NASA kalagitnaan ng kamunduhan si Edward nang maramdaman niya ang paglapat ng isang kamay sa kanyang kanang balikat. Paglingon niya, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha. Kaagad siyang bumagsak sa sahig na may putok na labi at duguang ilong. Pagmulat ni Maya ng kanyang mata, ang mukha ni Brad ang tumunghay sa kanya. Kaagad siyang bumangon at yumakap dito. "Sir!" iyak niya. Naramdaman niya ang pagganti ng yakap sa kanya ng amo. Mahigpit iyon na halos malunod siya. "Shhhh!" wika ni Brad. "Don't cry. I am here." Naramdaman ni Maya ang paghalik nito sa kanyang noo. "You're alright," wika pa ni Brad habang hinahaplos ang kanyang mga pisngi. "You're alright." Inalalayan ni Brad ang dalaga na makaupo nang maayos pagkatapos ay binalikan niya si Edward na hirap pang makabangon

