18

2333 Words
“Why do you need money, by the way?” Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Dylan. Ilang minuto na rin kaming bumibiyahe patungo sa lugar kung saan ako tumutuloy. HIndi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako pero wala naman akong magagawa. I need money. Kailangan nang madischarge ni Lola sa hospital para hindi na mas lalo pang lumaki ang babayaran namin. “Hindi mo na siguro dapat pang malaman ang tungkol doon,” tanging sagot ko at tumingin na lamang sa bintana ng sasakyan. Nanatali namang tahimik si Dylan kaya’t labis ko iyong ikinapagpasalamat. Wala ako sa mood na makipag-usap at mukhang pati siya ay ganoon din. I mean, I just found out that Aziel is the reason why Brielle and Dylan broke up. Hindi ko inaakala na ang babaeng tinutukoy niya noon ay si Brielle Clarkson. Hindi ko tuloy maisip kung sadya bang tanga lang siya o nakalimutan niya lang gamitin ang utak niya. Duh, kalat na kalat kaya na mayroong relasyon sina Brielle at Dylan noon. Iniiwasan ko mang banggitin ang tungkol doon sa kaniya dahil alam kong hindi pa siya masiyadong nakaka-move on kay Brielle. They were in a relationship back then. Noong High School kami ay sikat sila sa school dahil parehas silang famous tapos magkarelasyon pa sila. Everything went well between them pero nabalitaan ko na lamang na nagbreak na sila dahil kailangan nang pumunta sa ibang bansa ni Brielle. College na nang umuwi si Brielle sa Pilipinas at sakto namang may ibang girlfriend noon si Aziel kaya’t hindi ko na naisip na magkakabalikan pa silang dalawa. Nang makatapos naman ng College ay agad kong nabalitaan na si Dylan Fontanilla na ang bagong karelasyon ni Brielle kaya’t nawala na sa isip ko na minsan na silang naging magkarelasyon ni Aziel. Saka isa pa, hindi na nakakapanibago na malaman ko ang mga bagay-bagay na iyon dahil sa iisang village lamang kami nakatira. Minsan ay nakikita ko silang dalawa na magkasama—sina Dylan at Brielle noong magkarelasyon pa silang dalawa. Though hindi ko nga lang alam kung napapansin nila ako dahil hindi ko na naman sila pinapansin tuwing nakikita ko sila. And on top of that, Brielle and I weren’t close. Halata naman siguro sa inasal niya kanina. Ang tingin niya pa rin sa akin ay insecure sa kagaya niya tulad noong High School. Hindi siya maka-move on. I am no longer like that. Bakit naman ako maiinsecure sa babaeng katulad niya? At least I know that I won’t cheat on someone. Hindi ako ganoong klase ng babae tulad niya. Namamangka siya sa dalawang ilog. Pinagsabay ba naman sina Dylan at Aziel? Ang kapal ng mukha, akala mo naman kagandahan. “Saan ba tayo pupunta?” tanong kong muli matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Dylan subtly looked towards my direction and shrugged his shoulders. “Your place?” Nagkibit balikat na lamang ako dahil sa sagot niya. Sabagay, halata naman na roon nga kami papunta dahil ito ang daan papunta sa bar kung saan ako kasalukuyang tumutuloy. “Kapag ba sinamahan kita, babayaran mo ako? How much?” Natahimik siya dahil sa tanong ko at kapagkuwan ay malakas na bumuntong hininga. “You’re making me look like I don’t have any friends,” mahinang sambit niya. I shrugged. “Why? Do you have one?” Hindi siya nakasagot kaya’t nagkibit balikat na lamang ako muli. “Come on, baka mamaya, hindi pala malaki ang perang ibabayad mo sa akin. Kapag nagustuhan ko, tutuloy ako. Kapag hindi, pabayaan mo na lamang akong bumalik kina Aziel para makausap ko na siya tungkol sa favor ko—“ “How much do you want?” Agad na umawang ang aking mga labi dahil sa sinabi niya. I cleared my throat before looking towards his direction. “Magkano ba ang iooffer mo?” tanong ko sa kaniya pabalik. “Kung magkano ang gusto mo.” Umarko ang isang kilay ko bago ko ipinagkrus ang aking dalawang braso. “Really, huh?” “Tell me,” he remarked and nod his head in return. Napapantastikuhan naman akong tumingin sa gawi niya. Hindi ko alam na he’s this rich. Pero sabagay nga naman, lahat naman ng Fontanilla ay mayaman. And I heard that he’s the first born Fontanilla… sigurado akong marami siyang pera tulad ng sinasabi niya. “Thirty thousand?” Hindi siya kaagad nakasagot sa offer ko kaya’t hindi ko mapigilang mapailing. I already expected it. Kahit naman mayaman siya, sino ba namang gagastos ng Thirty Thousand Pesos para