IT WAS a very exhausting day for both of them. Dinig na dinig pa ni Brad at Maya ang sabay nilang pagbubuntong hininga pagkapasok nila sa malaking bahay. Dumeretso si Maya sa kwarto nila ni Isabella. Mahimbing nang natutulog ang bata pero siguradong madidisturbo niya ito dahil kailangan niyang palitan ng damit. Inunahan siya ni Brad sa pintuan at ito ang pumihit ng siradura ng pinto upang hindi siya maabala dahi karga niya si Isabella. Nagkasalubong pa ang kanilang mga mata nang biglang mag-angat ng tingin ang dalaga kay Brad. Hindi lamang nila alam na sabay na parang kidlat na bumilis ang t***k ng kanilang mga puso. Pasadyang umubo si Brad upang basagin ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. "Sleep early tonight, Maya." Marahang tumango si Maya at yumuko. "Opo," tugon niya at pumasok

