“I was so embarrassed and pitiful, Aziel. Damn, ngayon lang ulit ako nakaramdam nang ganoong klase ng hiya buong buhay ko,” reklamo ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Aziel, on the other line, heaved a deep sigh. “Wala ka naman talagang hiya,” mahinang sambit niya. Tumigil ako sa paglalakad upang ikalma ang aking sarili.
“Fine, fine. Matagal ko nang inalis sa utak ko ‘yang hiya na ‘yan but. . . last night was different. Pakiramdam ko, gusto ko na lamang na kainin ako ng lupa. Do I look like a f*****g minor to you, huh?” Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at hindi mapigilang mapalingon sa bahay. Mukha namang hindi pa gising si Tita Aurora kaya’t mas bilisan ko pa ang pag-alis bago pa siya magising at pigilan na naman ako.
Dali-dali kong instart ang kotse. Binuksan ko ang bintana at sinenyasan ang guard sa labas na buksan ang gate. Nag-aalangan man ay sinunod pa rin nila ang utos ko. As if they have a choice, though. Inilagay ko ang cellphone ko sa stand at iniloud speaker iyon.
“Mukha ka kasing bata—“
“Wow, Aziel, wow. Thank you for your f*****g compliment,” naiinis na pagputol ko sa sasabihin niya. Nang tuluyan nang mabuksan ang gate ay hindi na ako nag-atubili pang lumabas. “I am already twenty six years old. Paano ako magmumukhang minor?”
“The guard is just doing its job. Ano namang magagawa mo kung ganoon ang tingin niya sa ‘yo, hindi ba? At isa pa, dapat nagdala ka ng ID. Kung may dala ka—“
“Naiwan ko sa bahay, okay? Hindi ko naman sinasadya na maiwan. Nagmamadali akong umalis kaya hindi ko na nacheck pa ang wallet ko. At saka isa pa, hindi ko naman inakala na pagkakamalan akong bata. I am so embarrassed! Pinagtitinginan ako ng mga tao roon kagabi,” naiinis kong pinutol ang sasabihin niya. I sighed and drove my car as fast as I can. “Then a random guy approached the guard and told him that he know who I am. Tapos sinabi niya pa na totoo ngang minor ako kaya hindi na ako pinapasok ng guard!”
I heard Aziel laughing on the other line. Napairap ako bago muling nagsalita. “If my embarrassment is a form of fun to you, then f**k you,” inis na sabi ko.
He laughed once again, making me roll my eyes for the umpteenth time. “Baka malas ka lang talaga kahapon.”
Hindi ako sumagot dahil alam ko naman na tama ang sinabi niya. Malas nga ako kahapon. Ugh! Is it because I helped those people to do something bad? Pero bakit ako ang minalas? It’s not as if ako ang nag-trespass sa bahay ng iba, ano. Tinulungan ko lang sila.
“Noong umuwi ako sa bahay, gising pa si Tita Aurora at sinermonan na naman ako. Sabi niya, babalik at babalik din naman pala ako sa huli, sana hindi na ako nagmatigas pa. She told me that I won’t survive without her or Dad. . . the f**k? Ang taas ng tingin nila sa sarili nila,” I added. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa manibela habang binabalikan sa aking isipan kung anong nangyari kagabi.
Kung sana kasi ay sinabi na lamang ni Dylan Fontanilla na hindi ako minor, e ‘di sana hindi ko na kailangan pang bumalik sa bahay. Ugh!
“What if they’re right—“
“Subukan mong ituloy ang sasabihin mo at hindi na tayo magkaibigan, Aziel Monterde,” I immeidtaley cut his words off. Mas lalong dumilim ang mga mata ko habang sinasabi ang bahay na iyon.
He heaved a deep sigh. “All right, I’m sorry, okay? Sabi ko nga, kaya mong mabuhay nang mag-isa nawalang tulong nila. So what now? Saan ka pupunta ngayon?” he calmly asked.
Hindi ko maiwasang bumuntong hininga dahil sa tanong niya. “Saan pa ba? E ‘di sa bar na sinasbai mo. Babalik ako roon at ipapakita ko sa guard na ‘yon na hindi naman ako minor. I can stay there as long as I want, right?”
“Matagal pa bago umuwi si Atlas kaya roon ka muna. Just don’t create any trouble, Kaia. Hindi ko pa rin naaayos ang gulong ginawa ko kaya hindi kita matutulungan kung sakali mang kailanganin mo ng tulong ko. For now, just stay away from any trouble, all right?”
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Does that mean that I should stay away from Dylan Fontanilla? He’s a walking trouble so. . .
“Fine,” pagsuko ko at malakas na bumuntong hininga. “Kailan ba kasi matatapos ‘yang gulong ‘yan? Hindi mo naman kasalanan, right? Hindi mo alam na girlfriend na pala ng iba ‘yong babaeng iyon. Kasalanan no’ng babae,” naiiling na tugon ko sa kaniya.
“I don’t f*****g know what to do, Kaia,” may halong inis na sambit niya. “Ayaw makinig sa akin ni Dad maging ng tatay niya. Bigla na lamang akong napasok sa letseng gulong ‘to—“
“Then do your f*****g best to stay out of that trouble,” I cut him off. “Nakakahiya naman kung ‘yong kaibigan ko, mal-label-an ng kabit, hindi ba?”
Aziel scoffed from the other line as if he’s frustrated. Napailing naman ako at walang nagawa kung hindi ang magkibit balikat dahil sa problema niya. Hindi ko siya mabigyan ng kahit na anong advice dahil hindi ko rin naman alam kung anong klaseng advice ang puwede kong ibigay sa kaniya. I mean, never pa naman akong naging kabit so. . . ano namang alam ko tungkol sa bagay na iyon, hindi ba?
“Basta pupuntahan na lamang kita kapag ayos na ang lahat. Tulad ng sabi ko, for now, don’t engage in any trouble, okay? Binabalaan kita, Kaia. Hindi kita matutulungan—“
“Oo na nga,” agad na paputol ko sa sasabihin niya. Ilang ulit na niyang sinabi iyon. Anong tingin niya sa akin, slow? “All right, I have to hang up na. Malapit na ako sa bar. Hindi ba weird na umagang-umaga, pupunta ako sa bar?”
Aziel can’t help but to chuckle because of my question. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay napatawa ko siya. Base sa boses niya, mukhang matindi nga nag problema niya so I think I did a good job. At least napatawa ko siya.
“Sinabi ko na kay Atlas na sabihan ang mga staff niya na darating ka. Hindi na sila magugulat pa kung darating ka riyan nang maaga,” kalmado ngunit natatawang tugon niya.
I groaned. “Pwedeng pasabi rin diyan sa pinsan mo, taasan ‘yong sahod ng guard nila? The guard did a good job kahit na napagkamalan niya akong minor. Halata naman na inaayos niya ang trabaho niya so he deserves a raise, right?”
“Akala ko kanina, naiinis ka pa. Tapos ngayon, gusto mo pang taasan ang sahod. Youo’re really weird but all right, you have a point. Makakarating kay Atlas.”
Kahit na hindi niya ako nakikita at tumango pa rin ako. Nang makarating ako sa bar ay nagpark lamang ako sa parking lot. Aziel already ended the call a while ago so I just grabbed my phone and car key before I went out. Kinuha ko na rin ang maleta sa likod ng sasakyan ko matapos kong lumabas. I saw some people eyeing me but I did not mind them.
Taas noo akong naglakad papasok sa bar ngunit hinarang na naman ako ng guard. Hindi na iyon ang guard kagabi na humarang sa akin kaya’t sa tingin ko ay tapos na ang shift niya. I smiled at the guard. “Do I really look like a minor?” Natatawa pa ring tanong ko rito.
He cleared his throat before nodding his head. I was trying to heave a deep sigh but it came out as a soft chuckle. Bahagya akong napailing bago kinuha ang aking ID sa loob ng aking purse. I immediately gave it to the guard. Tiningnan niya ang ID ko bago ako muling tiningnan na animo’y hindi makapaniwala.
“T-Twenty six na kayo, Ma’am?” He asked with a hint of amusement on his voice.
I chuckled and nod my head. “Mukha ba akong seventeen?” Natatawang tanong ko pa. Kung kagabi ay nahihiya pa ako, ngayon ay mas kumportable na ako dahil wala ng iba pang tao na maaaring makarinig sa sinabi ng guard.
Wala siyang nagawa kung hindi ang mapakamot sa kaniyang ulo na animo’y nahiiya. Sakto namang dumako ang tingin niya sa hila kong maleta. “Ma’am, ano ho kasi, hindi ho ‘to hotel,” tila nahihiya pa ring sabi niya.
“Sabi sa akin ni Aziel, nabigyan na raw kayo ni Atlas ng heads up,” I informed him. Mabuti na lamang at sa wakas, naalala ko na kung anong pangalan ng may-ari ng bar na ito. Kung alam ko lang sana ang pangalan niya kagabi, mas magmumukha akong credible. “Ako ‘yong tutuloy muna sa kuwarto niya rito.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at muling chineck ang hawak niyang ID. “You can call him once again so you can verify—“
“Ay, hindi po, Ma’am. Akala kasi namin matanda na ‘yong Kaia Clemente kaya ano. . .”
Hindi ko maiwasang magulat dahil sa sinabi niya. Sinasabi niya bang pang-matanda ang pangalan ko?! Magsasalita pa sana ako ngunit ibinalik na niya sa akin ang ID ko at ngumiti. “Tara na po sa loob, Ma’am. Nakahanda na po ang kuwarto,” magiliw na aya niya.
I pursed my lips together and was about to pull my luggage but he snatched it away from me. Nagkibit balikat na lamang ako at hinayaan na siya. My brows immediately arched upon seeing the inside of the bar.
Halos mga trabahador na lamang ang naroon at naglilinis ng mga kalat mula kagabi. They were all so busy with their work and did not notice me. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa amoy sa loob. Nangingibabaw ang amoy ng alak kaya’t hindi mapigilang sumakit ng ulo ko.
“Ma’am, nasa third floor po ang kuwarto. Iaakyat na po ba ang bag niyo?” The guard asked me. Tinawag niya ang isa sa empleyado at sinenyasan na kuhanin ang hila niyang maleta, marahil ay dahil kailangan niya pang magbantay sa labas.
“Oh, sure,” sagot ko at akmang susunod na papunta sa taas nang mapukaw ang aking atensiyon sa isang lalaki na pilit na ginigising ng dalawang waitress at isang waiter. Kapwa animo’y naiinis na ang mga ito dahil mukhang ayaw gumising nong lalaki.
I licked my lower lip while looking towards their direction. Hindi ko mapigilang matawa nang makita kung sino iyon. Tingnan mo nga naman, oh. What a coincidence.
“U-Uh, susunod na lamang ako sa taas. Sa third floor nga, ano?” I asked as I looked towards the staff. Tumango siya kaya’t napatango rin ako.
“Sa may pinakadulong kuwarto po, Ma’am,” he answered specifically. Muli akong tumango at tipid siyang nginitian bago ako tumalikod. Naramdaman ko naman na naglakad na siya palayo habang hila ang aking maleta.
Mabibigat ang aking bawat hakbang habang naglalakad sa kinaroroonan ng lalaki. Tulad kanina, patuloyy pa rin sa paggising sa kaniya ang tatlong empleyado ng bar ngunit hindi pa rin ito nagigising.
“Sir? Sir, umaga na po, Sir,” dinig kong paggising dito ng waitress.
Sinubukang tapikin ng waiter ang balikat nito ngunit nanatili pa rin itong tulog at animo’y wala ng balak pang gumising. Hindi ko naman mapigilang mapailing.
“Hey, excuse me.”
Dahil sa sinabi ko ay nabaling sa akin ang atensiyon nila. The three of them looked towards me as if they’re waiting for what I am going to say. I cleared my throat before giving them a small smile. “Napadaan lang ako. I am actually the woman that was about to stay on your boss’ room. And coincidentally, I know that guy,” pagpapaliwanag ko at tumingin sa natutulog na lalaki.
“B-Boyfriend mo po, Ma’am?” The waitress asked.
Sa halip na sagutin ay ngumiti lamang ako sa kanila at naglakad na patungo sa lalaki. “Ako na ang bahala sa kaniya. Puwede na kayong bumalik sa trabaho,” I ordered them, not answering the waitress’ question.
Saglit silang nagkatinginan ngunit sa huli ay sumunod pa rin. Nang makaalis sila ay saka ako mas lalo pang lumapit sa lalaki.
“Aziel told me to stay away from trouble,” I uttered as I let out a harsh breath. Matiim kong tiningnan ang lalaki at hindi ko na naman maitago ang inis ko dahil sa ginawa niya kagabi. “Malas ka talaga.”
I stepped closer towards his direction. Nakita ko ang coat niya sa ilalim ng mesa kaya’t akmang kukunin ko na iyon dahil baka naroon ang telepono niya. However, to my surprise, he held my waist and pulled me closer to him. Dahil sa ginawa niya ay wala sa sarili akong napaupo sa hita niya.
My eyes widened when he suddenly rested his head on my shoulder. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil sa amoy niya. He reeks alcohol so much.
I tried to compose myself and reached out for his coat under the table. Nang makuah ko iyon ay tama nga ang hinala ko na naroon ang telepono niya. Akmang tatayo na ako upang umalis sa pagkakaupo sa hita niya ngunit mas hinigpitan niya pa ang hawak sa aking beywang. Malakas akong bumuntong hininga at napailing.
“B-Bri. . .” he uttered as he tightened his grip on my waist. Dahil sa sinabi niya ay dali-dali akong tumayo at hindi na inalintana kung sakali mang matumba siya—and I’m right. Muntik nang masubsob ang mukha niya sa lamesa.
I tsk-ed while looking at him. Ganiyan ba talaga kapag broken hearted? I can’t help but to shake my head before I looked away. Nang mawala na sa kaniya ang paningin ko ay saka ko naman itinuon ang aking atensiyon sa telepono niya.
Hindi na ako nahirapan pang hanapin ang pangalan ng pinsan niya sa contact list niya. Tatawagan ko pa sana pero naisip ko na baka makilala nila ako kaya’t sa halip na tawagan ay pinindot ko na lamang ang message button. Sigurado akong nag-aalala na sila ngayon kung bakit hindi umuwi ang pinsan nila kaya’t alam kong mababasa agad nila kung anong ime-message ko.
To: Iverson Pangit
Your cousin is here with me. He fell asleep last night and still sleeping until now. If you want to see him, go to the bar near his cheater girlfriend’s house and he’s here. He reeks alcohol and I can’t stand him. Yuck. Hurry or else, he’s going to sleep outside. BTW, he stinks so be prepared
Matapos i-send iyon ay saka ako muling tumingin kay Dylan Fontanilla na hanggang ngayon ay tulog pa rin. I scoffed and looked at him helplessly. “Bumangon ka na riyan dahil marami ka pang kailangang gawin, Lieutenant. She’s not worth your tears,” mahinang sambit ko bago tumalikod at naglakad palayo.
----