PRINCE'S POV
Pagkagising ko ay pumasok agad sa isip ko yung mga sinabinji Sandy kahapon kay Anika.
"Nagustuhan niya ako dati?" bulong ko sa sarili nang biglang may kumatok.
"Kuya wake up na!"
Natawa ako sa narinig ko mula sa pintuan. Ni lock ko na kasi ang pinto ko kaya hindi na siya makakapasok hahal. Ang ingay talaga ng mga babae.
"Kuya, anong nangyari kahapon, kwento ka naman!" Pangungulit sa'kin ni Eury habang nag di-drive ako.
"Alam mo chismosa ka!"
"Ba't sila nag aaway ng freak na yun!?"
"Sinong freak sa kanila?"
"Edi yung umaway sa'kin!"
"Pinag aawayan nila ako, dahil ang pogi ko" biro ko.
"Hintayin mo namang may magsabi niyan sa'yo kuya"
"Aba ikaw ah, marunong ka na sumagot nang ganyan'"
"Hahaha!"
Pagkarating namin sa campus ay bigla akong kinabahan dahil sarado na ang gate. Nakaharang na si Sir Nam.
"Pwesto!"
"Huh?" Takang usal ng kapatid ko.
"Late tayo kaya may punishment tayo" bulong ko saka ko tinaas ang bag ko.
"Ah ok"
"Sir Nam, baka naman po pwedeng papasukin niyo 'tung kapatid ko? Naopera—"
"Kuya, its ok, I think it's fun!" Masayang sabi nito at itinaas ang kanyang bag.
"Oh it's fun pala e, pero hija 'wag mag enjoy ah, next time 'wag ka ng ma-la-late para walang punishment" natatawang sabi ni Sir Nam sa kapatid ko.
"Ok sir" nakangiting sagot ni eury.
Pag may nangyari sa kapatid ko! Masasapak kita!'
"Oh Turalba!" nanlaki ang mara ko nang marinig si Sir Nam, parang nag echo ang pangalan niya sa tainga ko.
"Ate Anika"
"Good morning Sir Nam!"
Hindi ko siya nilingon pero naramdaman kong tumabi siya sa kapatid ko.
"Ate,kuya sabay tayong mag lunch mamaya—"
"Huh!?/Huh!?"
Sh*t! Bat naiilang ako sakanya!?'
Nagkatinginan kaming dalawa nang sabay kaming sumagot kay Eury. Sabay din kaming umiwas sa isa't isa.
"Ang sabi ko sabay tayong mag lunch" pag uulit ni Eury.
Manahimik kang bata ka!'
"Naku Eury, may pupuntahan kasi ako mamayang lunch eh, next time nalang" sagot ni Gurang.
"Ay sayang naman, Ate"
"May next time pa naman hehe"
Matapos ang parusa namin ay pumasok na kami sa loob ng campus. Nag paalam na si Eury na pumunta sa room niya kaya kaming dalawa nalang ni Gurang ang naiwan, nauna siyang naglakad.
Pagdating sa room ay wala pa rin kaming pansinan. Nailang din siguro siya?, Hindi ako sanay na hindi kami nag tatalo, nag aasaran at nag pipikunan. Pero anong gagawin ko para pansinin niya ako?. Teka teka! paki ko kung hindi niya ako pansinin!.
Act natural Prince! wala ng gusto sa'yo yang tao ok!'
"An-gu-gu tss" nauutal na bulong ko "hay.. hoy Gurang!" Napatingin sa kin ang lahat pati na rin si Ma'am na naka kunot noo, tahimik silang lahat, Si Gurang naman ay nakatingin lang kay Ma'am.
"Sinong gurang Prince Arevalo!?" Galit na tanong sakin ni Ma'am.
Patay!'
"Ah hi-hindi kayo Ma'am!"
"Gusto mo bang isumbong kita sa Daddy mo!?"
"Ma'am sorry ma'am pero hindi po talaga kayo yun" pangungumbinsi ko kay Ma'am.
"Eh Sino!?" Tanong ni Ma'am at tumingin lahat ng classmates ko sa'kin na parang nag aabang sila ng isasagot ko. Sumulyap naman ako kay Gurang at nakatingin lang ito kay ma'am.
"S-si Anika po" mahinang sagot ko.
