14

2658 Words
“Lola, babalik muna po ako ng Maynila para kumuha ng pera. Babalik po ako rito kapag puwede nap o kayong i-discharge,” mahinahong pagpapaalam ko kay Lola habang hawak ko ang kaniyang mga kamay. Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit tipid ko lamang siyang nginitian. “Si Ate Belle po muna ang bahala sa inyo habang wala ako. K-Kailangan ko pa po kasing bumalik ng Maynila dahil may mga bagay pa po akong kailangang ayusin pagbalik ko roon. T-Tatawag naman po ako araw-araw para makausap kayo k-kaya huwga po kayong mag-alala. Bibisita pa rin po ako rito palagi,” dagdag ko pa at muling hinalikan ang taas ng kaniyang mga palad. A small smile etched on her dry lips as she slowly nod her head in return. Dahil doon ay hindi ko rin mapigilang mapangiti. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at marahang hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Nang humiwalay ako sa kaniya ay saka ako lumingon kay Ate Belle na nasa isang sulok lamang at inoobserbahan kami ni Lola. Tipid ko siyang nginitian. “Ate Belle, ikaw na muna ulit ang bahala kay Lola, ha? Kapag may problema, tawagan mo agad ako. Tatawag at makikipag-video call din ako araw-araw habang nasa Maynila ako para kumustahin si Lola,” bilin ko sa kaniya. Marahan siyang tumango at lumapit sa puwesto namin ni Lola. Tinapik niya ang balikat ko at tipid akong nginitian. “Ako na ang bahala sa Lola mo. Balitaan mo na lamang ako kung ano man ang mangyayari sa Maynila pagbalik mo roon. H-Hindi naman kami nagmamadali,” bilin niya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango at tipid siyang nginitian kahit na ang totoo, parang mababaliw na ako sa kakaisip kung saan ako maaaring kumuha ng pera sa Maynila. Ilanga raw at gabi kong pinag-isipan ang bagay na ‘to dahil una palang, hind naman ako sanay na mangutang sa ibang tao. I lived a lavish life since I was born. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam nang walang makuhanan ng pera—parang nakabaon sa hukay ang isa kong paa dahil sa takot at pangamba nab aka wala akong makuhanan. Hindi puwedeng wala dahil paano na si Lola kung sakali man na wala nga akong makuhanan? I can’t let her stay here for too long. At isa pa, mas lalong tataas ang bill niya sa hospital kung mas matagal siyang mananatili rito. I don’t have that much money anymore. Naghihirap na ako. I let out a harsh breath before turning my head towards my grandmother. Tinulungan ko siyang humiga nang ayos sa kama at nang maayos na siyang nakahiga at kumportable na, saka ko ibinalik ang tingin ko kay Ate Belle. “Ikaw na muna ang bahala kay Lola, huh? A-Alagaan mo siyang mabuti habang wala ako. G-Gagawa ako ng paraan para maayos na ang lahat. J-Just wait here and trust me, all right?” Dahan-dahan siyang tumango kaya’t kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. I stole a glance towards my Lola’s direction before I head outside her room. Tulad nang unang pagpasok ko roon, mabibigat pa rin ang bawat hakbang ko palabas ng kaniyang silid. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay na balita sa akin sa oras na bumalik na ako sa Maynila. Hindi ko alam kung kanino ako maaaring tumakbo bukod kay Aziel na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-contact dahil baka hindi niya pa rin naaayos ang problemang ginawa niya na sinabi niya sa akin noon. Hindi niya pa rin sinasabi kung naoi yon kaya naman hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin o asahan. Maayos pa ba ang problema niya? Matutulungan niya pa kaya ako? My thoughts were filled with money and worry on my way back to the city. Pakiramdam ko ay kahit na ano mang oras, sasabog ang ulo ko sa kakaisip. Parang kaunti na