17

2158 Words
“What are you talking about?” Umayos ako ng pagkakatayo matapos marinig ang sinabi ni Brielle. Unlike earlier, this time, she looks genuine perturbed. Buti nga sa kaniya. Though I already expected that she will look shocked but I didn’t expect that it will be like this. Sa lagay niya kasi ngayon ay animo’y sasabog siya dahil sa galit. I drew in a long breath and crossed my arms over my chest. “Wala naman. Pinapaalala ko lang sa ‘yo na tayong dalawa. . .” Humakbang ako palapit sa kaniya at tipid siyang nginitian. “Hindi tayo magkatulad.” From my direction, I saw how she let out a harsh breath exasperatedly. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa reaksiyon niya. Ano bang iniisip niya? Na mas maayos siyang babae kaysa sa akin? I mean, she cheated on her boyfriend—may mas ikasasama pa ba roon? “Sinasabi mo bang pinatulan ka ni Dylan?” she asked right after she sighed. Mas lalo namang tumaas ang kilay ko nang malakas siyang tumawa. She even clapped her hands! “Come on. Hindi ka nga pinatulan ni Aziel na matagal mong kasama, si Dylan pa kaya? Are you on drugs? Are you high?” I rolled my eyes out of frustration. Akmang magsasalita na sana ako para sagutin siya ngunit naunahan na ako ni Aziel sa pagsasalita. “Kaia,” he warned me. I glanced towards his direction and shot a brow up right after I met his bloodshot eyes. Hindi tulad kanina ay mas seryoso na ang ekspresyon sa kaniyang mga mata na animo’y hindi nagustuhan ang sinabi ko at mas lalong hindi niya magugustuhan kung sasagutin ko ang tanong ng babae niya. “What? Bawal akong sumagot? Bawal kong sagutin ‘yang babae mo?” tanong ko pabalik. He heaved a deep sigh as he walked towards me. “Ihahatid na kita sa inyo,” maawtoridad na sabi niya at hinawakan ang aking palapulsuhan. “Aziel!” Eksaheradang pigil ni Brielle kaya’t mas lalong tumaas ang kilay ko. Her every actions are questionable. . . may problema ba sa pag-iisip ang babaeng ‘to kaya siya ganito? Ganito ba talaga siya kauhaw sa atensiyon? She’s petty. Malakas na bumuntong hininga si Aziel bago ibinaling ang tingin sa babae niya. “Saka na lamang tayo mag-usap,” malamig na tugon niya rito kaya’t kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa. Kapagkuwan ay ibinalik ni Aziel ang tingin niya sa akin kaya’t walang gana akong tumingin sa kaniya. “Tayo ang mag-uusap.” I lifted my shoulder in a half shrug and smiled at him. “Oka—“ “Hindi siya sasama sa ‘yo.” My words were off short by Dylan’s voice. Saglit kaming nagkatinginan ni Aziel bago ko ibinalik ang aking tingin sa gawi ni Dylan. “Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? May pag-uusapan kaming dalawa,” seryosong sambit ko ngunit hindi siya natinag at sa halip ay naglakad patungo sa gawi namin ni Aziel. To my surprise, he held my other wrist and pulled me closer to him. Dahil doon ay walang nagawa si Aziel kung hindi ang bitiwan ang aking kamay. “Sabi ko, hindi ka sasama sa lalaking ‘yan.” His menacing voice filled the room, his eyes were still fix towards Aziel. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa boses niya. Aziel let out a harsh breath. “Can’t you see that she’s in pain? Bitiwan mo,” mariing utos niya kay Dylan kaya’t ilang beses akong napakurap. “Does it hurt?” Dylan asked me. Hindi kaagad ako nakasagot at ilang beses na napakurap dahil sa biglaang tanong niya. Saka ko lamang naalala na mahigpit nga pala ang hawak niya sa aking palapulsuhan. I swallowed the lump on my throat. Hindi naman masiyadong mahigpit kaya’t wala pa sa punto na masasabi kong masakit na ang pagkakahawak niya. And Dylan. . . I know that he’s not violent. Mukha lang siyang galit pero sa palagay ko naman ay hindi niya ako sasaktan. “Kaia,” muling pagtawag ni Aziel sa pangalan ko na naging dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya bago ako marahang umiling. “H-Hindi masakit.” Dahil sa sinabi ko at dahil nakatingin ako kay Aziel ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang mas lalong pagseseryoso ng ekspresyon niya sa mukha. Agad naman akong napalunok dahil doon. I think he git offended. “See? Sabi niya, hindi masakit,” panghahamon ni Dylan kay Aziel kaya’t muli ko siyang tiningnan. Tulad ni Aziel ay seryoso rin ang ekspresyon ng kaniyang mga mata kaya’t hindi ko na mapigilang kabahan. I mean, bakit ba galit na galit siya? Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin kay Dylan. “May kailangan kaming pag-usapan,” I told him. Agad namang nagtagpo ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi na kailangan naming mag-usap ni Aziel. I am going to ask him a favor! Kailangan ko ng pera at walang ibang makakatulong sa akin kung hindi siya. Hindi puwedeng magtagal si Lola sa hospital kaya kailangan kong magmadali at maibenta ang mga dapat kong ibenta—and Aziel is the only one who can do that for me. Walang bibili sa akin, ano. Baka isipin nila, galing sa pera ng bayan ang pinambili ko ng mga iyon. “Hindi ba’t napag-usapan na natin kanina? Sinabi ko na sa ‘yo kung anong klase ng tao ‘yang lalaking ‘yan pero hindi ka pa rin nakikinig—“ “Kayong dalawa. . .” Naputol ang kung ano mang sasabihin ni Dylan nang magsalita si Brielle na nasa gilid. “What is your relationship?” Ramdam kong bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Dylan sa aking palapulsuhan tanda na hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. On the other hand, I immediately wet my dry lips and swallowed the lump on my throat. Alangan namang sabihin ko na naka-one night stand ko ang ex-boyfriend niya? I mean, I hinted on it but. . . “Wala kang pakialam.” Hindi ko na mapigilan pang muling mapalunok dahil sa sinabi ni Dylan. I thought they’re okay? Hindi pa rin ba sila ayos dalawa? Brielle scoffed as she ran towards us. Malakas akong napasinghap nang walang pasabi niyang sinampal si Dylan. “Don’t tell me that something really happened between you and her? Dylan, pumatol ka riyan sa babaeng ‘yan?! What the f**k?” she yelled. My brows immediately arched as I heaved a deep breath. “Come on. Hindi ba’t hiwalay na naman kayong dalawa dahil pumatol ka sa ibang lalaki? Bakit kung maka-asta ka riyan, para namang siya ang nagtaksil sa ‘yo?” Natatawang tanong ko sa kaniya. I mean, ang kapal naman siguro ng mukha niya kung magagalit pa siya dahil doon? Wala na siyang karapatan in the first place because she already cheated on him. Break na silang dalawa noong may nangyari sa amin ni Dylan—as far as I can remember. “And what? Porque naghiwalay kami, inahas mo na? Dahil lang hindi mo nakuha si Aziel, si Dylan naman ang pinuntirya mo. Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago, ano? You look sweet and innocent but deep inside, you’re a hoe—“ “Brielle,” agad na suway ni Aziel sa babae niya. Hindi ko naman mapigilang mapairap dahil doon. “Inahas? Wala akong inaahas kahit na sino, please lang. Sa pagkakaalam ko, you cheated on him kaya kayo nag-break. Hindi ko na kasalanan na malandi ka kaya sa akin hummanap ng comfort ang dati mong boyfriend. Hindi mo na siya pagmamay-ari kaya wala akong inaagaw sa ‘yo,” naiinis na sambit ko at muling umirap. Sobrang kapal naman ng mukha niyang sabihin ako ng malandi, letse siya. Sa aming dalawa, halatang-halata naman na sarili niya ang tinutukoy niya. Yuck. Brielle hissed and it made me looked towards her. Awtomatiko namang umarko ang aking kilay nang makitang nakatingin siya kay Dylan. “Hindi naman totoo ang sinasabi niya, ‘di ba, Dylan? Right… hindi mo ginawa ang bagay na iyon… hindi ka pumatol sa babaeng ‘yan, ‘di ba?” she asked. Malakas naman akong bumuntong hininga. She sounds so f*****g desperate right now. Wala na ba siyang delicadeza? Gaano bang kakapal ang mukha niya? “Don’t talk as if I cheated on you, woman,” malamig na sagot ni Dylan bago humarap sa akin. “Let’s go.” Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin niya ako palabas tulad ng ginawa niya sa akin kanina. Gusto ko pa sanang umangal dahil kailangan ko pang kausapin si Aziel ngunit hindi ko na ginawa pa. I can feel that Dylan is serious. At kahit na hindi niya man sabihin, alam kong kahit papaano ay nasaktan din siya sa mga sinabi kanina ni Brielle. I mean, she blatantly accused him of cheating. Duh, kaya mismo ang nag-cheat tapos ipapasa niya kay Dylan ang sisi. Ang kapal ng mukha, the f**k. Hawak niya ang palapulsuhan ko hanggang makalabas na kami ng bahay ni Aziel. May narinig pa akong sigawan sa loob na animo’y nag-aaway ang dalawa kaya’t inaakala kong titigil sa paglalakad si Dylan at babalik sa loob ngunit hindi tulad ng inaasahan ko ay dire-diretso siyang naglakad palabas habang hawak ang palapulsuhan ko at nagtungo sa sasakyan niya. He opened the door of passenger seat before he finally let go of my hand. Alam ko na ang gusto niyang iparating kaya’t walang imik akong sumakay sa sasakyan niya. Umikot naman siya sa harap para dumiretso sa driver’s seat. Malakas siyang bumuntong hininga nang makaupo sa tabi ko at nang maisarado ang pintuan ng sasakyan. He held the steering wheel as he let out a harsh breath as if he’s calming himself. Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan dahil ayaw ko siyang pangunahan sa kung ano mang nararamdaman niya. I can sense that he’s hurt so I just stayed quiet until he calms down to avoid trouble. Makalipas ang ilang minuto ay saka siya nag-angat ng tingin sa akin. “Ihahatid na kita pauwi,” seryosong saad niya. I sighed. “Sinamahan lang kita rito hanggang sa kumalma ka pero kailangan ko pa ring bumalik sa loob kapag nakaalis na si Brielle. I badly needs to talk to Aziel.” “Why do you need to talk to him? Are you just going to tolerate that your friend is a cheater?” Natahimik ako. Alam ko naman na may point si Dylan. I hate cheaters because my Dad is like that. Even Aziel is aware about that. Kaya siguro hindi niya sinabi sa akin noong tinanong ko kung anong problema niya noon. Hindi ko naman mapigilang bumuntong hininga. Pero hindi rin naman kasi alam ni Aziel noon na magkarelasyon pa rin sina Brielle at Dylan kaya… “I just have to talk to him about an important matter,” tanging sagot ko sa kaniya. “Like what?” I swallowed the lump on my throat and looked away. “M-Money,” nahihiyang sambit ko. He’s probably thinking why I need money again when I just asked him for some back then. “You don’t have to go and ask him for money.” Agad akong tumingin sa direksiyon niya at kunot-noo siyang tiningnan. “Ask me instead.” Umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. “W-What?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin at malakas na bumuntong hininga. “How much do you need? Just tell me.” “Seryoso ka ba?” I asked him obliviously. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at muling tumingin sa gawi niya. “Ano namang kapalit kung sakali mang bibigyan mo ako ng pera?” Hindi siya kaagad nakasagot kaya’t malakas akong bumuntong hininga. Matapos ang ilang segundo ay saka siya muling nagsalita. “J-Just spend the night with me,” mahinang sagot niya. I immediately rolled my eyes. “Just say that you want my body,” may halong inis na sambit ko. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil parang ang lumalabas, katawan ko lang ang habol niya o dapat ba akong mafluttered dahil alam kong masarap ako… is that even the right term? Muli akong umirap. Hindi pa siya nakuntento noong una, gusto pa yatang sundan. Tsk. “No, it’s not like that.” I glanced towards him when he spoke once again. Malakas siyang bumuntong hininga bago muling tumingin sa gawi ko. Hindi ko naman maiwasang mapalunok nang magtagpo ang aming mga mata. “I mean, I just want you to spend the night with me… accompany me for a while over some drinks. Your presence is enough to calm me down. Would you accept my offer? I promise, I won’t do anything bad to you.” I gulped and looked at him obliviously upon hearing what he said. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD