“Are we really…” Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago sumilip sa labas ng bintana. “… going there?” Nakatigil na kami sa harap ng mansion ng mga Fontanilla rito sa Batangas pero hindi pa rin kami bumaba dahil hindi ako mapilit ni Dylan sa pagbaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakaparada pero wala pa ring nagtatangkang bumaba sa amin. “How many times do I have to answer you?” tanong ni Dylan pabalik kaya’t muli akong bumuntong hininga at hinilot ang aking sintido. “Come on, Kaia. I’m not joking.” “Sinabi ko ba sa ‘yong nagjojoke ka?” “Let’s go. Baka kanina pa tayo hinihintay nina Mama at Papa—“ “How do I look?” Pinigilan ko ang sasabihin niya at agad na lumingon sa gawi niya. “Ayos lang ba ang itsura ko? Hindi ba ako mukhang stressed o ‘yong damit ko