"Hahaha! Gurang daw oh!"
"Ang hard mo naman! Ba't naman gurang!? Hahaha!"
"Naku pag ako yan sasapakin ko yan hahaha!"
"Fight"
"Pwede ka rin ba naming tawaging gurang!? Gurang ka nga kasi talaga! Hahaha!"
"Gago ka ah!" Sabi ko sa isang classmate ko sabay tayo.
"oh easy easy! bakit ikaw lang ba pwedeng magtawag sa kanya ng Gurang!?"
"Paki mo ba?! Ano sapakan tayo!?" Pag hahamon ko at tinumba ko ang isang upuan na nakaharang sa'kin 'saka ako lumapit sa kanya at tumayo rin ito.
"oh walang aawat walang aawat!" sabi ng isang classmate ko.
"Bakit! lkaw ang unang nagtawag sa kanya ng Gurang! Gumaya lang ako!"
"Pagsinabi kong kumain ka ng tae! Kakain ka rin!?"
"Quiet!" Awat samin ni ma'am kaya natahimik kaming lahat "Mga walang respeto! 'Andito ako sa harapan niyo!"
"Sorry Ma'am" sabi ng kaaway ko 'saka siya umupo, ganun din ang mga classmates ko.
"Sorry ma'am" usal ko rin.
"Humingi kayo ng tawad kay Anika! Ayun lumabas! Nag walk out! Mga judgmental kayo!" Sigaw samin ni Victoria. Tinignan ko naman ang silya ni Anika ngunit wala na nga siya run.
"Ayusin niyo yan, Arevalo at Monteverde! open your books, page 78 sagutin niyo yung activity to be pass tomorrow!" Galit na sabi ni Ma'am at padabog niyang kinuha ang mga gamit niya 'saka umalis.
Kinuha ko ang gamit ko 'saka lumabas ng room para hanapin si Anika.
Ano na naman 'tung nagawa ko sa'yo Anika!? lagi nalang kitang napapahiya. Ang sama sama ko talaga.
"Nasan na yun?" Mahinang sabi ko.
"Kuya!" Tawag sakin ni Eury ng matapat ako sa room nila "ba't ka nandito?"
"Hinahanap ko si ate Anika mo"
"Huh? Bakit? Diba classmate kayo?"
"Mahabang kwento, teka! Ba't nandito ka sa labas? Ba't dika pumasok?"
"Wala pa akong friends eh, nahihiya ako"
"Nahihiya? Sira! Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung nahihiya kang makihalubilo?"
"It's ok na wala akong friends dito sa section ko dahil may ate Anika naman ako!"
"Ba't ba ang gaan ng loob mo sa kanya? Kilala mo ba siya huh?"
"Mabait siya! kung pwede nga lang siya nalang ang maging gf mo e—"
"Tsk! Gf gf ka diyan!" Sita ko sabay kutos "Ang Bata mo pa tapos may pa gf gf ka ng nalalaman! Pasok!"
"Hindi na ako Bata.."
"Ay shushushu— andami pang sinasabi, pasok! lsa!"
"Ito na! Hmp!" Inis niyang sabi 'saka siya pumasok sa room nila at hinatid ko naman siya ng tingin, nakita kong may kumausap sa kanyang babae kaya naging kampante na ako at umalis.
Gf Si Anika? Haha di'ko maimagine kapatid! Teka! Nasan na ba kasi yun!?'
Napagpasyahan kong pumunta nalang sa susunod na subject, magkikita naman kami dun.
"Turalba?" Natahimik ang lahat ng tawagin si Anika. Wala si Anika!. "Absent? Absent si Turalba?"
—ANIKA—
"Happy birthday kuya" mahinang Sabi ko at nilapag ko ang bulaklak sa puntod niya, 'saka ako umupo.
Ngayon ang birthday at death anniversary ng kuya ko. Dalawang taon na siyang wala sa piling namin. ang lungkot nga eh, Hindi ko inaasahan noon na huling birthday niya na pala nun, Sana nayakap ko man lang siya at nasabing mahal na mahal ko siya.
Hanggang ngayon sobrang laki pa rin ng pag sisisi ko sa nangyari. Kung hindi dahil sakin, sana buhay pa siya.
-Flashback-
2 years ago
"Whoohhh!"
"Shot! Shot! Shot!!"
"Teka baka malasing agad ako nito ah!" Natatawang tanong ko.
"Hindi! Go Nika!"
Tinungga ko lahat ng laman ng baso, at nagsigawan ang mga barkada ko.
"Whooh!! Let's party party!
"Yeah!!"
Nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko ay mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko at sinagot ang tawag.
"Where are you Nika?—teka nasa bar ka ba!?" Si kuya.
"Nagkaayaan kuya e, pero saglit nalang uuwi na rin ako"
"Birthday ko pero wala ka dito sa bahay! Inuna mo pa yang mga barkada mo"
"Ito na nga kuya, saglit nalang"
"Susunduin na kita diyan! Saang bar ba yan!?"
"Wag na—"
"Saang bar yan!?"
"Vilarde bar"
"Hintayin mo'ko diyan ok"
"ok" mabilis kong sagot 'saka ko pinatay ang linya at ibinaling ko ang atensyon ko sa mga barkada ko.
"Yeah yeah!"
"Nika try mo 'to!" Sabi ng isang barkada ko at ininom ko naman yun.
Nagtuloy tuloy ang party at hindi ko namamalayang wala pa rin ang kuya ko. Nang mag vibrate ulit ang phone ko ay kinuha ko ito.
"Hello kuya nasan ka na?"
"Hello ma'am, Police po ito"
"Police? Ba't nasa inyo po ang phone ng kuya ko"
"Wag po kayong mabibigla ma'am"
"Ano? Anong 'wag mabibigla!? What happened?"
"Naaksidente po siya, dinala po siya sa hospital.. "
Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil nanghina ako.
"Saang hospital!?"
******
"San po ang room ni Zion Turalba!
"Kaano ano po kayo ng pasyente?
"Kapatid po!'"
"Sa room 9 po"
Mabilis akong tumakbo papunta sa room na sinabi ng nurse. Pagkarating ko dun ay naabutan ko sila mommy at daddy na umiyak. Nanghina ako at halos hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Nakita ko si kuya na natakpan ng kumot ang buong katawan niya. Kasabay ng paghakbang ko ang tuloy tuloy na pagbuhos ng luha ko.
"Kuya!" Sigaw ko habang umiiyak at naramdaman ko ang pagyakap sakin ní daddy. Naramdaman kong may humila sakin at—
*Pak!*
"Kasalanan mo to!"
"Vina!" Awat ni daddy kay Mommy matapos akong sampalin.
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko!" Sigaw nito habang umiiyak.
"Vina"
"Nasan ka nang susunduin ka ng kuya mo ah!!? Nasan ka!?"
"I'm sorry moymmy, I'm sorry Daddy"
"Anong magagawa ng sorry mo!?"
*END OF FLASHBACK*
Matapos ang nangyari sa kuya ko ay ako ang sinisisi ni mommy sa pagkawala niya. Halos araw araw ay hindi niya ako kinakausap, nadagdagan pa ang lungkot ko dahil sa pagluluksa ko. Si kuya ang namatay pero halos araw araw naman akong pinapatay ng parents ko.
Dahil dun nagpasya akong lumayas ng bahay. Hinayaan niya lang ako. Mula nun, tanggap ko nang tinakwil nila ako bilang anak niya. Alam ko namang nung nabubuhay pa si kuya ay iba na ang pagtrato nila sakin. Meron silang Favoritism, pero hindi ko naman sila masisisi.
Maraming achievements ang kuya ko at highschool palang siya nun napagdesisyunan na ng parents ko na sa kanya lahat ipamamana ang mga ari-arian namin.
Samantalang ako, napabarkada sa mga bad infuence. Happy go lucky lang at walang pinoproblema kung hindi ang kaligayahan ko. Naranasan ko na ring mag rebelde. Kaya siguro ok lang sa kanila na mawala ako sa piling nila dahil wala naman akong silbi.
Malaki ang galit ko sa parents ko kaya ayokong umuwi ng bahay. Sa tuwing nakikita ko sila, nasasaktan ako.
"Kuya, palit nalang kaya tayo, ako nalang diyan tapos ikaw nalang dito, baka sakaling matuwa pa si mommy at daddy" natatawang sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Sobrang close kami ni kuya dahil sa tuwing napapagalitan ako dati ng parents namin siya lang ang tagapagtanggol ko. Tinuruan niya akong magdrawing dahil ang sabi niya yun lang daw ang maipamamana niya sa'kin hehe.
"Napatawad mo na ba ako kuya?.. Kasi hindi ko pa napatawad ang sarili ko e, pero sinusubukan ko namang magbago, tumatayo na ako sa sarili kong paa—"
"Nika"
Pinunasan ko ang luna ko ng may marinig akong isang pamilyar na boses.
"Kuya mauna na ako ah, happy birthday ulit" Sabi 'saka ako tumayo at naglakad.
"Nika" pagpipigil sakin ni Mom at hinawakan niya ang braso ko ngunit kinuha ko rin ito agad 'saka naglakas paalis.
'Saka na ako babalik sainyo, pag may napatunayan na ako'
Nang makaramdam ng gutom ay dumiretso ako ng mall para kumain. Eksaktong lunchtime na kaya marami akong inorder na pagkain, pampagaan ng loob.
Maaga akong umalis ng school matapos nung pakikipag away ni Alien. Walang hiya din yun eh, kung ano anong lumalabas sa bibig kaya napapahamak ako.
"Ate Anika!"
"HUK!"
Uminom ako ng tubig nang bigla akong mabilaukan.
"Ate Anika, hi! I'm so happy you're here!"
"Anong ginagawa mo rito?"
"Kasama ko si kuya, nag o-order siya"
Anak ng-! ang malas ko talaga oh'
"Eury— Anika?"
Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ate, may kasama ka ba? Pwede bang maki table kami ni kuya?"
"Eury, 'wag mo na siyang istorb—"
"Ok lang sa'kin" pagpuputol ko kay Alien.
Nilapag niya ang tray sa table at tinignan ko siya, Hindi siya nakatingin sa'kin kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.
—PRINCE—
Bat siya nandito!?'
"Teka lang kuya, maghuhugas lang ako ng kamay" paalam ni Eury at tumango naman ako 'saka siya umalis.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Anika, naiilang talaga ako.
"Hm, Anika"
"Hm?" Sagot niya habang ngumunguya.
"Sorry sa nangyari kanina ah"
"Hm hm"
"Ok na? Bati na tayo?"
"Hm hm"
"Talaga?"
"Hm hm"
"Gwapo ako?"
"Hm hm"
"Pangit ako?"
"Hm hm"
G*go talaga! Hindi siya nakikinig eh!'
"May gusto ka sa'kin?"
"Hm hm— huh!?"
"Hahahahaha!"
"Hoy! ito itatak mo sa utak mo ah," seryosong sabi niya at tinuro ang kutsara sa mukha ko "totoong nagkagusto ako sa'yo DATI, Hindi na ngayon at hinding hindi na ako magkakagusto sa'yo, tandaan mo yan" maangas niyang sabi 'saka ulit siya kumain.
"Bakit naman?"
"Anong bakit naman?"
"Bakit naman hindi ka na magkakagusto sa'kin?"
"Haha! Sobrang pangit na ng image mo sa'kin, kaya hindi na ako magkakagusto sa'yo!, Ginusto lang kita dati dahil sa panlabas na anyo, 'wag kang feeling!, sa pagkakatanda ko, two weeks lang 'ata yun eh" nakangisi niyang sagot.
"Hoy matagal din yung two weeks ah!, Nangarap ka rin bang maging bf ako?" Nakangiting tanong ko at nagsalubong ang kilay ko ng bigla siyang tumawa.
"Hahaha hahaha!! Asa ka!"
"Let's eat na kuya" biglang sulpot ng kapatid ko saka ito umupo "'kala ko ba may pupuntahan ka ate?"
"Napuntahan ko na"
"San ka pumunta?" Tanong ko.
"Wala ka na dun"
"Tss," singhal ko
"Hahaha, chismoso ka kasi kuya!"
"Wow! Coming from you ah, kumain ka na nga lang diyan"
"Hehehe!" Tawa ni Anika saka sila nag apir ng kapatid ko.
"Magsama kayo!"
Matapos naming kumain ay naglibot muna kami at pumunta kami sa Dept. Store dahil pinagpili ko si Eury ng bagay na gusto niya 'saka ko bibilhin. Hindi ko kasi alam ang trip niya dahil matagal kaming nagkawalay.
Pinilit ni Eury na sumama si Anika at hindi naman ito nakatanggi. Natutuwa naman ako habang pinapanuod ko silang naglalakad. Nakahawak si Eury sa braso ni Anika at mukhang nagkwekwentuhan pa sila.
"Kuya come here!" Tawag sakin ni Eury nang mapunta kami sa make up section.
"Nag ma-make up ka na?" Inis kong tanong.
"Akin na yang mukha mo" Nakangiting sabi ni Anika at hinawakan ang baba ko 'saka ako pinaupo.
"Anong gagawin mo?"
"Kalma" Sabi nito at may nilagay sa labi ko.
Lipstick!!? Aaaarrrggghhh!!!.
"Hahahaha!" Tawa ni Eury habang nili-lipstick-an ako ni Anika.
"Maganda ba kulay?" Tanong ni Anika sa kapatid ko.
"Hindi ko gusto ate, ito 'to 'to" sagot ní Eury at may iniabot na lipstick kay Anika.
"Gagawin niyong tester tung labi ko!?" Inis kong tanong.
"Sshh.. pagbigyan mo na, tuwang tuwa eh" bulong sa'kin ni Anika habang pinupunasan ang labi ko ng tissue.
Nilingon ko naman si Eury at nakita ko siyang nakangiti at tuwang tuwa habang namimili ng lipstick kaya napangiti rn ako. Sobrang namiss ko ang baby sister ko kaya ngayong kasama ko na siya, gusto ko siyang pasayahin araw araw. Hindi rin madali ang mga pinag daanan niya sa states.
Ibinalik ko ang tingin kay Anika at abala ito sa pag lipstick sakin habang nakangiti at nagpipigil ng tawa.
"Oh Eury, ito?" Tanong ni Anika sa kapatid ako.
"Yan! I love it akin na yan ate!— Pa-try din ito ate" sagot ni eury at nag abot ulit kay Anika ng isang lipstick.
Sumimangot ako kay Anika habang siya ay nagpipigil sa tawa habang pinupunasan ang labi ko ng tissue.
"Tawa ka diyan" bulong ko sa kanya.
"Ang swerte mo nga, may Eury ka eh, dapat matuwa ka nalang hehe" sagot niya.
"Wala ka bang kapatid?"
"Meron kaso patay na"
Napataas ang dalawang kilay ko at ewan ko ba kung awa ang nararamdaman ko e. "Sorry"
"'Wag kang magalaw, nag d-drawing ako eh" nakangiting sabi ni Anika kaya huminto naman ako sa pagsasalita.
"Wow ang sweet nila babe"
"Gusto mo gayahin?"
Nahinto si Anika sa ginagawa niya at 'saka siya tumingin sa Couple na dumaan habang salubong ang kilay.
"Sweet daw tayo? hahaha" Natatawang sabi niya sa'kin at natawa naman ako.
"Ate, itong violet oh try mo"
"Violet!?" Inis kong tanong.
"Akin na, teka ito yung isa oh" sagot ni Anika at ipinakita ang mukha ko kay Eury sabay abot ng isang lipstick.
"Ayoko, Hindi ko type yung kulay" sagot nito at tumalikod sa'min.
"Tuwang tuwa ka rin eh, badtrip ka" inis kong bulong kay Anika dahil pigil na pigil ang tawa nito kaya natatawa din ako dahil nakakahawa ang ngiti niya "hehe badtrip ka"
"Hehehe, teka 'wag kang magalaw" natatawang sabi nito habang pinupunasan ang labi.
"Ate"
"Hm?" sagot ni Anika habang abala sa ginagawa sa labi ko.
"Foundation ang next ah!"
"Ohokey hehehe" natatawang sagot ni Anika habang nakatingin sa'kin.
"Hehehehe" tawa ko ngunit iyak ang tono.
"Lakas ng trip niya hehehe"
"Tuwang tuwa ka naman?"
"Masaya pala 'to gawin, sana nagawa namin "to ng kuya ko" nakangiting sabi niya at napatitig naman ako sa mata niya.
"oh ayan mag enjoy ka" seryosong sabi ko at mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya "hehe"
"Hehehe"
"Ate— hahaha! itsura mo kuya!" Tawa ni Eury nang Makita ang mukha ko "Ito powder foundation"
"Jusko naman" reklamo ko ng inabot ni Eury ang foundation kay Anika.
Binura ni Anika ang lipstick ko at hindi ko naman maalis ang paningin ko sa kanya.
"Mahapdi na ba labi mo?"
"Medyo"
"Hehe, last na yan 'wag kang mag alala" nakangiti sabi nito habang nakatingin sa bibig ko "pikit"
"Ayoko"
"Lalagyan kita nito, bahala ka" Sabi niya at nilagyan niya ang mukha ko ng powder, nabang nagpipigil ng tawa.
Sabi na eh, maganda talaga siya'
Matapos akong lagyan ng powder ni Anika ay nakita ko si Eury na nakangiti habang pinapanuod kami.
"Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" Salubong na kilay kong tanong sa kanya.
"Alam niyo, pag naging kayo, mag papa-party ako"
"Anong mag papa-party ang sinasabi mo!? Marami kang pera huh? Marami kang pera!?" Pambabara ko sa kapatid ko at inirapan niya ako.
"Hmp! Tara lipat tayo dun oh! Bibili akong ponytails" inis na sabi niya sa'kin, 'saka niya hinawakan sa braso si Anika at nauna silang naglakad. Matapos pag eksperementuhan ang mukha ko, iiwan ako!?.
Pumunta kami sa section ng mga kung ano anong meron ang mga babae, puro pink at glitters!. Matapos mamili ni Eury ay naglakad na kami paalis ng mall.
"You know what ate, nung nandito pa ako nun sa pinas, naririnig kong nagsasalita mag isa yang si kuya" rinig kong kwento ng kapatid ko kay Anika
"Hoy" Sita ko sa kanya.
"Gash ate, napaka weird ng kuya ko, kinakausap niya yung salamin hahaha"
"Hahaha! Alien yan eh" sabat din ni Anika
"Yun! Tama alien yang si kuya"
"Matapos niyong pagtripan 'tung muka ko, aasarin niyo pa ako?" Inis na sabi ko sakanila.
"Hehehe joke lang kuya, I love you! I'm so happy today! Nag enjoy ako" nakangiting sabi sa'kin ni Eury at hinalikan ako sa pisngi "Hoy ikaw!" Tawag ko kay Anika.
"Bakit?"
"Kiss din" biro ko at inilapit ko ang pisngi ko sa mukha niya.
"Yuck!" Sabi nito at mahina akong sinampal.
"Hahaha!" Tawa ni Eury at natawa rin ako.
"Biro lang 'to naman! Yuck talaga!? Hahaha!"
"Ang dugyot ng biro mo!"
Sabay sabay kaming pumasok ng school, at nakahinga naman ako ng maluwag dahil ok na kami ni Anika. Kaso nga lang baka asarin siya sa room.
"Anika! Sorry kanina ah" salubong samin ni Monteverde, yung nakaaway ko kanina.
"Ok lang" walang ganang sagot ni Anika habang naglalakad papasok ng room.
"Sorry din bro, wag mo akong isusumbong sa daddy mo ah" baling niya sa'kin.
"Ok lang" walang ganang sagot ko din habang naglalakad papasok ng room, ginaya ko si Anika haha!. G*go style!.
Pagkatapos ng klase ay sumabay ako kay Anika.
"Anika thank you pala ah" Sabi ko kay Anika habang naglalakad papalabas ng campus.
"Para saan?"
"Yung pagsama mo sa'min kanina ni Eury"
"Ah welcome"
"Prince, can we talk?"
Nahinto ako sa paglalakad ng biglang humarang si Sandy.
"Mauna na ako" paalam ni Anika 'saka ito umalis
*FLASHBACK*
"Kahit hindi ko tanungin alam kong mahal niya ako!! Eh baka naman kasi nagseselos ka dahil may gusto ka rin kay Prince kaso ako ang gusto niya! ang fake mo din eh"
"Si ate Anika yun diba?" Tanong ni Eury nang bigla kaming makarinig ng ingay habang papunta kami ng parking lot.
"Kung may fake sa'tin, ikaw yun!"
"Then prove it!"
"Ikaw ang nag lock sakin sa ict room kahapon 'diba!"
"What? May evidence ka!?"
"Oo meron! Nakita ko Ang CCTV footage at nakita kong ikaw ang may gawa nun!! -oh bat natahimik ka?— ngayon sabihin mo kung sinong fake sa'tin"
"Enough!" Awat ko sa kanila.
"o my gash" si Eury
"Prince" usal ni Sandy habang umilyak.
Siya nga ang nag lock!?'
"Eury, mauna ka na sa kotse, malapit na dito yung parking lot" utos ko sa kapatid ko.
"Yes I know, sure"
"Gusto ka niyang agawin sakin Prince" umiiyak na sabi sakin ni Sandy.
"Wala akong aagawin sa'yo, dahil hindi siya sa'yo!" Sigaw ni Anika sa kanya.
"Ang sabihin mo! Nainggit ka lang! kasi ikaw ang unang nagkagusto sa kanya pero ako ang gusto niya! ako ang minahal niya!"
"What?" Tanong ko.
May gusto siya sakin dati!?'
"Kaya ngayong hiwalay kami, gumagawa ka ng paraan para magkagusto siya sayo pero wala parin, ako parin ang Mahal niya, nakakaawa ka!"
"Matagal na akong walang gusto sakanya! Bago pa maging kayo, Wala na akong gusto sakanya dahil alam kong gusto mo rin siya! Naging masaya ako para sainyo dahil kaibigan kita!" Sigaw ni Anika sakanya at tumulo Ang luha nito "Wala kang karapatang sabihin yan sakin, dahil hindi yan totoo!" Sigaw nito saka siya umalis. Naiwan kami ni sandy at lumapit Ito sakin.
"Prince, sabihin mo saking mahal mo pa ako" umiiyak na sabi nito.
"Stop it! lkaw pa ba yung Sandy na girlfriend ko dati? Yung pag kulong mo kay Anika sa ict room pwede ko pa yung tanggapin eh, pero yung ginawa mo sa kapatid ko? Yun ang hindi ko kayang tanggapin, ang laki ng pinagbago mo"
"I'm so sorry"
"Ba't mo yun nagawa? Ang buti nung kaibigan mo sayyo, lagi ka niyang pinagtatanggol sa'kin alam mo ba yun!?"
"Don't tell me nahuhulog na rin ang loob mo sa kanya!?"
"Alam mo mukhang tama siya eh, siguro nga hindi talaga kita mahal"
"What? Sinasabi niya lang yun para maagaw ka niya sa'kin"
"Hindi ako iyo"
"Prince, Mahal kita, nilalason niya lang yang utak mo! alam kong Mahal mo din ako!"
"Look! kung may fake nga sainyo, ikaw yun! Matagal na bang ganyan ang tingin mo kay Anika? Nakakadismaya ka!"
"Bakit ka ba ganyan makapagsalita!? Nagugustuhan mo na ba siya!?"
"Kung mag kakagusto man ako sa kanya, ikakatuwa ko yun, dahil mabuti siyang tao, Hindi kagaya mo, na pati bata ay pinapatulan!" Sagot ko 'saka ako umalis.
*END OF FLASHBACK*
"Sorry sa mga nasabi ko kahapon nabigla lang ako" Sabi nito.
"Ba't sakin ka nag so-sorry? kay Anika ka mag sorry, 'wag sakin"
"Wala na ba talaga Prince?, Heto na ako oh, heto na yung Sandy mo, diba sabi mo sakin dating na gusto mo ng second chance, heto na oh, gusto ko ng makipagbalikan sa'yo"
"Akala ko din eh, akala ko mahal kita, buti nalang binuksan ni Anika ang mga mata ko, at nakita ko kung ano talaga ang tunay mong ugali"
"Pero baka sinisiraan niya lang ako sayo kasi—"
"Sandy! Wag mo ng papangitin pa ang imahe mo sakin, totoong kaibigan sayo si Anika, at hindi ka niya kailanman siniraan sakin!"
"Gusto ka niya kaya niya yun ginagawa--"
"Hindi niya na ako gusto, hindi niya pinaparamdam sakin na gusto niya ako, kaya wag mong gawing excuse yan!-- I need to go, hinihintay na ako ng kapatid ko" Sabi ko at hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil mabilis na akong naglakad paalis.