I was trembling out of nervousness.
Kung kanina ay halos mawalan ako ng hiya noong tinawagan ko si Attorney Fontanilla, ngayon naman ay animo’y umurong lahat ng tapang na mayroon ako kanina. I must admit that I am nervous. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko o. . .
Humugot ako ng malakas na buntong hininga upang tingnan kung sakali mang dumating na si Attorney Fontanilla. Sabi niya kanina sa akin habang kausap ako sa tawag ay busy siya kaya’t hindi niya masisiguro na makapupunta siya sa kung nasaan man ako. But to my surprise, just an hour ago, he texted me and said that he’ll go here and talk to me about him.
Alam kong nagtataka siya sa address na ibinigay ko pero rito lamang kasi ang naisip ko na walang makakapansin sa amin na nag-uusap tungkol sa kaso ng tatay ko. I mean, who in their right mind would talk about a case at the bar, right? Sa ingay dito, hindi kami pagsususpetsahan ng kahit na sino.
I pressed my heel on the ground and played with my fingers anxiously. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ginusto ko naman ‘to una pa lamang, e. Kung hindi ko ‘to gagawin, baka hindi na nila ibalik ang pera ko.
“Miss Clemente.”
I was pulled out of own reverie upon hearing a familiar voice. Tila naestatwa ako sa aking kinauupuan at walang lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kung sino mang nasa aking harapan. I swallowed the lump on my throat and bit my lower lip, trying my best to hide my nervousness.
Why is he here?
Nang sa wakas ay nakaipon na ako ng lakas ng loob na tingnan siya ay saka ako nag-angat ng tingin sa gawi niya. I gulped when my eyes met his. “A-Akala ko si Attorney Fontanilla ang pupunta?”
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nautal ako sa pagtatanong sa kaniya. I am certainly not like that! I won’t back down and fear a man just like that—talagang nagulat lang ako na sa halip na ang Tito niya ang kausapin ko ay siya ang kakausapin ko.
Hindi niya ako sinagot at nakipagsukatan lamang ng titig sa akin. Of course, I did not back out. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa siya na mismo ang nagbitiw sa titigan naming dalawa. Napaayos naman ako ng upo matapos niyang mag-iwas ng tingin.
That was. . . intense.
To my surprise, he sat on the chair in front of me and raised his hand to order. Dahil sa ginawa niya ay agad na may lumapit na waiter sa aming dalawa. Instead of answering me, he ordered a drink. Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa kaniya nang muli siyang tumingin sa akin.
“You want a drink?” he calmly offered.
Hindi maiwasang kumunot ng aking noo dahil sa sinabi niya. Is he really asking me if I want a drink? Are we even close? Umiling ako at ibinaba ang tingin sa lamesa. Napatingin siya roon at mukhang ngayon niya lamang napansin ang nangangalahating bote ng alak na naroon katabi ng shot glass ko. Nagkibit balikat siya at muling sinabi sa waiter ang order niyang alak.
Pagkatapos umalis ng waiter ay saka siya humarap muli sa akin. He leaned on his chair and looked at me boredly. “So, what’s the matter?” tanong niya.
“I don’t want to offend you but I want to talk to Attorney Fontanilla—“
“You mean, you want to talk to a married man alone in this bar. . . in front of this liquor? Nice try, Miss Clemente. Nice try.”
Bahagyang nagdilim ang paningin ko nang mapagtanto kung ano ang nais niyang iparating. I put my tongue on the sides of my cheek and looked away, trying to calm down. Ilang linggo pa lamang mula noong malaman niya na nag-cheat sa kaniya ang girlfriend niya. Maybe he’s still not over her so he’s acting like this.
Malakas akong bumuntong hininga bago muling tumingin sa gawi niya. “I don’t want to become a mistress, Lieutenant. I just want to talk to him about my father’s case. . . iyon lang,” I remarked and emphasized the last words.
Mula sa direksiyon ko ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagguhit ng inis mula sa kaniyang mga mata kaya’t tipid ko siyang nginitian. Dahil sa pagngiti ko ay mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya kaya’t muli akong napaayos ng upo.
I cleared my throat when the waiter came back. Ibinigay ng waiter ang order niyang alak at tinanong akong muli kung gusto ko pa ng isa pang bote ngunit umilig ako bilang tugon. Wala sa plano ko ang malasing ngayong gabi. Uminom lamang ako kanina upang kumuha ng lakas ng loob. Masiyado akong kinabahan kanina kaya’t kailangan ko ng pampalakas ng loob ko.
Walang imik ko siyang inobserbahan habang nagsasalin siya ng alak sa baso. Tatlong botse ng alak ang inorder niya kaya’t hindi mapigilang tumaas ng kilay ko.
“I thought we’re going to talk about my Dad’s case? Bakit gusto mo yatang maglasing?” Hindi ko na napigilan pang magtanong habang nagsasalin siya. Ipinatong niyang muli ang bote ng alak sa lamesa bago nag-angat ng tingin sa akin.
“I am already off duty,” he coldly answered. “I just went here because I don’t want Tita Ivy to think that my uncle is cheating on her.”
Tulad kanina ay hindi ko maiwasang mapairap. “I told you, hindi ako interesado sa Tito mo. I just want to talk about my father’s case, that’s it! Hindi lahat ng bagay, kailangan mong bigyan ng malisya,” naiinis na hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.
Padabog akong nagsalin ng alak sa shot glass ko at dire-diretsong nilagok iyon. “Hindi ako interesado sa matatanda at mas asawa na,” dagdag ko pa. Ininom ko ang alak habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya.
He scoffed as he shook his head. “You’re quite unbelievable. Bakit mo naman papupuntahan ang Tito ko rito sa bar nang ‘dis oras ng gabi para lang makausap tungkol sa kaso ng tatay mo—“
“Because I have to,” I cut his words off. Malakas kong inilapag ang shot glass ko sa lamesa at tinaasan siya ng kilay. “Porque pinapunta ko siya rito, gusto ko na siya?”
“My uncle is a married man—“
“Sinabi ko bang hindi siya kasal? Ang sabi ko, gusto ko siyang makausap tungkol sa kaso ni Daddy. Iyon lang. Sinabi ko bang gusto ko siya? You’re the one who’s unbelievable here, Lieutenant. I don’t want to be a mistress because that sucks. And you should know your uncle. He’s a good guy, right? Bakit naman siya magloloko sa asawa niya?” Pinutol ko ang sasabihin niya at muling umirap.
He scoffed and sipped on his drink. “What do you expect? Lahat naman siguro ng tao, iyon ang iisipin kung bigla mo siyang ayain. Out of all places, why here, huh? See? I know your plans, Miss Clemente. Kung iniisip mo na basta-basta na lamang kami bibitiw sa kaso ng tatay mo, nagkakamali ka,” banta niya.
I chuckled as I can’t help to shake my head out of oblivion. I crossed my arms over my chest and meet his gaze. “All right, all right. I know it’s weird but can’t you ask for my reason first? Balak ko namang ipaliwanag kay Attorney Fontanilla kung bakit dito ko piniling makipagkita. Kung natatakot ang asawa niya na baka agawin ko ang siya, then she can join us. Sabi ko nga, wala akong planong masama sa Tito mo.”
Hindi siya sumagot at sa halip ay tila sinusuri lamang ang aking ekspresyon sa mukha. I shot a brow up and leaned back on my chair. Hindi ko alam kung bakit pero kahit papaano ay nawala na ang kaba ko—maybe because of the liquor? I don’t know.
“Then why here?” he finally asked after a couple of minutes of silence between us.
I casually lifted my shouder in a half shrug. “I live here,” kaswal na sagot ko sa kaniya.
Just like what I expected, his brow drew in a straight line upon hearing what I said. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. He drew in a long breath before he sipped on his drink once again.
“Dito na naman ako nakatira kaya naisip ko na bakit hindi nalang kami rito magkita, hindi ba? Makakatipid ako sa pamasahe at hindi rin kami pagsususpetsahan ng mga tao. My father and my aunt don’t want me to testify to his case. Kapag nakita na naman niya akong kasama si Attorney Fontanilla sa labas, malamang sa malamang, hindi ako makatuloy sa pagiging witness. I mean, bakit naman iisipin ng mga tao na nag-uusap kami tungkol sa kaso ng tatay ko sa lugar na ito, hindi ba? They will probably think that we’re just casually drinking—“
“Why are you here?” Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. He unbuttoned two of his shirts buttons while looking at me, making me gulp. “Bakit sabi mo, rito ka nakatira?”
I cleared my throat before reaching out for my shot glass when once again, my chest fell and rose with rapid breaths. “U-Umalis ako sa bahay kaya narito ako. Why? Is there something wrong with that? Doon ako sa third floor natutulog.”
“And why did you suddenly changed your mind? Hindi ba’t sabi mo noon, wala kang balak na tumistigo at makialam pa sa kaso ng tatay mo? You chose to shut your mouth back then. Bakit ngayon, naisipan mong magsalita?” tanong niya muli kaya’t hindi mapigilang kumunot ng aking noo.
Wala sa sarili akong nagkibit balikat. “I need money. Kinuha nina Dad at Tita ang pera ko sa bangko kaya wala akong pera—“
“So you’re a f*****g prostitute here?”
My eyes widened as my jaw went slack out of shock. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya sa pag-aakalang nagloloko lamang siya ngunit nang magtagpo ang aming mga mata ay napagtanto kong seryoso siya sa tanong niya.
I swallowed the lump on my throat and subtly looked away. “Why do you even care? Ano naman—“
“I am a f*****g Lieutenant, Miss Clemente,” muling pagputol niya sa sasabihin ko kaya’t napaayos ako ng upo. Right. Of course, it is his duty to protect people.
Hindi ko mapigilang mapailing bago ko ibinalik ang aking tingin sa gawi niya. “So what if I am?” tanong ko at matapang na sinalubong ang mga mata niya. His bloodshot eyes met mine, giving me nothing but a throbbing heart. Pasimple akong napalunok ngunit hindi ko ipinakita sa kaniya iyon at sa halip ay hindi pa rin inalis ang tingin sa kaniyang mga mata.
“What—“
“Bakit mo tinatanong? Bibilhin mo ba ako?” Taas-noong hamon ko sa kaniya.
He heaved a deep sigh and massaged his temples before he looked away. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa huli, siya rin naman pala ang bibitaw at susuko. Hindi ko pa man naiiaalis ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang tumingin sa akin at seryoso akong tiningnan.
I gulped because of the intensity of his gaze. Para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya.
“What if I say yes? How much for a night, Miss Clemente?”
I froze and looked at him obliviously. I was expecting him to say that he’s just joking but he just stared at me with his usual cold and serious eyes as if he’s waiting for my answer.
I gulped.
----