lang samahan siya, ‘di ba? He must be crazy if he agrees— “Fine. Through bank or cash?” Agad na umawang ang mga labi ko sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “Talaga bang pumapayag ka? Are you insane, huh?” I asked obliviously. Ganoon na ba talaga siya kabroken hearted at talagang gagastos siya nang ganoong kalaking halaga para lang may makasamang makapag-move on? God. Nag-iisip pa ba siya? “Aayain ba kita kung wala akong pambayad?” Seryosong tanong niya sa akin pabalik. Hindi ko mapigilang mapailing habang nakatingin sa kaniya. Ngayon lang ako nakakita ng klase ng tao na ganito mag-move on. So bale kung bibigyan niya ako ng Thirty Thousand Pesos mamaya, ibig sabihin, Eight Thousand na ang nagastos niya sa akin? Is he out of his mind? “Iisipin ko talaga na ganiyan. May balance ka pa nga sa aking Twenty Five Thousand, remember?” He let out a harsh breath. “You left. Hinihintay kitang kumain ng agahan tapos nakita kitang nagmamadaling umalis. It’s not as if tinakbuhan kita,” sambit niya. I swallowed the lump on my throat as I pursed my lips together. Right. Oo nga, tama nga naman siya. Hindi niya naman ako tinakbuhan kaya hindi siya scammer. “May importante akong pinuntahan.” “More important than me?” Saglit na umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya ngunit kapagkuwan ay agad din akong umirap. “Come on. You’re talking as if we have something. Binayaran mo ako kapalit ng katawan ko—“ “You’re making it sound like you’re a prostitute,” may halong inis na pagputol niya sa sasabihin ko. “You said you’re not, right? Then stop talking as if you’re one.” Muli akong umirap. “I’m just saying the truth. You’re paying me in exchange of pleasure—ganoon din naman iyon, ‘di ba? Don’t worry, I’m not offended. Ako naman ang nag-offer. If you think that I’m thinking of you like you’re a pervert or something, fret none. Hindi ako ganoong mag-isip. You’re just sad that’s why you need me. Kapag hindi ka na malungkot, hindi mo na ako kailangan,” ganti ko at nag-iwas ng tingin. Kung may makakarinig man sa amin ngayon, alam kong iisipin nila na marumi akong babae dahil ipinagbenta ko ang katawan ko sa lalaki. But the hell I care? I need money. Mapapakain ba ako ng sinasabi nilang hiya? Saka isa pa, sa isang lalaki ko lang naman iyon ginawa. It’s not as if I’m sleeping around with bunch of guys. It’s just him. “I think you’re good as a friend.” Muli akong nag-angat ng tingin sa gawi niya nang muli siyang magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay. “Really?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Aziel is my only friend so it’s quiet weird that he said that. Mula pagkabata ay walang lumalapit sa akin para makipagkaibigan dahil mukha raw akong mataray at hindi kumakausap ng ibang tao. Hindi ko naman maitatanggi ang paratang nila dahil totoo naman iyon. Kung tutuusin, sabi ng ibang tao, may pagkakahawig daw kami ni Brielle. Tulad na lamang ng pinsan ni Dylan na napagkamalan akong si Brielle noon. Ang pinagkaiba lamang naming dalawa, mas mukha akong mataray at matapang. On top of that, palaging nakangiti si Brielle, hindi tulad ko. Napaismid ako. Ngumingiti nga, peke naman. Mukhang mabait pero may tinatago namang kulo sa loob. “Where have you been these past couple of days?” Nag-angat ako ng tingin kay Dylan nang muli siyang magtanong. He cleared his throat. “I’m just curious. Don’t take it personally,” mabilis na dagdag niya. Hindi ko naman mapigilang mahinang matawa dahil sa sinabi niya. Iniisip niya bang iisipin kong para siyang chismoso dahil sa tanong niya? “I went to the province. Inatake sa puso ang Lola ko,” tanging sagot ko at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. Natahimik naman si Dylan at hindi kaagad nakasagot sa sinabi ko. He must be shock. I mean, we just f**k and then the next day, inatake naman sa puso ang Lola ko. That’s weird, isn’t it? Is it a bad premonition? “Is she all right? How is she?” “She’s fine. Lalabas na siya sa hospital.” “Is that the reason why you need some money?” Hindi ako nakasagot at nanatili na lamang tahimik. Alam kong alam na naman niya ang sagot ko kahit na hindi ko na sagutin ang tanong niya. Hindi na ako tumanggi pa sa tanong niya dahil iyon naman talaga ang nais ko. Baka mamaya, isipin niya na pineperahan ko siya dahil lang sa mukha akong pera—mukha naman talaga akong pera pero hindi naman sa ganoong paraan. “How much more do you need?” Marahas kong ibinalik ang aking paningin sa gawi niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin at naka-focus lamang ang atensiyon sa kalsada at seryoso pa ring nagmamaneho. Malakas akong bumuntong hininga at muling umayos ng pagkaka-upo. “Siguro enough na ang perang ibibigay mo sa akin kung sakali mang magbabayad ka,” maikling sagot ko. “Is that also the reason why you want to talk to that bastard? Para umutang ng pera?” Umirap ako bago marahang umiling. “Hindi ako nangungutang, ano. Pumunta ako roon kasi magpapatulong ako sa pagbebenta ng bags ko. Walang bibili kapag nalaman nilang sa akin ang mga bag na iyon. Baka isipin nila, ginamit kong perang pambili ng mga iyon ang mga ninakaw ni Daddy sa tax ng taong bayan. That’s why I went there… magpapatulong ako kay Aziel,” pagpapaliwanag ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kaniya kahit na puwede namang hindi na. I don’t care about people’s perception and opinion towards me. Ang mahalaga ay kung ano ang sa tingin ko ay makabubuti at tama para sa akin. But at some point, I don’t know why but I kinda values his opinion towards me, too. “Bags?” I slowly nod my head. “Uh-huh. You know, I need money. Hindi ko nakuha sa ‘yo ‘yong balance mo pang Twenty Five Thousand Pesos, ano. Nakakahiya rin naman kung pupunta ako sa bahay mo at hihingiin ang balance mo. I am not that thick-faced to go there. Saka I don’t have your number, hindi kita matatawagan.” He let out a soft chuckle and I just rolled my eyes in return. “Oh, right. You don’t have my number,” sambit niya. “Isipin mo ‘yon, nakita ko na ang buong katawan mo tapos nakita mo na rin ang buong katawan ko tapos hindi ko man lamang alam kung anong number mo. That’s weird, isn’t it? Ganoon pala kapag sinabing one night stand. Sobrang weird,” wala sa sariling usal ko at tumingin na muli sa labas. He cleared his throat after a long silence between us. “So you’re going to sell your bags in exchange of money for your grandmother? ‘Di ba may sentimental value ang mga ganiyang bagay?” “Paano mo naman nasabi?” “Bri won’t ever sell her bags. Kahit na maghirap pa siya. I don’t know, girls are weird.” “Ano namang gagawin ko sa mga bag ko kung buhay naman ng Lola ko ang kapalit, ‘di ba?” tanong ko at ibinalik ang tingin ko sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. “I know my priorities. It’s true that some of them have sentimental values for me but my grandmother is more important. Huwag mo akong igaya riyan sa girlfriend mong masama ang ugali, ano,” inis na ganti ko sa kaniya pabalik. “Ex-girlfriend,” he corrected me. Umirap naman ako at ibinalik na ang tingin ko sa labas. Ang pinakaayaw ko ay ang ipinagkukumpara ako sa babaeng iyon. Hindi kami magkatulad—hinding-hindi. “You know what, I have an offer for you.” “What is it?” tanong ko. “I’ll tell you later.” Muli namang umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “E ‘di sana mamaya mo na lamang sinabi sa akin na may offer ka kung hindi mo rin pala kaagad sasabihin. Nakakainis ka, ha. Kanina ka pa,” naiinis na tugon ko. Mahina naman siyang tumawa kaya’t muling tumaas ang isa kong kilay. Kanina lang ay broken hearted na broken hearted siya tapos ngayon, tawa naman nang tawa. He’s weird. “I’m not doing anything,” sambit niya matapos tumawa. I rolled my eyes. “Anong wala? You just compared me with your ex girlfriend a while ago. Hindi mo ba alam na nakaka-offend ‘yon, ha? Sinabi na nga ng pinsan mo na magkamukha kami tapos ngayon naman, parang sinasabi mo na halos parehas kami ng ugali. You’re freaking weird, you know that? Bakit mo pa ako isinama rito? E ‘di sana siya nalang ang inaya mo.” I don’t want to sound like jealous girlfriend but I think I sound like one. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na ganoon ang maging reaksiyon. Kumukulo talaga ang dugo ko tuwing binabanggit ang pangalan ng babaeng iyon. She’s so freaking irritating! “Nah, you’re different from her.” I glanced towards Dylan when he spoke. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tipid lamang siyang ngumiti sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. “So different,” he remarked. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD