Humalukipkip ako sa sofa at ipinagkrus ang aking dalawang braso habang nakatingin kina Dylan at Lola na nag-uusap hindi kalayuan sa akin. Mahina ang boses nila kaya’t hindi ko marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. Though mukhang alam ko na naman kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Tinanong ni Dylan si Lola kanina kung papayag siya kung sakali mang ‘magpakasal’ kaming dalawa. I thought she would say no since I am her only grandchild but to my surprise, she immediately agreed! Um-oo siya kaagad na animo’y ipinagbebenta niya ako kay Dylan. Pasalamat pa siya nang pasalamat dahil akala niya raw ay hindi na ako magkaka-asawa dahil sa ‘ugali’ ko. Hello? Mabait naman ako, ah? Bakit para namang ang sama ng pagkakasabi niya roon? Umismid ako nang saglit akong tingnan ni Dylan haban

