“Saan ba tayo pupunta? Sabi mo, maglulunch lang tayo, ‘di ba?” Taka akong tumingin sa gawi ni Dylan. Abala siya sa pagmamaneho ngunit hindi maalis ang mapaglarong ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi. Kanina pa ako nagpipigil na magtanong sa kaniya dahil ang sabi niya lang naman sa akin ay maglulunch lang kami sa labas. Normal na naman iyon sa akin dahil tuwing day off niya ay inaaya niya ako kaya’t agad akong pumayag. Pero ngayon kasi… “Just wait and see, Kaia,” tanging sagot niya sa akin. Agad kong iniikot ang aking mga mata dahil sa sagot niya. I crossed my arms over my chest and looked at him with a hint of annoyance. “Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na ayaw ko nang walang plano? Sabihin mo na sa akin lahat para mapaghandaan ko kung saan man tayo pupunta,” inis na sambit ko. D

