PARTIAL AMNESIA Ito ngayon ang bumulaga sa akin matapos kong buksan ang folder na nahanap ko sa kanyang minnie office. Halo-halong katanungan na gumugulo ngayon sa aking isipan. Bakit kailangang itago ito sa akin ni Gino? Bakit mayroon siya ng hospital records ko? Yes, ang nilalaman ng folder ay hospital records ko mula sa isang hospital. Sa osptial kung saan ako na-confine noong naaksidente ako. Nahihirapang magproseso ang utak ko sa mga nangyayari. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon: takot, galit, at lungkot. Takot na maaaring may kinalaman si Gino sa aksidenteng nangyari sa akin at sa mga magulang ko. Galit dahil sa paglilihim niya sa akin. At lungkot dahil sa minahal ko talaga siya nang buo. Matapos kong ma

