21

1658 Words

“Bakit ang bilis mo naman yatang nakabalik, Kaia? May nahanap ka ng pera?” Nag-angat ako ng tingin kay Ate Belle nang maiabot ko sa kaniya ang resibo ng pinagbayaran ko para sa pagpapaadmit kay Lola. Malakas akong bumuntong hininga at tumingin sa likod ko. Naroon ang nakapamulsang si Dylan at tila binabantayan ang bagong galaw ko. Inismiran ko siya nang ngumisi siya sa akin bago ko ibinalik ang aking tingin kay Ate Belle. “Madali lang namang makahanap ng pera,” tanging sagot ko sa kaniya. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil ang ibig sabihin niyon para sa akin ay marami kasing pera si Dylan. Sana all. “Tulog ba si Lola?” dagdag na tanong ko. Mabilis naman siyang tumango at ngumiti. “Kahapon ka pa niya iniintay kahit na sinabi ko na sa kaniya na baka matagalan ka bago bumalik dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD