—ANIKA— Naglalakad ako papunta ng room at nasira agad ang araw ko nang makita ko si Sandy na nakatayo at tila ba may hinihintay. Malamang baka si Alien na naman ang inaabangan niya. Bilog nga naman ang mundo, dati si Alien ang naghahabol, ngayon si Sandy naman. Masama ang tingin niya sa'kin habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Inirapan ko siya at nag dire-diretso papasok sa loob. 'Kala mo ikaw lang ah!' Mamaya na ang contest kaya kailangan kong ikondisyon ang sarili ko. Gusto kong i-relax ang utak ko. Nakita ko si Alien na pumasok habang salubong ang kilay, kaya sumilip ako at wala na dun si Sandy. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya dahil wala naman akong paki. Kahit magtampuhan at magsapakan pa sila diyan wala na akong paki haha! Putik ang sama ko talaga!. "Anika!" Tawag saki

