19

1917 Words
“You know how to smoke?” Nagkibit balikat ako bilang sagot sa tanong ni Dylan. “I quit three years ago. Hindi puwede sa trabaho ko ang naninigarilyo,” kaswal na sagot ko sa kaniya at humikab. Hindi siya kaagad nakapagsalita kaya’t bored ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. “Why? You don’t smoke?” tanong ko pabalik sa kaniya. Marahan siyang umiling. “My Mama doesn’t like guys who smoke.” “Mama’s boy ka pala, ha,” biro ko at mahinang tumawa. Napailing na lamang siya at muling nagsalin ng alak sa shot glass niya. Itinaas ko naman ang akin habang nakatingin sa kaniya. “Pahingi rin.” Dylan shook his head. “Nakakarami ka na. I thought ayaw mong malasing?” sambit niya at inilayo sa akin ang bote ng alak. Agad naman akong umirap. “Come on, mataas ang alcohol tolerance ko. Hindi naman ako kagaya mo na nagpapalipas ng gabi sa bar at inaabala pa ang mga waiter at waitress dahil ayaw gumising sa kalasingan. Ang baho mo pa.” “What do you mean?” Kunot noong tanong niya kaya’t mahina akong tumawa at umiling. He let out a harsh breath. “Come on. Anong ibig mong sabihin?” I gave him a sly smile as I offered him my shot glass. “Pahingi muna.” Tinaasan niya ako ng kilay gunit nginitian ko lamang siya. Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at salinan ng alak ang hawak kong shot glass. “Anong ibig mong sabihin?” He asked once again. Bago ko siya sagutin ay ininom ko muna ang lahat ng laman ng shot glass. Napangiwi naman ako dahil sa pait niyon kaya’t agad akong sumupsop ng lemon. Nang makabawi ay saka ako muling nag-angat ng tingin kay Dylan. “Check your phone,” tanging sagot ko. Mas lalo namang nagsalubonga ng kilay niya kaya’t muli ko siyang tinaasan ng kilay bago ipinatong ang hawak kong shot glass sa lamesa. Nang makaramdam ng kaunting hilo ay agad akong sumandal sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. “Ikaw ang nagsend ng message na ‘to kay Iverson?” Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Dylan. Ipinakita niya sa akin ang hawak na telepono kaya’t agad akong tumango. “Baho mo,” biro ko. Dylan let out a soft chuckle. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin nang batuhin niya ako ng popcorn na nasa harapan namin. “Kailan ‘to?” tanong niyang muli. “Noong naglasing ka rito. May pa-sabi ka pa na minor ako para hindi ako makapasok. Mukha ba akong minor?” “Kasalanan ko bang bata ang tingin sa ‘yo ng guard?” Inirapan ko siyang muli bago ko muling ipinikit ang aking mga mata. Mayamaya pa ay agad akong napangiwi kahiit na nakapikit ako dahil sa lakas ng pagpapatugtog sa first floor. The crowd went wild. Kanina ay tugtog lamang ng musika nag maririnig ngunit ngayon ay nagsisigawan na rin ang mga tao sa baba na animo’y mga nagwawala at wala na sa tamang wisyo dahil sa alak. Hindi ba sila marunong mag-chill? Kabadtrip, ha. “Masakit ang ulo mo?” Iminulat ko ang aking mga mata nang muling magsalita si Dylan. Inalis ko ang pagkakasandal ko sa sofa at umayos ng upo. I yawned as I slowly nod my head. “Pagod lang siguro. Ang layo ng dinrive ko kanina,” sagot ko. Baka kasi isipin niya na sumakit ang ulo ko dahil sa kakainom—eh mataas nga sabi ang alcohol tolerance ko. “Do you want to sleep upstairs?” Mabilis akong umiling bilang tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. “Sasamahan kita rito, ‘di ba? Sayang naman ang ibabayad mo sa akin kung ilang oras lang kita sasamahan.” “Is it important?” “Malamang,” agad na sagot ko sa kaniya. “Magsalita ka na nga, i-distract mo ako para hindi na sumakit ang ulo ko.” Saglit akong natigilan nang mapagtanto kung anong sinabi ko. Kapagkuwan ay mahina akong tumawa at napailing. “Huwag mong intindihin ang sinabi ko. Kung makapag-utos naman ako sa ‘yo, parang ako ang magbabayad,” natatawang dagdag ko. Tumayo si Dylan sa kinauupuan niya na nasa harapan ko bago umupo sa sofa kung saan ako nakaupo at tumabi sa akin. Akmang sasandal akong muli sa headrest ng sofa nang hilahin niya ako palapit sa kaniya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapalunok dahil sa ginawa niya. “H-Hey,” untag ko. “Ganito ang ginagawa ni Papa tuwing masakit ang ulo ni Mama. Riyan ka lang hanggang sa hindi na masakit,” kaswal na sambit niya kaya’t muli akong napalunok. I don’t know why but my heart immediately beats like it is crazy. Hindi naman ako kinakabahan ngunit labis ang bilis ng t***k ng puso ko na animo’y gusto nitong lumabas mula sa aking dibdib. The feeling is unknown and surreal but it felt comforting at the same time. It’s a weird feeling, honestly. But I want to feel this feeling again and again. “May I ask something?” tanong ko matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Hmm?” he asked softly. I swallowed the lump on my throat before answering him back. “Nagkabalikan na kayo ni Brielle?” “She’s in love with that bastard. She won’t cheat on me if she didn’t like that guy, don’t you think so?” Humugot ako ng malalim na buntong hininga nang marinig ang sagot niya. “Paano kung makipagbalikan sa ‘yo? What if she was just tempted to go out with him? Paano kung ikaw naman pala talaga ang mahal niya?” tanong ko at muling