DINIG na dinig ni Brad ang lahat. His heart is breaking for Maya, lalo na at alam niyang napaka-selfless nito para sa tiyahin. How could Helen do this to her? Nakayuko si Maya habang matamlay na naglalakad. Nakikita niya ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa lupa. Minsan bumabagsak iyon sa kanyang mga paa. Hindi na siya nag-abalang pahirin pa ang mga iyon. Walang saysay dahil para namang wala iyong katapusan. Napahinto siya sa paglalakad nang bumangga siya sa katawan ni Brad; sa matigas nitong dibdib. Napaangat siya ng tingin sa kanyang amo. His eyes were full of sympathy. Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin. Pumikit na lamang siya nang mariin at yumakap din dito. "Cry on my shoulder, Maya. I will not tell you to stop crying. Go on and cry, hanggang sa gumaan ang pakiramdam m