lamang ay mababaliw na ako. Dumiretso ako sa bar kung saan ako tumutuloy at sakto namang binati ako ng mga staffs doon na mukhang nagtaka rin kung saan ako nagpunta nitong mga nakaraang araw dahil wala akong pinagsabihan kahit isa. “U-Uh, h-hinanap ba ako noong kasama ko noon? S-Si Dylan Fontanilla?” tanong ko sa staff na kasabay ko paakyat ng hagdan. Her brows arched an inch as if she’s trying her very best to remember. Mayamaya pa ay nagliwanag ang mukha niya at agad na tumingi sa gawi ko. Sunod-sunod siyang tumango. “Ilang araw siyang bumalik, Ma’am at tinanong kung nasaan ka kaso sabi namin, wala ka pa rin dito at hindi pa bumabalik. Tumigil na siya sa pagpunta rito noong isang araw. Hindi ko na po nakita,” mabilis at animo’y siguradong-sigurado na sagot niya sa akin. I pursed my lips together and slowly nod my head in return. Hindi mapigilang bumilis ng t***k ng puso ko dahil doon. Bakit siya bumalik at hinahanap ako? Dahil ba sa pera o. . . Malakas akong bumuntong hininga at marahang napailing upang pigilan ang tumatakbong teorya sa aking isipan. I don’t want to assume. Iyon ang bagay na pinaka-iniiwasan kong gawin matapos ng nangyari sa amin noon. Sabi nga ng staff, tumigil na siya sa pagpunta rito. Baka nga. . . baka nga nakalimutan na niya ako kaagad kaya hindi na siya bumalik. I am not that interesting for him so I bet he won’t even bother remembering me. Hindi ko naman maiwasang manghinayang sa kulang niyang bayad sa akin. Dapat kasi kinuha ko na nang buo sa kaniya para hindi na ako namomroblema kung paano kukunin sa kaniya iyon. Baka hindi niya na ako maalala at hindi niya na ibigay sa akin ang utang niya. Nakakahiya naman kung sisingilin ko siya tapos nakalimutan na pala niya ako. I already lost my virginity to him. . . ayaw ko nang mapahiya pa. “Ma’am, heto po ang susi,” untag sa akin ng staff nang makarating kami sa third floor. Iniabot niya sa akin ang susi ng kuwarto kaya’t wala sa sarili akong napatingin doon. “Naiwan niyo po kasing hindi naka-lock ang pinto niyo kaya inilock na po namin para inyo dahil baka po may ibang pumasok habang wala kayo.” Napatango ako dahil sa pagpapaliwanag niya. Mabuti na nga lamang at sinaraduhan nila dahil kung hindi, baka nawala na ang mga gamit ko. Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagpasalamat bago ako naglakad patungo sa silid. Nang buksan ko ang pinto ay ayos pa rin naman ang kuwarto. Dali-dali akong nagtungo sa closet ko at inilabas halos lahat ng aking mamahaling bag. Nagtira lamang ako ng dalawa na maaari ko pang magamit. Inihilera ko ang mga bag sa kama at malungkot iyong tiningnan. “Bye bye,” mahinang bulong ko sa mga ito. I’ve been collecting bags and other girly stuffs since I was young. Wala namang ibang ibinibigay sa akin si Daddy kung hindi pera kaya’t ginamit ko na ang pagkakataong iyon para maglustay ng pera at bumili ng samu’t-saring bag na alam ko naman ay hindi ko na gagamitin pa. As much as I don’t want to give them away, I still had to. Mas mahalaga ang buhay ng Lola ko kaysa sa mga bag na ito. I need money to help her. At kung ang mga bag na ‘to lamang ang makapagbibigay sa akin ng pera, walang pag-aalinlangan ko ang mga itong ibebenta. Inilagay ko sila isa-isa sa dust bag. Nang maayos ang mga iyon ay dumako naman ang mga mata ko sa aking mga sapatos. I can’t help but to sob out of sadness and disappointment. Hindi ako makapaniwala na pakakawalan ko ang mga bagay na ‘to. Never in my entire life that I imagined that I’ll live a life like this. Tangina, ipon ko ‘yon, e. I wiped my tears with the back of my hand as I tried to pull myself together. Alam kong inaasahan na rin naman nina Tita Aurora at Daddy na ganito ang mangyari sa