CHAPTER 39

2019 Words

               "Ang cute niya, 'no?" nakangiti kong sambit habang pinagmamasdan ang sanggol sa harap ko. Saglit kasing umalis si Mami Lydia para mamili, kaya kaming dalawa muna ni Gino ang naiwan dito sa bahay nila para bantayan 'tong anak ni Bobby.                Actually, ngayon lang ako nakakita ulit ng baby sa tanang buhay ko. Ngayon ko lang din na-appreciate ang innocence nila habang pinagmamasdan itong tatlong buwang bata na nakatitig lang sa akin na tila kinikilala ako at si Gino. May mga pagkakataong ngumingiti siya nang hindi namin namamalayan.                "Do you love babies?" tanong niya. Pero ang tanong na iyon ay parang may laman. Dahil nang tinngnan ko siya ay may kung anong tingkad sa kanyang mga mata.                "Somehow," tipid kong tugon.               

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD