“Hey! Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” Malakas na sigaw ko at pilit na iwinaksi ang aking braso sa kaniya ngunit sa halip na bitiwan ay mas lalo niya lamang hinigpitan ang hawak niya roon at para bang ayaw akong paalisin.
Mas lalo akong napasinghap nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan. He turned his head towards my direction. His bloodshot eyes immediately met mine. “Sakay,” malamig na utos niya.
I rolled my eyes and shot a brow up. “Bakit naman ako sasakay diyan? Hindi mo ba nakikita na may kausap akong tao?” Inis na tanong ko sa kaniya at muling pilit siyang pinabitaw. “Bitiwan mo ako dahil babalik ako sa loob.”
He let out a sharp breath, making me gulped. “Papasok ka sa loob o ako mismo ang magsasabi sa dalawang ‘yon kung anong nangyari sa ating dalawa?”
Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “Baliw ka na ba?!”
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay muling tumingin sa nakabukas na pintuan ng kotse. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at walang nagawa kung hindi ang sumuko. “Bitiw. Papasok na ako, hindi mo na ako kailangan pang hawakan,” naiinis na utos ko at tinaasan siya ng kilay.
“Kapag tumakas ka na naman—“
“Hindi nga,” I immediately cut his words off and rolled my eyes. “Papasok ako sa loob.”
Mariin niya muna akong tiningnan na animo’y sinusuri ang ekspresyon sa aking mukha. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang taasan siya ng kilay bilang tanda na hindi ako natatakot sa kaniya. Why is he acting like this in the first place? Kakausapin ko lang naman si Aziel!
Malakas siyang bumuntong hininga at sa wakas ay binitiwan na ang aking kamay. “Pasok,” malamig na utos niya sa aking muli.
I scoffed and rolled my eyes on him before I went inside the car. Naupo ako sa passenger seat bago tumingin sa kaniya na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa labas. “Ano? Papasok ka pa ba o hindi?” I asked him.
Lumingon siya sa akin at kapagkuwan ay napailing. Isinara niya ang pinto at umikot sa harapan para umupo sa driver seat. Nang maisara niya ang pinto sa kabilang gilid niya ay saka ako prenteng sumandal sa upuan at ipinagkrus ang aking dalawang braso.
“Ano bang problema mo?” Naiinis na tanong ko sa kaniya at hindi pa rin tumitingin sa gawi niya.
He let out a harsh breath. “Hindi ba’t ako dapat ang magtanong sa iyo ng ganiyan?” pagbabalik niya sa akin ng tanong.
I rolled my eyes in return. Tinatanong niya ba kung ano ang problema ko? Puwes, malaki.
“Malaki,” mahinang sagot ko at marahas na lumingon sa kaniya. “Kaya kung puwede ba, hayaan mo na ako at papasukin sa loob nang matiwasay. I need to talk to Aziel—“
“Who is he in your life?” He cut my words off.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hindi agad nakasagot sa tanong niya. “Lieutenant—“
“Dylan,” he immediately corrected me, making me roll my eyes. “I told you that you should call me Dylan, right?”
“Fine, fine. Ang sinasabi ko lang naman, hindi mo kailangang malaman kung sino siya sa buhay ko o ano. Why does that even bother you? Ano naman sa ‘yo kung may problema ako at gusto kong pumasok para kausapin si Aziel? Bakit ba big deal na big deal sa ‘yo?”
Hindi siya agad sumagot at sa halip ay hinilot lamang ang kaniyang sintido. Malakas naman akong bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Paano ko malalaman ang problema niya sa akin kung ayaw naman niyang sabihin?
He’s annoying.
“Are you pregnant?”
Muntik na akong mabuwal sa aking kinauupuan nang bigla siyang nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata at marahas na tumingin sa direksiyon niya. “Lasing ka ba?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
He groaned. “I’m asking you.”
“Gago, mukha ba akong buntis?!” sigaw ko sa kaniya at wala sa sariling napatingin sa aking tiyan. “Mapayat pa rin naman ako, ah?”
Dylan let out a harsh breath while shaking his head. Muli naman akong tumingin sa gawi niya at sinamaan siya ng tingin. “Saan mo naman nakuha ‘yang tanong mo na ‘yan?” I asked him once again.
“Sabi mo may problema ka at kailangan mong makausap si Aziel so I assumed that—“
“You’re unbelievable,” pagputol ko sa sasabihin niya at hindi makapaniwalang napailing. “Puwede ka ng maging writer dahil sa imagination mo.”
“What? Ano pa bang iisipin ko bukod doon? Ang tagal mong nawala, who knows, baka siya na pala ang kasama mo?” He asked with a hint of frustration from his voice.
I rolled my eyes and crossed my arms over my chest once again. “Duh! Something happened to us a couple of weeks ago. Anong tingin mong ginawa ko? Nakipaglandian doon kay Aziel, ganoon ba? You’re hurting my pride, Lieutenant Fontanilla. Wow. Just because your ex-girlfriend is a cheater, that doesn’t mean that I am, too.”
My palm balled into fist while saying those words. Nababaliw na ba siya? I was busy taking care of my grandmother!
“That’s not what I mean—“
“It is!” Naiinis na pagputol ko sa sasabihin niya. “Ang pinapalabas mo, cheater din ako—“
“That guy that you just hugged is a f*****g cheater, too, Kaia!”
Hindi ko mapigilang matigilan dahil sa ginawa niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya. My lips quiver in fear as I subtly turned my gaze away from him to hide that I am nervous and afraid at the same time.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang ikalma ang sarili ko. I need to remain compose or else, he’ll think that I am weak.
“Hindi ko sinasadyang sigawan ka.” Kinagat ko ang aking ibabang labi nang matapos ang ilang minuto ay muli siyang nagsalita. Hindi pa rin ako tumingin sa gawi niya at nanatiling nakatingin sa harapan. “I was just mad.”
I remained silent.
“I just. . .” Malakas siyang bumuntong hininga kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. “I just want you to stay away from that asshole.”
Agad na umarko ang kilay ko at taka siyang tiningnan matapos marinig ang sinabi niya. “What did you say? Did you just call Aziel an asshole?” Hindi makapaniwalang tanong ko. I heaved a deep sigh and massaged my temple. “What made you call him that?”
“Because he is!” He shouted once again, making me shocked. Muli akong napalunok at nag-iwas ng tingin. I am used to him being grumpy and cold but I don’t think I can ever be used to him mad and yelling at me just like what he’s doing right now.
Sumandal ako sa upuan ng kotse niya at mariing ioinikit ang aking mga mata upang kahit papaano ay maikalma ko ang aking sarili. “You don’t have any right to judge him. Kahit pulis ka pa o ano, wala kang karapatang siraan siya sa akin, naiintindihan mo ba? I know him. . . kilalang-kilala ko si Aziel at hindi siya masamang tao tulad ng sinasabi mo. Wala akong pakialam sa kung ano mang sasabihin mo so please, let me go. Palabasin mo na ako dahil kailangan ko siyang makausap. I need to tell him something—“
“What is it?” I frustratedly covered my face with my palm when he cut my words off.
Marahas akong tumingin sa direksiyon niya at seryoso siyang tiningnan. “Ano bang pakialam mo kung ano man ang sasabihin ko sa kaniya? Come on, Lieutenant Fontanilla. Nagmamadali ako at kailangang makausap ko siya kaagad. Wala akong panahon sa kung ano mang away sa pagitan niyo ni Aziel o ng girlfriend mo—wala akong pakialam. Naiintindihan mo ba, ha?” padabog kong sinubukang buksan ang pintuan ng sasakyan ngunit mariin lamang akong napapikit nang naka-lock pa rin iyon.
“Open the goddamn door, Dylan Fontanilla!” Inis na utos ko ngunit hindi pa rin siya kumilos at nanatiling mahigpit ang hawak sa manibela habang nakatingin sa harap namin.
I can’t help but to utter a gasp when he suddenly starts the engine. “Ano bang problema mo?!” sigaw ko at bumaling ng tingin sa kaniya.
“You can’t meet him. That man is a disgusting piece of s**t, Clemente. Sumunod ka na lang—“
“Aziel is my friend!” angal ko at mas lalong pinilit na buksan ang pintuan ng sasakyan. “Wala kang karapatan para pagsabihan ako kung sinong tao ang gusto kong kausapin o kaibiganin, naiintindihan mo ba?”
Agad akong natigilan nang maramdammang sa wakas ay hindi na naka-lock ang pintuan ng kotse. I glanced towards Dylan’s direction and to my surprise, he’s also looking at me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at akmang lalabas na para muling pumasok sa bahay ni Aziel nang matapos ang ilang segundong katahimikan ay nagsalitang muli si Dylan na siyang agad na ikinapang-laki ng mata ko.
“Kabit ni Brielle ang sinasabi mong kaibigan mo. Now, tell me, is he a good person when he ruined my relationship? Tell me, Kaia.”
--