akin, napaaga nga lamang at masyadong naging mabilis. Iniisip nila na balang araw, babalik ako sa kanila at hihingi ng tulong dahil wala na akong pera. But no. Magkamatayan man, hinding-hindi na ako babalik pa sa poder nila kailanman. Yes, I considered going back. Pero ipaglalaban ko kung ano ang ninakaw nila sa akin. Hindi na ako babalik pa sa buhay na nakakulong at limitado lamang ang mga galaw dahil sa kanila. If I have to work ahrd and live my life like this, then I will. Gagawa ako ng paraan para maayos ko ang lahat nang ako lamang mag-isa at hindi humihingi ng tulong kina Daddy o kaya ay kay Tita Aurora. Inilagay ko sa kaniya-kaniyang box ang mga sapatos ko matapos kong picture-an ang mga iyon. Kumuha rin ako ng ilang alahas ngunit hindi ko kinuha lahat dahil baka kailanganin ko pa ang mga iyon sa hinaharap. Who knows, baka mas lalo pa akong maghirap. . . na huwag naman sanang mangyari pa. Matapos picture-an ang mga gamit na maaaring ibenta, inayos ko na sila sa isang sulok para mas madali kong makuha kung sakali mang may bumili na. Alam ko naman kasi na madali kong mabebenta ang mga gamit na iyon dahil bukod sa mamahalin, mahirap pang hanapin ngayon. Basta ang mahalaga, hindi nila malaman na ako ang nagbebenta. Nakakahiya mang aminin, malamang sa malamang ay galing lang din sa mga ninakaw ni Daddy noon ang perang ipinambili ko ng mga gamit na iyan. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako ang nagnakaw. Hindi ko naman inutusan si Daddy na gawin ang bagay na iyon. S-Saka isa pa. . . kailangan ko rin ng pera. Kapag hindi ko ibinenta ang mga gamit na ‘to sa iba, paano na si Lola? Wala na akong ibang pagkukuhanan pa ng pera. My degree is useless now. I’m sure that they won’t hire me anymore. A Political Science graduate whose father is a politician who steals people’s money? Wala na. Wala ng tatanggap pa sa akin ngayon. Inihilamos ko ang aking palad sa mukha out of too much frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Malakas akong bumuntong hininga at kinuha ang aking telepono upang i-message si Aziel. Wala na akong ibang kaibigan pa bukod sa kaniya kaya’t wala na akong ibang malalapitan pa. Hindi ko alam kung sasagot siya sa mensahe ko ngayon dahil baka inaayos niya pa rin ang problema niya pero wala akong choice kung hindi ang tawagan siya. Wala na akong ibang mahihingan pa ng tulong bukod sa kaniya. To: Aziel Monterde I need help. Muntik ko nang masampal ang sarili ko dahil sa mensaheng ipinadala ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang mag-alala na baka ang dami na nga niyang pinoproblema tapos daragdag pa ako sa problema niya dahil humingi ako sa kaniya ng tulong. I don’t want to become a burden to him. Akmang tatayo na sana akong muli sa aking kinauupuan nang malakas na tumunog ang aking telepono tanda na may tumatawag. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pangalan ni Aziel sa caller ID. “Kaia? Where are you? Are you all right?” bungad na tanong niya sa akin nang sagutin ko ang tawag. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag. Finally! Thank God! “Akala ko hindi na kita makakausap pa, gagi ka,” reklamo ko kaagad. He let out a sharp breath. “I just got my phone back yesterday. I was about to call you today when I saw your missed calls. Bakit ka tumawag? May nangyari bang masama?” “I’ll just explain in person. Puwede ba akong pumunta riyan sa bahay mo or. . .” “You can come here,” agad na pagputol niya sa sasabihin ko. “Ako lamang ang tao rito.” Dahil sa sinabi niya ay muli na naman akong nakahinga nang maluwag. Salamat sa Diyos! Minsan kasi ay naroon sina Tito o si Tita kaya’t hindi kami makapag-usap nang maayos ni Aziel. Nakakahiya rin naman na umalis doon nang kami lamang dalawa ni Aziel habang naroon sila. “All right, all right. I’ll go there. Hintayin mo na lamang ako riyan, saglit lang ako.” “Uh-huh,” tanging sagot niya kaya’t agad ko nang pinatay ang tawag. Nagmamadali ko namang kinuha ang bag ko maging ang susi ng aking kotse at patakbong lumabas ng aking silid. I made sure that I locked my door before I finally left the place. Sinabihan ko rin ‘yong nakausap kong staff kanina na aalis ako kaya’t bantayan ang kuwarto kung sakali mang may magtangkang magbukas niyon. Mahirap na, mas lalo akong mawawalan ng pera kung mananakawan pa ako. Dali-dali akong sumakay ng kotse at nag-drive patungo sa bahay nina Aziel. Sa kasamaang palad, traffic kaya’t mas lalo akong natagalan sa pagmamaneho kahit na ang sabi ko kanina kay Aziel ay mabilis lamang ako. Iisipin na naman niya na scammer ako. Hindi naman ako totally mangungutang sa kaniya. Hindi naman iyon ang dahilan ko kung bakit pupunta ako sa bahay niya. Magpapatulong lamang ako sa pagbebenta ng damit ko dahil sigurado mabilis niyang mabebenta iyon kapag siya ang nagbenta. Agad akong nagpakawala ng malakas na buntong hininga nang makarating ako sa bahay niya. My brows immediately drew in a straight line when I saw a two unfamiliar cars parked on the other side of the road. Kaninong kotse ang mga iyon? Bakit nakaparada sa mismong harapan ng bahay ni Aziel? Nakabukas na ang gate kaya’t nag-park ako sa loob ng garahe niya. Talagang ipinasadya niya iyong space na iyon para sa akin kaya’t hindi na ako nag-alinlangan pa na mag-park doon at hindi na pinansin ang dalawang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa labas ng bahay. I reached out for my bag and immediately went out of my car. Walang pag-aalinlangan din naman akong pumasok sa loob ng bahay dahil kabisado ko na ang bahay niya. Medyo nakakapanibago lamang dahil medyo matagal din mula nang pumunta ako rito dahil sa problema niya at problema ko. “Kaia, you’re here,” bati ni Aziel sa sala. Tumayo siya at kumaway kaya’t agad akong napangiti. May isang babae at lalaki na nakaupo sa harap niya ngunit hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod sila at nakaharap kay Aziel. Hindi ko na sila pinansin pa at patakbong naglakad patungo sa gawi ni Aziel. He spread his arms wide as if he’s welcoming me. Napairap naman ako dahil doon pero yumakap pa rin ako at mahinang tumawa. “I missed you. Akala ko hindi na ako makapupunta pa rito,” natatawang sabi ko at humiwalay sa kaniya ng yakap. “Sabi ko naman sa ‘yo na ako ang dadalaw. Where have you been? Sabi ng mga empleyado ni Atlas wala ka raw doon nang tinanong ko kung nasaan ka kahapon,” he asked casually. I let out a harsh breath and lifted my shoulder in a half shrug. “Something important came up. I’ll just explain it later kapag—“ Agad na nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ko kung sino ang dalawang tao na kasama ni Aziel. Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang magtagpo ang aming mga mata. He scoffed as he rose up from his seat. “Dylan,” Brielle called him in a low voice. And yes, that’s right. Aziel is with Dylan and Brielle. Fuck. Sa halip na tumingin sa kasintahan ay naglakad patungo sa gawi namin ni Aziel si Dylan at hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa akin. I swallowed the lump on my throat out of nervousness but my jaw immediately went slack when he held my wrist and pulled me outside the house without saying a single word. Lumingon ako kay Aziel at Brielle ngunit hindi sila sumunod sa amin palabas at kapwa lamang nakakunot ang noo at animo’y hindi makapaniwala sa ginawang paghila sa akin ni Dylan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD