—PRINCE—
"Bye kuya!" paalam sa'kin ni Eury 'saka ito tumakbo paalis habang naglalakad naman ako papunta sa room namin ay nakita ko si Sandy. Ngunit nang makita niya ako ay hindi niya ako pinansin?. Himala? Anong meron? Nagsawa na siya sa'kin?.
Aaahhh! Sh*t!? hindi pala ako nakapunta sa birthday niya!'
Mabils akong naglakad dahil nakita ko si Anika na pumunta sa kanyang locker. Lumapit ako dito, magsasalita na sana ako ngunit napansin ko ang taas ng pulso niya na maraming sugat.
"Anong nangyari diyan!?" Nag aalalang tanong ko sabay kuha sa kamay niya, mabils niya rin itong kinuha "Nagl*slas ka!?"
"Paki mo!?"
"Nag iisip ka ba!?"
"Wala kang paki kung anong gusto kong gawin sa sarili ko—"
"Noon yun pero ngayon may pakialam na ako!" Natahimik siya.
"S-si Eury, kumusta siya? Malungkot pa rin ba?"
"May pakialam ka sa iba, pero sa sarili mo, wala?"
"Hindi ba dapat natutuwa ka? Nasalba na business niyo,"
"Tama nga yung hinala ko, p-pumayag ka na?" Malumanay kong tanong at tumango naman siya. Napasandal ako sa locker at tumingin sa kanya.
"Hindi ko yun ginawa para sa inyo, ginawa ko yun para sa sarili ko" seryosong sabi nito habang nakatingin sa sahig.
"'Wag mo ng uulitin yan, 'wag mo ng saktan ang sarili mo, wala ka naman mapapala riyan"
"Hindi porket pumayag ako sa engagement na yan, ay pagbabawalan mo na ako sa mga gusto ko—"
"Gusto kitang protektahan, gusto kitang alagaan, gusto kong 'wag mong pagsisihan ang desisyon mo" seryosong sagot ko at natahimik naman siya "Gusto kitang mahalin."
"Mahirap ako mahalin"
"May sinabi ba akong madali? Tara na, baka malate tayo" 'aya ko at nauna akong naglakad.
Yun lang naman ang nagpapahirap sa sitwasyon namin e, pero kung matutunan namin na mahalin ang isa't isa, magiging madali nalang para samin ang lahat. Pero aminado ako sa sarili ko na nalulungkot ako sa mga nangyayari. Nalulungkot ako para samin. Hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan kung ba't ako nakakaramdam nang ganito.
"Anika ready ka na sa report mamaya?" Rinig kong tanong ni Victoria kay Anika at tumango naman ito "'San ka pala pumunta kahapon girl?"
Close na ba sila?, Mabuti kung ganun'
"Ah, may emergency lang, tara sa canteen gutom na ako" sagot nito.
"Tara"
Mabuti naman at may bago na siyang kaibigan, pero nasasayangan ako sa pagkakaibigan nila ni Sandy, na ako ang dahilan kung ba't nasira hayst.
"Ate!" Biglang sulpot ni Eury, bigla niyang niyakap si Anika at bakas naman ang gulat sa mukha nito.
"Eury, kamusta?" Tanong ni Anika.
"Thank you ate"
"Tss, hehe wala yun!" Sagot naman ni Anika habang ginugulo ang buhok ni Eury 'saka ito tumingin sa'kin.
"Hi Eury" Bati ni Victoria sa kapatid ko.
"Hi po, Victoria right?"
"Oo! Naalala mo hehe"
"Magkakilala na kayo?" Tanong ni Anika kay Eury, lumapit ako sa kanila.
"Oo magkakilala na sila, nung araw ng contest mo, nung hinintay ka namin" sagot ko at tumango naman siya.
"Tara na, gutom na ako" Aya ni Victoria.
"Sabay na kami ni kuya sainyo, ok lang po ba?"
"Sure" sagot ni Victoria at nag umpisa na kaming maglakad.
Nahuli kaming maglakad ni Eury at siniko niya ako, "Oh?"
"Nasabi na sakin ni Mom, na pumayag si ate anika sa engagement niyo" mahinang sabi nito.
"oh, ano naman ngayon?"
"Edi, ang ibig sabihin nun.. girlfriend mo na siya?" Nakangiting sagot ni Eury.
"Hindi ah"
"Ah.. Hindi pa"
Sana nga ganun na lang kadali yun, gusto ko siya, gusto niya rin ako! Sana lang talaga ganun na lang. Hayst!'
Pagkarating ng canteen ay napansin ko si Sandy na nakatingin sa'kin 'saka siya lumabas.
"I need to go" paalam ko kay Eury.
"Huh? Pero-."
Pagkalabas ng canteen ay naabutan ko si Sandy at hinawakan ko siya sa kamay. "W-why?" Tanong nito.
"I'm sorry, Hindi ako nakapunta.., napagod kasi ako sa kaka-practice eh kaya nawala sa—"
"It's ok, Hindi mo kailangang mag explain" nakangiting sagot nito ngunit hindi ako kumbinsido sa ngiti niya.
"No, I'm really really sorry.., babawi na lang ako"
"Talaga?" Lumawak ang ngiti niya.
"Ano bang gusto mong gift?"
"Ayoko ng gift, I want you"
"Huh?"
"Kung may free time ka, labas tayo"
"Ah.. S-sige., sa saturday nang hapon'
"Talaga!?" Sabay yakap sa'kin "Thank you, Sobrang saya ko Prince"
"Hmm.. hehe, sige kita nalang tayo sa sabado ah"
"Ok,.. bye" saka ito umalis.
Ok na rin yun siguro para magkaroon kami ng closure, para wala ng ilangan.
"Kuya!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot si Eury, nakapamewang ito habang kunot ang noo.
"Oh!?" Maangas kong tanong.
——
Matapos ang klase ay dumiretso ako ng studio namin para mag practice ng sayaw. Siyempre pagod na naman akong umuwi. Sumalampak agad ako sa kama matapos mag shower.
Wala na ba talagang ibang paraan?, Bakit kailangan pa nila kami ni Anika?'
Napabangon ako nang may kumatok sa pinto ko.
—ANIKA—
Kunot ang noo ko habang nag i-impake.
"Pasensya ka na Anika, ayoko lang naman kasing mawala tung apartment ko e.., baka para sa ikakabuti mo rin yan—"
"Ikakabuti?, Sinasakal nila ako! Lahat na lang meron sakyin kinukuha nila! Pati kalayaan ko!" Galit kong sigaw.
Pano ba naman kasi ang mga magagaling kong magulang, tinakot si Aling Sonya na kung hindi ako papaalisin sa apartment ay bibilhin daw nila ang lupang tinitirikan ng apartment na to. Kaya no choice ako! Kahit sino idadamay nila makuha lang ang gusto nila.
"Anak, magulang mo parin sila,.. 'wag ganyan"
"Magulang ko nga sila pero kahit kailan hindi sila naging mabuting magulang sa'kin, badtrip!"
"Magkakasundo rin kayo"
"Sa tingin ko hindi na" nang malagay ko na lahat sa maleta ang gamit ko ay humarap ako sa kanya "Sorry po sa ginawa ng parents ko,.. thank you narin po dahil tinanggap niyo ako rito" usal saka niya ako niyakap.
Pagkalabas ng apartment ay may kotseng nasa harap, spaceship pala, alam kung kay Alien to!. Lumabas siya sa kotse at lumapit sa'kin.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot, akma niyang kukunin ang maleta ko ngunit nilayo ko ito, napabuntong hininga siya.
"Napag utusan lang ako"
"Nino?"
"Sino pa nga ba? Edi parents mo"
Bumagsak ang balikat ko at napabuntong hininga. Nangangati dila ko gusto ko mag mura.
"Halika na" Aya niya at wala narin akong nagawa kundi sumunod nalang.
——
"Teka.. alam ko 'tung daan na 'to ah" usal ko ng mapagtanto ko kung saan kami papunta.
"Napag utusan lang ako, Hindi sana ako papayag e, dahil pagod ako!"
"Edi sana hindi ka pumayag para hindi ka nagrereklamo"
"Manahimik ka na nga lang" iritang sabi nito.
"Blah wahhhhh yaahhhhh! Blaaahhhh!!!" Pag ingay ko 'saka ko siya sinamaan ng tingin.
Nang makarating kami ay sabay kaming lumabas ng kotse, Hindi ko na hihintaying pagbuksan pa niya ako, di niya bagay!.
"Ba't tayo nandito!?" iritang tanong ko habang nakatingin sa bahay namin.
"Ewan ko, baka dito ka na ulit titira"
"Tss.. pag nakahanap ako ng bagong apartment, aalis din ako dito!" Inis kong sabi 'saka kami pumasok sa loob.
Bumungad sa akin si Mom "Welcome back!" Masayang bati nito 'saka niya ako niyakap.
Nakita ko naman si Dad na nakangiti sa'kin.
Ano na naman kayang gagawin nitong kalokohan?'
Nang kumalas si Mom sa pagyakap sa'kin ay naglakad na ako papuntang hagdanan, Wala ako sa mood makipag kumustahan.
"'San ka pupunta?" Tanong ni Dad kaya nahinto ako.
"Sa kwarto ko, bakit? Ginawa niyong bodega?" Sarkastikong tanong ko.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong ni Mom.
"Malamang, i-aayos ko 'tung mga gamit ko"
"Excuse me ma'am, Sir aalis na po ako" paalam ni Alien.
"No"
Huminto sa paglalakad si Alien ng pigilan siya ni Mom.
"Sino may sabing dito ka titira?" Tanong ni Dad at natulala lang ako sa kanya "Binilhan ka namin ng condo, malapit sa condo ni Prince."
Nabagsak ko ang balikat ko at padabog kong hinila ang maleta ko 'saka ko pumunta sa harap ni dad.
"Para saan 'tung kalokohan na 'to?" Sarkastikong tanong ko.
"Para maging magkabutihan kayo, at hindi na kayo mahirapan pag engaged na kayo"
K*NG INA!?'
"Sa tingin niyo pag naging magkapit bahay kami mangyayari yang gusto niyo?" Sarkastiko akong natawa.
"Anika-."
"Sige, pero bago ako umalis, may kukunin muna ako sa taas" walang gana kong sabi 'saka ako umakyat papunta sa dating kwarto ng Kuya ko.
Habang naglilibot ay para gusto kong bumalik sa nakaraan. Miss na miss ko na siya. Pero napapaisip din ako kung natutuwa ba siya kung ano ako ngayon?. Humiga ako sa kama niya at nakatitig lang sa kisame.
Matapos nun ay bumaba na ako at nakita ko naman si Prince na naka upo sa sofa, na mukhang malalim ang inisip. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumayo.
Pagkasakay namin ng kotse ay walang umiimik samin, nanatiling tahimik hanggang sa makarating kami sa condo.
"Kailangan mo ng tulong?" Alok niya habang nag aayos ako ng gamit.
"'Di na" sagot ko sabay tingin sa kanya "bakit?" tanong ko nang makita ko siyang panay ang paggala ng mga mata niya sa buong paligid.
"Ah w-wala.. kung may kailangan ka, katok ka lang ah" sagot nito saka siya tumalikod habang iginagala parin ang paningin.
"Bakit nga!?" Irita kong tanong.
"Huh? Wala nga!"
"Yung totoo kasi!"
"Wala!, Matutulog na ako!" Sagot niya 'saka siya lumabas at isinara ang pinto.
Ako naman ay nagtaka sa mga kinilos niya ngunit binalewala ko nalang at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Matapos kong maayos lahat ay humiga na ako sa kama at natulog.
*BLAG!*
Naimulat kong ang mga mata ko nang may marinig akong kumalabog sa sala. Agad akong tumayo at ng mahawakan ko ang doorknob ay may biglang pumasok sa isip ko, kaya napahinto ako.
May magnanakaw? Wala naman akong alagang hayop'
Kinuha ko ang walis tambo at lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong naglakad, at nilagay ko ang tambo sa balikat ko. Ginala ko ang buong paligid, pumunta ako sa kusina, banyo at sala pero wala namang tao, wala ring hayop. Hindi ko rin mahanap kung ano yung tumunog. Umupo ako sa sofa at napatingin sa oras. Napakamot ako ng ulo ng makitang alas dos palang ng madaling araw.
Miss ko na yung apartment ko, mas komportable na ako dun eh!. Tulog na kaya si alien?. Tsk! Malamang!.
Tumayo ako at aakmang papasok ng kwarto ngunit biglang pumasok sa isip ko ang ikinilos ni Alien kanina. Kaya iginala ko din ang paningin ko sa paligid.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may kumatok mula sa kwarto ko. Para akong naestatwa habang nakatingin dun. Naglabas ang mga butil ng pawis ko sa mukha.
May mumu?'
"Aahh!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta sa pinto saka ako lumabas.
Dali dali kong kinatok si alien "Alien" tawag, mahina lang ang boses ko nakakahiya sa kapit bahay. "Alien-." nahinto ako sa pag katok ng buksan niya ito habang kinukusot ang mata.
"Ano b-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pumasok agad ako sa loob.
"Alien! M-may.. " nauutal kong sabi sabay turo sa kung nasaan ang direksyon ng condo ko.
"Ano? gurang naman e! may pasok pa tayo bukas" iritang sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
"M-may mumu sa condo ko!" Natatakot kong sabi.
"Oh tapos?" Iritang tanong niya.
"Huh? G*go ka ba!? Malamang natatakot ako! May kumalabog bigla tapos may kumakatok pa!"
"Ayaw mo nun? Wi-nelcome ka?"
"G*go ka ba!?"
"Alam mo itulog mo nalang yan ah" sagot niya sabay bukas ng pinto "sige na bumalik ka na sa condo mo, matulog ka na"
"Pero--."
"Kung di ka makatulog, magpatulog ka, ok? sige na"
Tinitigan ko lang siya habang takot na takot. Parang ayokong humakbang, andami kong nai-imagine na mukha ng mga multo sa isip ko.
"Ano na?" Iritang tanong nito.
"Eh kasi eh.."
"Namamahay ka lang"
Siguro nga., pero hindi eh!'
"Ayoko dun" sagot ko, bumagsak ang balikat nito at bumuntong hininga.
"Kung ayaw mo dun, eh saan ka matutulog? Dito? tabi tayo gusto mo?.. o sige tara-."
"Teka teka! Ayoko!" Pagpipigil ko sa kanya ng akma niyang isasara ang pinto "ihatid mo nalang ako hanggang dun oh" turo ko sa tapat ng condo ko at pumayag naman siya.
Naglakad kami papunta sa condo ko at siyempre siya ang nauna, dalawang condo ang pagitan ng condo namin.
"Nandito na tayo matulog ka na-"
"Teka lang" hinila ko ang kamay niya "Ikaw mag bukas" utos ko at sumunod naman siya.
"O yan na madam" inis niyang sabi ngunit ayoko paring bitawan ang kamay niya. "Tsk!"
Pumasok siya sa loob habang nasa likod niya ako.
—PRINCE—
Anak naman ng pating ang babaeng to! Natutulog nang maayos ang gwapong tao, Bigla na lang nambubulabog.
Pumasok ako sa condo niya dahil may multo daw, Alam ko haha. Mukha siyang t*nga sa likod ko.
"Nasan? Nasan ang multo?" iritang tanong ko.
"Nandiyan sa kwarto, kumakatok" sagot niya habang nakaturo sa kwarto niya, agad naman akong lumapit at binuksan ito.
"Nasan?"
"Siyempre kaluluwa siya, Hindi mo talaga makikita!"
Aba nagtapang pa!'
"Nakikita mo ba?" Tanong ko.
"Hindi rin!"
"Hindi naman pala eh! Ano pang kinakatakot mo?, Matulog ka na nga!" Inis kong sagot saka ko siya tinalikuran, at lumabas ng condo sabay sara sa pinto niya.
Natawa na lang ako pag pasok ko ng condo. May multo daw talaga dun, sabi nung nakatira doon dati kaya siya umalis dahil sa may mga nagpaparamdam daw. Kaya hindi ko sinabi agad kay Anika dahil alam kong magmamatigas na naman yun sa parents niya, kaso masyadong makukulit ang mga multo, nagparamdam agad.
Ano na kayang ginagawa nun? Haha!'
Nakatingin lang ako sa kisame at hinihintay dalawin ulit ng antok.
Nakatulog kaya siya?, Baka mahimatay yun sa takot'
Bumangon ako at lumabas ng kwarto, huminto ako ng mapaisip ulit.
Hindi naman siguro? Pero nakakahimatay ba ang takot?'
"Hayst! Gurang" Inis kong sabi saka ako lumabas ng condo at pinuntahan siya.
Kumatok ako, nakatatlong katok na ako ngunit hindi pa rin nagbubukas.
Baka tulog na siya'
Aalis na sana ako ngunit bigla itong nagbukas at tumambad si Anika na pawisan at nanlalaki ang mga mata.
"Ok ka lang!?" nagtatakang tanong ko.
"Ba't ka nandito?" Tanong niya habang ganun pa rin ang ekpresyon ng mukha.
"Ah.. b-baka kasi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin sa bewang, ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya. "Halika na nga" aya ko at pumunta kami sa condo ko.
Pagdating ng condo..
"Diyan ka nalang sa kwarto ko, dito na ako sa sofa" usal ko at humiga ako sa sofa, nilagay ko ang kamay ko sa bandang ulo ko at ginawa ko itong unan. Nakatayo parin siya sa harap ko kaya tinaasan ko siya ng kilay "Ano?" Tanong ko.
"Diyan ka matutulog?"
"Karirinig mo lang diba?, Bakit? Gusto mo tabi tayo?" Nakangising tanong ko.
"Ayoko!" Sagot niya habang nakakunot noo saka siya pumasok sa kwarto, hinatid ko naman siya ng tingin.
Goodmornight gurang!'
Matapos nun ay nakatulog naman na ako nang maayos. Medyo bangag nga lang ako pag gising. Kinatok ko si Gurang sa kwarto ngunit hindi ito sumasagot, Kaya pumunta nalang ako sa banyo para maligo at maghanda papasok sa school nang masuot ko na ang uniform ay pumunta ako sa kwarto at laking gulat ko ng nandoon parin si Gurang, natutulog parin!? akala ko umalis na. Sinilip ko ang mukha niya at mukha ng mahimbing ang tulog niya. Tumingin ako sa relo at 7:30 na kaya tinapik ko ang braso niya.
"Hmm.."
"Hindi ka ba papasok? 7:30 na" sabi ko at pumunta sa harap ng salamin.
"Samahan mo'ko"
Ay nakaka-asar!.
Matapos kong kunin ang mga gamit ko ay pumunta kami sa condo niya. Umupo ako sa sofa at hinintay siya. Matapos ang mga bente minutos, natapos na siya. Kaya naghanda na kami paalis. Hindi na rin siya tumangging magsabay kami.
Habang nasa kotse kami...
"Sorry kaninang madaling araw ah"
"Ok lang" sagot ko habang nakatingin sa daan dahil nag d-drive ako.
Late na kaming nakarating sa school kaya naparusahan ulit kami.
Sa tingin ko magandang ideya ang naisip ng parents ni Anika na maging makapitbahay kami. Para maging close pa kami at maging magkaibigan, kahit nakakainis siya minsan. Ay madalas pala.
——