"Where are we?" unang tanong niya sa akin nang makarating kami sa gusto kong puntahan namin. Nginitian ko lang siya habang binubuksan ang pinto ng kotse. Kailangan kong buksan ang gate kaya naman bumaba ako. Nang mabuksan ko na iyon ay saka ko lamang siya sinensyasan na ipasok niya sa loob ng bakuran ang kotse. Halata pa rin kay Gino ang pagtataka. Salubong ang kilay niyang pinagmasdan ang paligid habang minamaneho ang sasakyan papasok. Nang maiparada na niya ito, naroon pa rin sa mukha niya ang pagtataka. Pinagmasdan ko lang siya habang iniikot ang paningin sa kung saan kami naroroon. Ipinikit ko lang ang aking mga mata at sinamyo ang preskong hangin na nagmumula sa paligid. Dinala ko siya rito upang mas lalo niya akong makilala nang lub

