20

1473 Words
Hindi ko alam kung nagfufunction pa baa ng utak niya nang sabihin niya ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung lasing ba siya o sadyang nabaliw na siya dahil naisip niya ang bagay na iyon. I looked at him obliviously. “Lasing ka na ba?” Inaasahan kong tatango siya o mahinang tatawa ngunit mas lalo lamang sumeryoso ang eskpresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko naman napigilang mapalunok dahil sa labis na kaba nang mapagtantong baka nga… baka hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Malakas akong bumuntong hininga at marahang umilig. “If you’re serious, then maybe you’re just insane. Gusto mo ba tubig para naman magising ka riyan sa kahibangan mo, ha?” dagdag ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I am serious—“ “At bakit mo naman iisipin na magpapakasal ako sa ‘yo? Nag-iisip ka ba? Kasi ako, I am in my right mind. Ni wala nga tayong relasyon tapos inaaya mo akong magpakasal? Naka-drugs k aba, ha?” Mabilis na pagtutol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. He’s insane. Sigurado ako roon. Sino ba namang tao ang nasa tamang pag-iisip ang sasabihin ang sinabi niya? Ano nga ulit? He wants me to marry him? Para lang makasabay sa dalawang iyon? Kalokohan! Kahibangan. “You need money, right? Then I’ll give you some… no, a lot. Ako ang bahala sa ‘yo. Magpapakasal lang tayo tapos pagkatapos noon, tapos na. I want to prove them—“ “Nahihibang ka na,” I cut his words off as I let out a harsh breath while shaking my head. “Magpapakasal ka sa taong hindi mo pa naman masiyadong kilala dahil lang diyan sa ego mo? Ano naman kung pumayag ako at magpakasal tayo, ha? Tingin mo ba, may pakialam pa rin ang babaeng iyon sa ‘yo? Ikakasal na rin siya. Hindi naman siguro siya papayag sa kasal nila ni Aziel kung mahal ka pa niya… maliban nalang kung dalawa kayong mahal niya.” Malakas siyang bumuntong hininga kaya’t ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. “Ayaw kong magpakasal sa ‘yo. Kahit na bigyan mo pa ako ng pera, kahit gaano pa ‘yang karami—“ “I’ll give you a monthly allowance,” pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko kaya’t muli kong ipinikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili ko. “You’ll decide how much. Kahit magkano, ibibigay ko. We’ll get married on other country where divorce is legal tapos pagkatapos ng isa o dalawang taon, magdidivorce tayo. Single ka na ulit. Wala ka namang gagawing trabaho, pakasalan mo lang ako.” Iminulat ko ang aking mga mata at masama siyang tiningnan. “Anong walang gagawing trabaho? Sabi mo nga, gusto mong ipamukha sa mga ‘yon na hindi sila kawalan. Ibig sabihin, magpapanggap akong asawa mo. Nag-iisip ka ba, ha? I am a Political Science graduate, tapos ang magiging trabaho ko, pekeng asawa mo? Excuse me? Anong tingin mo sa akin, ha? Anong tingin mo sa aming mga babae?” Naiinis na tanong ko sa kaniya pabalik. Duh, hindi ako nag-aral ng napakaraming taon at nagsulat ng pagkarami-raming essay para lang maging pekeng asawa niya, ano. I am a strong independent woman who needs no man— “Sabi mo wala ka ng pera, ‘di ba?” Naputol ang pag-iisip ko nang muli siyang magsalita. “Your father and aunt confiscated your money. Hindi ka naman makauwi sa bahay niyo dahil naroon ang Tita mo. Wala ring tatanggap sa ‘yo ng trabaho dahil alam nilang nasa kulungan ang tatay mo ngayon. You’re a Political Advisor pero hindi mo isinuplong ang tatay mong Senador na nagnanakaw ng kaban ng bayan… why would they trust you, right?” Nagtiim ang bagang ko nang marinig ang sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. “So? Anong pinapalabas mo ngayon, ha?” “Your grandmother is at the hospital. Sigurado ako na kailangan mo ring bumili ng maintenance medicine niya, right? Saan ka kukuha? You’ll sell your bags? Your car? Your shoes? Tapos? Anong gagawin mo kapag naubos ‘yang mga ‘yan? Saan ka kukuha ng pera?” Natahimik ako dahil sa sinabi niya at kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin. He’s right. Paano nga naman kung naubos lahat ng gamit ko na puwede kong ipagbenta? Paano na ako? Hindi ko rin alam kung makahahanap pa ba ako ng trabaho dahil sa ginawa ni Dad. f**k this. “Are you blackmailing me?” I asked him. He lifted his shoulder in a half shrug as he leaned closer towards me. Muli naman akong napalunok nang makita kung gaano na kami kalapit sa isa’t-isa. The corner of his lips quirked up while looking at me. “I’m not blackmailing you. I’m offering you a better alternative to live. Two years. Be my wife for just two years and everything will be all right… trust me.” Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kaniya. May point siya pero… I sighed. “But still, marriage shouldn’t be taken so lightly. Tingin mo ba, ganoon lang kadali ang lahat, ha? Think about it, kung sakali mang magpakasal tayong dalawa at hindi nagustuhan ni Brielle, anong gagawin mo? Fine, nakuha mo na kung anong gusto mo. Nagalit na siya at narealize na niya na sana naghintay nalang siya sa ‘yo… but for what? Would it give you the satisfaction? Sasaya ka ba?” “Yes,” walang pag-aalinlangang sagot niya kaya’t malakas akong bumuntong hininga at hinilot ang aking sintido. “You still love her, don’t you?” Hindi siya sumagot ngunit kahit na nanatili siyang tahimik ay alam ko na iyon. Sabi niya kanina, he won’t take her back. But that doesn’t mean that he don’t love her anymore. Napailing ako. Ano bang mayroon kay Brielle Clarkson at hindi siya makalimutan ni Dylan? She’s a b***h and a high-maintenance brat. Malakas akong bumuntong hininga bago ko ibinalik ang aking tingin sa kaniya. “Siguro kailangan mo munang pag-isipan nang masinsinan ang bagay na ‘yan. Sagrado ang kasal, Dylan. I’m sure you know that, right? Take everything lightly. Hindi lahat ng bagay, minamadali.” I advised him. “I am not rushing anything—“ “You are. Gusto mo ngang magpakasal sa hindi mo pa naman masiyadong kilala, anong hindi pagmamadali roon? Brielle and yoou were together for a couple of years. Hindi ka nagpakasal sa kaniya kasi sabi mo, ayaw mong magmadali. Tapos ako na kakakakilala mo lang, wala pang isang linggo, gusto mo nang pakasalan?” I cut his words off and looked at him obliviously. Marahan akong umiling. “You’re unbelievable. We’re not even in a relationship. Bakit naman pumasok ‘yan sa utak mo, ha?” He let out a harsh breath, still looking at me. “Then be my girlfriend.” Kahit na nakaupo ako ay para akong nabuwal dahil sa sinabi niya. “What?” Hindi makapaniwalang tanong ko pabalik. Dylan lifted his shoulder in a half shrug and etched a small smirk. “Sabi mo, huwag madaliin, ‘di ba? Sabi mo, ayaw mo akong pakasalan dahil hindi naman tayo magkarelasyon. Then fine, be my girlfriend instead. If everything went well, let’s get married,” kaswal na sabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at kapagkuwan ay itinaas ang aking kaliwang kamay para pigilan siya sa pagsasalita. “So you’re saying that you’re hiring me to be your girlfriend… and wife, if everything went well, for money? Ganoon ba?” He nodded. “Nababaliw ka na ba?” “Maybe? But let’s give it a try. I’ll help you and you will help me. It’s a win-win situation, Kaia. Come on,” he persuaded me and leaned closer once again, our lips were only inches apart from each other. Muli naman akong umirap at kapagkuwan ay tinaasan siya ng kilay. “You’re playing with fire, Lieutenant Fontanilla.” He chuckled. “What do you mean?” “What if you fell in love with me? You know, there are cases like that. Kung papayag man ako sa gusto mo, I want everything to be professional and just business. I already proved you that I am irresistible, right? What if…” “What if I fell in love with you?” pagputol niya sa dapat na sasabihin ko at mas lalo pang lumapit sa akin. Umawang naman ang bibig ko nang walang pasabi niyang angkinin ang aking mga labi at hinila ako palapit sa kaniya. After he gave a peck on my lips, he looked at me and smirked. “Then I’ll make you fall in love with me, too. You don’t know me, Clemente. You might be irresistible but so am I. If I want you, you’ll be mine… without a doubt.” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD