—ANIKA— Sabay kaming pumasok ni Alien sa campus at sa kinamalas-malasan nga naman ay malayo palang, nakita ko na ang tao'ng pinaglihi sa plastik. Bahagya akong natawa dahil halatang nag hihintay siya sa tapat ng room namin. Sino pa bang pwede niyang hintayin kundi itong Alien na kasama ko. "Ayos ah" natatawang usal ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Alien. "Ba't siya nandiyan?" "Malamang hinihintay ka" walang ganang sagot ko. Nang makarating kami sa tapat ng room ay naitama samin ni Sandy ang paningin niya. Halatang nadismaya pa ito at pilit nalang na ngumiti kay Alien. "Goodmorning, Prince" nakangiting bati nito "Sa saturday ah." Halatang nagparinig siya dahil nilakasan niya ang boses niya sa huling sinabi niya. Pumasok nalang ako sa loob dahil wala akong paki. Pag-upo ko ay nak

