Trigger warning: Rape! WALANG palitan ng good morning na nangyari kinabukasan. Napuno ng katahimikan ang buong bahay. Nang araw na iyon ay hindi nagpunta si ofia sa lumang bahay. May iba raw itong aasikasuhin. Malaki sanang ginhawa kay Maya pero dahil sa nangyari kagabi, mukhang hindi naman niya iyon dapat ikatuwa. Una sa lahat, para nga siya lasing kagabi. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng kapal ng mukha para umamin kay Brad. Pangalawa, naiilang na siya. Hindi niya alam kung paano sasalubungin ang mga mata ni Brad. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang hindi natataranta sa presensya nito. Alas dyes ng tanghali nang magpaalam si Maya na uuwi muna sa kanyang tiya Helen. Iiwasan na lang muna siguro niya si Brad. Ngayon na alam na nito ang nararamdaman niya, mahihirapan na si

