CHAPTER 24

1386 Words

KAAGAD tumayo si Brad nang marinig ang pagtunog ng gate bell. Ayaw niyang madisturbo si Maya. As much as possible gusto niya itong makapagpahinga nang maayos. Napabuntong hininga siya nang makita si Helen sa labas ng gate. Wala siyang mapagpipilian kundi ang harapin ito. "Brad, gusto ko sanang kausapin ang pamangkin ko," wika ni Helen, pagkabukas na pagkabukas ni Brad ng gate. "Masama ang pakiramdam niya. Nagpapahinga siya. Hindi ko nga dinidisturbo. Sa ibang araw n'yo na lang siguro siya kausapin," tugon ni Brad. "May sakit ba siya? Pwede ko ba siyang makita?" nag-aalalang wika pa ni Helen. "Pasensya ka na, hindi talaga pwede," mariing wika ni Brad. "Teka lang," kunot ang noong ani Helen. "Tiyahin ako ni Maya. Bakit pinagbabawalan mo akong makita siya? Ano ba talaga ang nangyari sa b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD