These past few days were rather fun in my opinion. I like how I get to party all night and sleep at day. However, those kind of days already came to its end.
Wala sa sarili akong napatayo dahil sa inis. “Anong hindi ko puwedeng gamitin ang pera ko?!” Malakas na sigaw ko sa kausap ko sa kabilang linya.
I massaged my temples out of panicked. Ilang beses akong nagpabalik-balik mula sa aking kinatatayuan habang pinapakinggan ang abogado ni Daddy na nagsasalita sa kabilang linya. Kaninang umaga ko lamang nalaman na hindi ko magamit ang pera na laman ng bank account ko. SInubukan kong magwithdraw kanina dahil bibili sana ako ng bag pero hindi ko na magamit ang pera KO. The f**k?
“Miss Clemente, sabi sa akin ng Daddy mo ay pera niya iyon. If that’s his money, then we’ll use that to bail him out—“
“That money is mine! Anong pinagsasasabi niya na kaniya?” Hindi makapaniwalang tanong ko. I drew in a long breath while shaking my head. “Nakalimutan na niya yata na siya ang walang pera sa aming dalawa? I worked my ass of just to have those money! Ipon ko ‘yan!”
Dahil sa inis ay hindi ko na napigilang hilahin ang buhok ko. Ano na ang gagamitin kong pera ngayon? I can’t f*****g talk to Aziel! Nang tawagan ko siya ay ang tatay niya ang sumagot kaya’t nasisiguro ko na hindi ko siya makakausap. I can’t live like a bummer!
“Miss Clemente, sinusunod ko lamang ang utos ng Daddy mo—“
“Pera ko ang kinuha niyo, hindi mo ba ‘yon naiintindihan, ha? You’re a f*****g lawyer but you’re acting like an idiot! Paano niyo nalaman ang number ng account—“ Bahagya akong natigilan nang maalala kung paano. “f**k! Pinakielaman ba ni Tita Aurora ang gamit ko sa bahay? It’s a crime!”
I bit my lower lip and tapped my heel on the ground. I left my journal on my drawer! Sa rami ng puwede kong makalimutan, bakit iyon pa? My passwords were f*****g written there for pete sake!
“Miss Clemente, kung pera mo man ito, hindi rin naman kami masisiguro na pera mo nga. If it’s given by your father, then that probably came from the money that he embezzled—“
“So inaamin mo na na may kasalanan nga ‘yang ipinagtatanggol mo?” I bitterly cut his words off. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago umayos ng pagkakatayo. “Sabihin mo sa tatay ko, kapag hindi niya ibinalik ang pera ko sa loob ng isang araw, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.”
“Miss Clemente—“
“Hindi ako papayag na makuha na lamang niya nang ganoon-ganoon lang ang perang pinaghirapan ko, naiintindihan mo ba? Gaganti at gaganti ako sa kaniya—sa inyo. Kaya pag-isipan niyong mabuti dahil hindi ako madaling kalaban, Attorney. I am not afraid of anything,” pagputol ko sa sasabihin niya. Magsasalita pa sana siya ngunit pinatay ko na ang tawag.
Padabog akong umupo sa sofa matapos kong patayin ang tawag. I felt like crying not because I am hopeless but because of frustration. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at iniwan ko ang journal na iyon? Dapat inuna ko ‘yong dalhin!
I don’t have a freaking money now! I worked in the Senate after I graduated but I resigned from work because of my father. Hindi ako maaring magtrabaho bilang Political Advisor kung ang tatay ko mismo, walang alam kung hindi karumihan sa politika. He was the reason why I don’t have a f*****g work and now, he’s also the reason why I don’t have a money anymore!
“That’s my freaking savings,” mahinang usal ko bago muling tumingin sa laman ng account ko na hanggang ngayon ay zero pa rin. f**k!
Mas lalo pang nag-init ang ulo ko nang makitang hindi tumawag pabalik ang lawyer ni Daddy. Talaga bang wala silang balak na isauli ang pera ko?! My palm balled into fist out of frustration. Talagang sinusubukan nila ako, ha?
Out of frustration, I dialed Tita Aurora’s number. I blocked her number last week because she keeps on calling me. Nagsawa na siguro siya sa pagpapansin kaya’t nagnakaw naman.
“Hello—“
“Magnanakaw,” I coldly cut her words off. “Sinong nagbigay sa ‘yo ng karapatan na kuhanin ang pera ko?”
Hindi siya agad nakasagot ngunit kalaunan ay malakas ding tumawa. Mas lalo namang uminit ang ulo ko dahil doon. “Don’t f*****g laugh at me. Ibalik niyo ang pera ko,” naiinis na suway ko sa kaniya.
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo, Kaia, hindi mo kayang mabuhay nang mag-isa. You need us, hija,” may bahid na pang-aasar na tugon niya.
I scoffed. “Ah, kaya pala ninakaw niyo ang pera ko? No, Tita. Mali ka. Kayo. . . kayo ang may kailangan sa akin. Kung hindi niyo ako kailangan, hindi niyo na kailangan pang nakawin ang pera ko. I never stole money from any of you because I can stand on my own.”
“Babalik ka rin dito, Kaia. Balang-araw, marerealize mo rin na hindi mo kayang wala kami—“
“Kaya ko ang sarili ko,” mariing pagtutol ko sa sinabi niya. Mas lalong humigpit ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa labis na galit. “Gaano ba kayong ka-obssessed sa akin at hindi niyo ako mapakawalan? Hayaan niyo na ako, pakiusap lang. I want to live on my own—“
“But you can’t live on your own without money, though,” she cut my words off as she laughed like a freaking psychopath.
“Nananahimik ako at hindi na kayo ginugulo pa. Umalis na ako sa sarili kong bahay para pabayaan kayo sa kung ano mang gusto niyong gawin ni Daddy. You want to support my father even if he’s guilty, fine! Gusto mong sa ‘yo na ang bahay, ayan na, sa ‘yo na! Can’t I just live peacefully? Gusto kong mabuhay nang tahimik at malayo sa gulo ng pamilya niyo—“
“Natin!” Malakas na pagtutol niya sa sinabi ko. “Kahit na anong gawin mo, Clemente ka, Kaia. Kahit na itanggi mo, kasama ka pa rin sa gulo na ginawa ng tatay mo dahil kinunsinti mo rin naman! Huwag kang magmalinis tulad ng cheap mong nanay!”
I put my tongue on the side of my cheeks when she suddenly mentioned my mother. “My mother is not cheap,” mariing sambit ko. “Subukan mong pagsalitaan muli nang masama ang Mommy ko, hindi na ako magtitimpi pa sa inyo.”
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Kaia. Iniwan ka ng Mommy mo sa amin ng Daddy mo dahil hindi ka niya mahal—“
“Iniwan niya ako kasi hindi niya na kayo kayang pakisamahan!” Malakas na sigaw ko. I felt my eyes glistening with tears but I looked up to stop them from falling down. “Don’t f*****g put the blame on my mother, Tita Aurora. Kayo ang may kasalanan kung bakit umalis ang Mommy ko. . . kasi masasahol kayo.”
I gritted my teeth as my lips quiver because of too much emotion. Galit. . . galit na galit na ako. Gusto ko mang magtimpi at huwag magpadala sa galit ko, alam kong kaunting-kaunti na lamang, sasabog na ako.
“Kilala mo ako, Tita Aurora. . .” I trailed off as I immediately wiped the tears that fell on my cheeks.
Humugot ako ng malakas na buntong hininga upang kahit papaano ay ikalma ang sarili ko. “You know that I can also be a b***h, right?” I added.
“Huwag mo akong balaan dahil alam mo naman na kung masama ka, mas masama ako sa ‘yo,” pagbabanta niya sa kabilang linya.
I groaned and laughed maniacally in return. “You’re right, Tita. You raised a b***h. . . and that b***h is a f*****g monster now. Mukha ngang hindi mo na talaga ako kilala. You want war, huh? Fine! I’ll give you and Dad a f*****g war. And let this be a lesson to you to not mess up with me anymore. Masama akong kalaban, Tita Aurora. Masamang-masama,” mariing babala ko at agad na pinatay ang tawag.
My eyes glistened with anger as I stood up once again. Taas noo akong tumingin sa salamin na nasa aking tabi. I saw how fire and rage filled my gaze. Gusto nila ng laban, huh? Fine! I’ll give them what they want. Hindi ako babagsak nang ganitong kadali, I thought.
After calming myself, I reached out for my phone and dialed a number. Naka-ilang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko kaya’t sa aking palagay ay busy siya at may mahalagang ginagawa.
“Hello? Who is this?” he asked on the other line.
I swallowed the lump on my throat, still looking at the mirror. “Is this Attorney Damon Fontanilla? I want to testify for Senator Clemente’s case.”
---