. “Namamasko po!” Sa halip na bigyan siya ng pera ay iniabot nito ang kamay sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap. Walang kahirap-hirap na hinila siya nito at pinaupo siya sa sanga sa harap nito. Mabuti na lang at nakatalikod siya rito para hindi nito makita ang namumula niyang pisngi. “Marunong ka palang kumanta?” nakangising tanong nito. Sinapak niya ito sa braso. “Pambihira, pinagtawanan na nga ako ni Dave at ininsulto ni Keith, pagtatawanan mo rin ako? Diyan ka na nga.” Akmang bababa siya pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng pagyakap sa baywang niya. Napatili siya dahil sa gulat. “Nagtatanong lang naman ako,” sabi nito. “Ang sama ng dalawang `yon. Pinagtawanan ka nila. Hayaan mo at makakatikim sa `kin ang dalawang iyon.” “Parang siya hindi ako pinagtawanan,” nakaismid niyang saad. “Susunduin kita,” sa halip ay pag-iiba nito ng topic. ***** GABING-gabi na ay nasa eskuwelahan pa rin si Dave. Hindi na kasi niya namalayang nakatulog pala siya. Ang sakit tuloy ng likod niya dahil sa sahig mismo siya natulog. “Pambihira, iniwan na nila ako,” he murmured. He stared at his wrist watch. It’s already eight-thirty-one in the evening. Giniginaw na siya sa hampas ng hangin sa rooftop. Nagmamadaling pumunta siya sa SCR-C para kunin ang bag niya pero napahinto siya nang marinig ang boses ni Charmien na nakikipag-usap sa cellphone nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD