"COME on, Brad!" wika nito sa kanyang sarili habang paulit-ulit na hihihilamusan ang mukha. "What are you doing?" Makailang beses siyang umiling-iling habang umaasa na mawawala ang bumabagabag sa kanyang isipan. Maya. Mayroon itong kung anong binuhay sa kaibuturan ng kanyang pagkatao, at hindi iyon maaari. Ilang linggo na rin ang nagdaan. Napapansin niyang may iba sa ikinikilos si Maya. Pilit niya lang iyong binabalewala. Oo, nararamdaman niyang may gusto sa kanya sa Maya. Ilang araw na rin siyang binabagabag sa kaiisip dito. Hindi lamang siya nagpapahalata. Hindi na bago iyon sa kanya dahil ilang beses nang may kasing edad nito na nagkagusto sa kanya. Pero dahil pinaninindigan niya ang kanyang prinsipyo na kailanman ay hindi siya papatol sa isang babaeng pwede na niyang maging anak. Sye