lumunok. “What would you do?” Tulad ng inaasahan ko, hindi siya nakasagot. I already expected it. Hindi pa rin siya nakaka-move on sa babaeng iyon. Kaya nga siya nagpasama sa akin dito ngayon dahil hindi pa rin siya nakakamove on at kailangan niya ng distraction para hindi niya na maisip si Brielle. Malakas akong bumuntong hininga. Yes, Kaia. You’re just a distraction for him. “She cheated on me. That’s an enough reason for me to give up on her. I’m hurt but that doesn’t mean that I’ll give her a second chance. She gave up on me first so it’s not my fault if I’ll move on from her,” mahinang sambit niya. “Why do you think she gave up on you?” Umalis ako sa pagkakahilig sa kaniyang balikat bago tumingin sa gawi niya. “I mean, hindi naman kita sinisisi kung bakit siya nagcheat kasi choice niya naman ‘yon. Pero minsan ba… kahit minsan lang, naisip mo bang baka may rason siya kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon?” dagdag ko. Nanatili siyang tahimik kaya’t nag-iwas ako ng tingin. Offensive ba ang tanong ko? I let out a harsh breath before I look at him. “Am I offensive? Huwag mo nalang sagutin—“ “She wants to get married.” Agad akong natigilan nang marinig ang sagot niya. Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kaniya ngunit mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi. “’Yon naman pala, e. Bakit hindi mo pinakasalan? I thought you love her?” Malakas siyang bumuntong hininga. “I’m still saving for our wedding.” “What?” Kunot noo ko siyang tiningnan. “’Di ba mayaman naman kayo? Bakit kailangan mo pang mag-ipon?” “I want to use my own money for our wedding. And on top of that, she’s high maintenance. Her father would stop supporting her kapag nagpakasal kami. Of course, I have to buy her stuffs—expensive stuffs. You know her, right? Alam mo naman kung paano siya mamuhay,” naiiling na tugon niya. Wala sa sarili akong napatango nang maintindihan kung anong sinabi niya. Sabagay. Ganoong klase ng babae nga naman si Brielle. Kung marami akong bag, mas marami ang sa kaniya. Lahat na nga yata ng makikitang bag ay binili na niya… she’s that addicted to shopping and buying stuffs. “May point ka naman. Dapat nga ay pinag-iisipan nang mabuti ang mga ganiyan-ganiyan. Saka duh, hindi ka pa naman sigurado kung kayo talaga para sa isa’t-isa. Buti hindi moa gad pinakasalan, paano kung nagpakasal na kayo tapos saka pa siyia nagcheat sa ‘yo? That’s worst, right? At least nalaman mo na kung ano ang totoo niyang ugali.” He slowly nod his head as a sign of agreement. “Nga pala, anong ginagawa mo roon sa bahay ni Aziel kanina? You said that Brielle and you are not together anymore so what brought you there a while ago?” Malakas siyang bumuntong hininga at sumandal sa upuan. “Your friend called me asking for a peaceful talk.” “And? Aziel is really like that. Sinabi niya sa akin noon na hindi niya naman alam na magkarelasyon pa rin kayong dalawa ni Brielle kasi ang sabi sa kaniya ng ex-girlfriend mo, matagal na kayong nagbreak. I’m sure he will apologiz—“ “They’re getting married.” Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya. Gulat akong tumingin sa kaniya ngunit prenteng nakasandal lamang siya sa sofa at nakatingin sa kawalan. “W-What? Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. He let out a harsh breath. “Their parents arranged them for a marriage. Ikakasal sila after four months.” “B-Buntis ba?” Iyon ang una kong naitanong sa kaniya sa halip na tanungin siya kung ayos lang ba siya. What can I do? I can’t help but to ask! I mean, si Aziel? Ikakasal sa bruhang iyon? Nag-iisip ba siya?! “I don’t know,” sagot ni Dylan at nagkibit balikat. Humugot naman ako ng malakas na buntong hininga at hinilot ang aking sintido. I need to talk to Aziel, pronto! Talaga bang gusto niya ang babaeng iyon? Wala man lang ba siyang hiya? He’ll still pursue her after everything that happened? Kabit siya, for pete sake. Kahit na sabihin ng lahat na naghiwalay na sina Dylan at Brielle, hindi pa rin maitatanggi ng lahat na kaya nagbreak ang dalawa ay dahil sa kaniya. I thought he see me as a friend? He knows how I f*****g hate cheaters, for pete sake! Nag-isiip ba siya o sadyang natanga na siya para sa babaeng iyon? What he did is morally wrong. Sa halip na pakasalan si Brielle, he should repent on what he did… hindi ang palakihin pa ang gulo. And he still have the audacity to invite Dylan to come over? For what? Para ipamukha sa kaniya na magpapakasal na sila ni Brielle? For God’s sake, hindi ko alam kung siya pa rin ba ang kaibigang kilala ko. He changed a lot. “I have an offer.” Ibinalik ko ang aking tingin kay Dylan nang muli siyang magsalita matapos ang katahimikan sa pagitan namin. Kunot noo ko siyang tiningnan. “What is it? Kanina mo pa sinasabi ‘yang offer mo na ‘yan pero hindi mo naman sinasabi kung ano,” I asked him. “Gusto mong umuna sa kanila?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. “What do you mean?” He smirked as he leaned closer towards my direction. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa ginawa niya. “Marry me, Kaia,” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD