16

2300 Words
“Anong sabi mo?” Hindi ako makapaniwalang tumingin sa gawi niya matapos marinig ang sinabi niya. I pursed my lips together and immediately shook my head out of disbelief. “N-No. Nagsisinungaling ka, ‘di ba? Sinasabi mo lang ‘yan para hindi ako bumalik sa loob,” I added. Dylan let out a harsh breath before looking towards me. “Mukha ba akong nagsisinungaling? I am not, Clemente. At kung nagsisinungaling man ako, hindi ito ang bagay na gagawin kong biro. I am telling the truth. Mang-aagaw ang kaibigan mo—“ “Aziel is a good guy,” I cut his words off. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nag-iwas ng tingin sa kaniya. He let out a soft chuckle as if he’s mocking me. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at mahigpit na hinawakan ang seradura ng pinto. Isang sabi niya pa na masamang tao si Aziel, hindi na ako makikinig sa kaniya at lalabas na rito. I don’t care about him. Alam kong mabuting tao si Aziel dahil kaibigan ko siya. . . My eyes widened upon remembering something. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto ang sinabi ni Dylan at maging ang sinabi sa akin ni Aziel noon—ang problema na hindi niya matatakasan at siyang ikinagalit ng daddy niya. Sinabi niya sa aking hindi niya alam na may boyfriend pala ang ka-fling niya. Could it be. . . No! Marahas akong tumingin sa gawi ni Dylan sa aking tabi at pinanliitan siya ng mata. “Sigurado ka ba sa ibinibintang mo? Si Aziel talaga ang kabit ni Brielle?” tanong kong muli sa kaniya. Humugot siya ng malakas na buntong hininga at sumandal sa upuan niya. “Ilang beses ko bang uulitin? Nasabi ko na sa ‘yo pero ayaw mong maniwala. Why? Do you like that guy? Kaya ba hindi mo matanggap na inagaw sa akin ng kaibigan mo ang girlfriend ko dahil gusto mo siya? Is that it, Clemente?” Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. I massaged my temples as I firmly closed my eyes to calm down. “Kung siya talaga ang kabit ni Brielle, bakit kasama mo sila noong dumating ako kanina? Nagkabalikan na ba kayo ni Brielle kaya pinipilit niyong si Aziel ang may kasalanan, ganoon ba?” tanong ko pabalik sa kaniya. Tulad ko ay nanatili rin siyang tahimik at hindi sinasagot ang tanong ko. I bit my lower lip and opened my eyes before glancing towards him. “Sinasabi mo bang masamang tao si Aziel dahil inagaw niya ang girlfriend mo? Well for the record, nakakasiguro ako na ang girlfriend mo ang naunang lumapit sa kaibigan ko. Alam naman niya na may boyfriend siya pero lumapit pa rin siya sa iba. Huwag mong isisi lahat kay Aziel ang kasalanang ginawa ng girlfriend mo, maliwanag? Stop being so unfair, Lieutenant,” naiinis na pangaral ko sa kaniya bago ko padabog na binuksan ang pintuan ng sasakyan. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan niya dahil kailangan kong makausap kaagad si Aziel. I need to clarify everything that Dylan just told me. Napakalaking gulo ang pinasok niya! Hindi ba siya nag-iisip? Letche naman. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Dylan mula sa loob ng sasakyan niya ngunit dere-deretso akong naglakad papasok ng bahay ni Aziel. Kung totoo mang si Brielle Clarkson nga ang babaeng tinutukoy niya sa akin noon, bakit hindi niya sinabi sa akin na may komunikasyon na sila noon pa man? Kung hindi niya alam na may boyfriend si Briell, then I could have told him about it! Maiiwasan na sana na mas lalong lumaki ang gulo! “Aziel Monterde! Lumabas ka riyang hinayupak ka!” Malakas na sigaw ko matapos kong pumasok ng bahay niya. Naabutan ko pang nakaupo sa sala si Brielle at umiinom ng tsaa kaya’t masama ko siyang tiningnan. “Nasaan si Aziel?” Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay nagkibit balikat lamang. Mas lalo namang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Is she really THAT unbothered? She just cheated on her boyfriend. . . tapos kung maka-asta siya, parang wala lang? “Kaia, I told you that you shouldn’t—“ “Shut the f**k up,” mariing pagputol ko sa sasabihin ng bagong dating na si Dylan. Hindi ko alam na sinundan niya pa pala ako rito sa loob. “Aziel, bumaba ka riyan! Lumabas ka, kailangan nating mag-usap!” Nakarinig pa ako ng pagsinghap mula sa second floor kaya naman alam kong naririnig niya ako at talagang pinagtataguan niya lamang ako. “Aziel Monterde, isa! Sinasabi ko sa ‘yo, hindi ako aalis hangga’t hindi ka bumababa rito!” I shouted once again. Nang sa wakas ay makita ko na siyang dahan-dahang bumababa ng hagdan at animo’y nag-iingat sa kung ano mang gagawin ko ay ako na mismo angtumakbo palapit sa kaniya. Pumwesto ako sa pinaka-dulong bahagi ng hagdan habang naghihintay na makababa siya. “Kaia, calm down—Aray, putcha! Sabi ko, kumalma ka, hindi ba?!” I scoffed at him while pinching his ear. Hindi ko pinansin ang malakas niyang pag-aray at sa halip ay iginiya ko siya patungo sa may living room kung nasaan si Brielle na nakatingin lamang sa amin at hanggang ngayon ay umiinom pa rin ng tsaa. Letche siya. “Anong calm down calm down? Letche ka, maggigirlfriend ka na nga lang, doon pa sa may boyfriend na! Nakakahiya ka, Aziel!” sermon ko at marahas na binitiwan ang kaniyang tainga. Muli siyang napadaing dahil sa ginawa ko. Sinapo niya ang tainga at nakangiwing tumingin sa akin. “I already explained everything to you, remember? Hindi ko alam na may boyfriend siya,” pagtatanggol niya sa sarili niya kaya’t muli akong humugot ng malakas na buntong hininga. “Kaia naman.” “Huwag mo akong ma-Kaia-Kaia, Aziel. I thought we’re friends? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?!” reklamo ko at humakbang palapit sa kaniya ngunit agad din siyang humakbang palayo na animo’y iniiwasan ako at pinoprotektahan ang sarili. I let out a harsh breath. “Kung sana sinabi mo kaagad sa akin, sana hindi na umabot sa ganito. Kung hindi mo alam na may boyfriend siya, e ‘di sana nasabi ko. Sana nahiwalayan mo na kaagad ‘yang babaeng ‘yan—“ “Excuse me?” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Brielle Clarkson. Kanina pa siya tahimik kaya naman in-expect ko na na magsasalita at aangal siya dahil siya ang pinag-uusapan namin. I heaved a deep sigh and turned my head towards her direction. “What?” I asked in a cold yet menacing voice. Akala niya ba ay madadala ako sa pa-excuse-excuse me niya? Cheater! Akala mo naman kung sino siya pero nag-cheat naman sa boyfriend niya. “For your information, hindi ko pinilit ‘yang kaibigan mo na makipag-relasyon sa akin. He flirted with me. Kung hindi niya sana ako nilandi, hindi ako matetempt na—“ “Ang sabihin mo, makati ka,” pagputol ko sa sasabihin niya. Her lips parted as if she can’t believe what did I just said towards her. Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago ko ibinalik ang aking tingin kay Aziel. “Sa susunod kasi, mag-isip ka muna bago ka gumawa ng mga desisyon mo sa buhay. Look at what you have done. . . gumulo na lahat,” sermon ko pa. To my surprise, pinanliitan niya ako ng mga mata na animo’y may sinabi akong kakaiba. I cleared my throat as I looked away. He’s probably thinking why I’m like this. . . so invested with what happened when in fact, wala naman akong kinalaman sa kung ano man ang nangyari sa kanila. But still, they cheated on Dylan. Nasaktan ‘yong tao dahil sa ginawa nila, ano. There’s no way I’ll stay quiet and defend my friend even though he’s the one at fault. Aziel let out a harsh breath and held my wrist. “Come on, Kaia. Saka na lamang ako magpapaliwanag sa ‘yo kapag kalmado ka na—“ “Kalmado ako,” pagputol ko sa sasabihin niya at sinamaan siya ng tingin. “Mukha ba akong hindi kalmado ngayon, ha?” Hindi siya kaagad nakasagot at sa halip ay ilang beses na kumurap habang nakatingin sa akin. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapairap. “Why are you so hung up, by the way? Ano naman sa ‘yo if may relasyon nga kami ng kaibigan mo?” I firmly closed my eyes when Brielle Clarkson spoke once again. Tumingin ako sa gawi niya at tinaasan siya ng kilay ngunit ngumiti lamang siya sa akin at ibinaba ang hawak na tasa ng tsaa sa lamesa. “What? Bakit ba galit na galit ka? As if naman sa ‘yo si Aziel para magalit ka—“ “Brielle,” pagputol ni Aziel sa dapat ay sasabihin ni Brielle ngunit kahit na putulin niya iyon ay alam ko na naman ang nais itong iparating. I pursed my lips together as I looked away when I felt my jaw clenched. Mas lalo lang akong iniinis ng babaeng ‘to, e. “What? I’m just telling the truth. Tingnan mo nga, oh. Galit na galit sa ‘yo na para bang inagaw kita sa kaniya.” She laughed as if she’s mocking me. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong bumuntong hininga dahil doon. I cleared my throat before I glanced towards her direction. Tulad ng palagi kong ginagawa ay tinaasan ko siya ng kilay na sa halip ay ikatakot niya ay naging dahilan pa ng mas lalong paglapad ng ngiti niya. “Ano ngang sabi mo? Pasensiya na, hindi kasi ako nakikinig sa mga taong cheater. Kung may sasabihin ka, sa iba mo nalang sabihin dahil wala akong panahon sa mga sinasabi mong basura naman. Sa mga kauri mo ka makipag-usap. . . sa mga basurang umaalingasaw na ang baho,” sambit ko at ngumiti sa kaniya. Mula sa tabi ko ay narinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga ni Aziel kaya’t ibinalik ko sa kaniya ang atensiyon ko. “Pipili ka na nga lang ng babae, roon pa sa may sabit at masama ang ugali. Come on, do better, Aziel. Wala akong kaibigang mahilig sa cheap,” I told him before glancing towards Brielle who is already fuming mad. Akala niya siguro ay maiinis niya ako sa mga pasaring niya. No. I am not like that. Hindi ko nga alam kung bakit nagpapakatanga pa sa kaniya si Dylan samantalang harap-harapan na siyang niloloko ng babaeng ‘to. Nakakahiya. . . nakakadiri. Akmang tatalikuran ko na sila para lumabas ng bahay nang muli na namang magsalita si Brielle na mas lalong ikinainit ng ulo ko. “Hindi ka pa rin pala nagbabago, Kaia. You’re still the same,” she trailed off. I inhaled a long breath before I looked at her. Hindi ako nagsalita at sa halip ay hinintay na lamang ang sunod niyang sasabihin. A small smirk etched on her lips as she crossed her arms over her chest. “Insecure ka pa rin sa akin. Sabagay. Ang tagal-tagal niyo na ngang naging magkaibigan ni Aziel pero kahit kailan, hindi ka pa rin niya nagustuhan. Gusto mo rin siya noon, hindi ba? Gusto mo siya pero ako ang gusto niya. Tapos ngayon, kahit na anong gawin mo, hindi ka pa rin niya magustuhan dahil kao pa rin ang gusto niya. Aminin mo na kasi na insecure ka---“ “Bakit ako maiinsecure sa basurang katulad mo?” pagputol ko sa sasabihin niya at taas noo siyang tiningnan. “Don’t ever compare yourself to me because we’re not the same, Brielle Clarkson. I will never cheat. Hindi ako basurang cheater katulad mo, naiintindihan mo ba?” Tumawa siya kaya’t mas lalong naging seryoso ang tingin ko sa kaniya. Akala niya yata at nakikipagbiruan ako sa kaniya, letche siya. “Of course, you will never cheat. Wala namang papatol sa ‘yo kaya hindi ka talaga makakapag-cheat. Why? Dahil si Aziel na gustong-gusto mo, hanggang ngayon, ako pa rin ang gusto.” She laughed again as if she’s enjoying what she’s doing. Umarko lamang angkilay ko at napapantastikuhan siyang tiningnan. “Kaya nga galit na galit ka sa akin kahit noon pa man, ‘di ba, Kaia? Kasi insecure na insecure ka sa akin sa lahat ng bagay. Because you know that I am better than your whole existence.” I let out a soft chuckle as I gave her a small smile. “Hindi mo sure.” “Anong hindi ko sure? Sa inaasal mo ngayon, you just proved that you’re insecure. Kaya nga galit na galit ka noong nalaman mo na may relasyon kami ni Aziel. Sa tagal na wala ako sa tabi niya, hindi ka pa rin niya nagustuhan. Why? Because I am better---“ “Ask your ex-boyfriend then.” I cut her words off. Agad siyang natigilan dahil sa sinabi ko ngunit nginitian ko lamang siya at sa halip ay tumingin sa gawi ni Dylan na kanina pa nakamasid sa amin. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi ako natinag at sa halip ay muling ibinalik ang tingin ko kay Brielle na hanggang ngayon ay animo’y naguguluhan pa rin. I smiled. “Ask your ex-boyfriend if you’re really better than me. Because I’m pretty sure that he’s not satisfied with your performance when you two were together. Sigurado akong mas nag-enjoy sa akin ang ex-boyfriend mo. . . because you. . . “ Muli akong ngumiti at tinapik ang kaniyang balikat. “You will never be better than me, honey. You know why? Because you will never be me.” --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD