“W-What about Lola? M-May nangyari bang masama?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya, my lips were quivering in fear.
“’Yong Lola mo kasi, Kaia, a-ano. . . inatake sa p-puso.”
Tila tumigil ako sa paghinga nang marinig ang sinabi niya. Para akong tinakasan ng bait dahil hindi nagsisink in sa utak ko ang narinig ko. I swallowed the lump on my throat as I held my chest.
“W-What happened? B-Bakit inatake? A-Ayos. . . ayos l-lang ba ang Lola ko?” sunod-sunod na tanong ko.
My eyes immediately swam with tears just by thinking about it. I covered my lips with my palm to suppress any kind of sob. “A-Ayos lang ba si L-Lola?” I asked once again while trying my best not to break down.
I was just feeling well a while ago! B-bakit. . bakit ngayon pa?
“Hindi pa siya nagigising p-pero sabi ng doctor, hindi pa raw pwedeng makampante. Hindi k aba muna pwedeng umuwi rito kahit saglit lang? Hindi ko alam ang gagawin sa hospital—“
“Uuwi ako riyan,” mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya at marahas na tumayo mula sa aking kinauupuan. “P-Pupunta kaagad ako riyan. J-Just please, take care of her while I’m away. M-Mabilis lan ako.”
I roamed my eyes around the room before my gaze landed on the bed side table. Dali-dali akong tumakbo palapit doon at agad na kinuha ang perang inilagay ko roon. Wala akong ibang pera pero. . .
“H-Hintayin niyo lang ako riyan. K-Kapag may emergency na nangyari, t-tawagan mo lang ako, h-huh? Tawagan mo ako,” bilin ko at dali-daling inilagay ang pera sa bag na maaaring dalhin paalis.
“Pero bilisan mo, Kaia. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga doctor at nurse. Baka mamaya malala na pala—“
“Don’t say that, Ate Belle!” Umiiyak na pigil ko sa kaniya. Malakas akong humikbi at mabilis na umiling kahit na alam ko naman na hindi niya ako nakikita. “W-Walang masamang mangyayari sa Lola ko. M-Maybe she was just stressed that’s why she passed out. A-Ako ang bahala, okay? M-Mabilis. . . mabilis lang ako, I promise.”
Matapos niyon ay agad ko ng pinatay ang tawag. I immediately put my money and phone on my bad and grabbed my car key. Hindi ko alam kung paano ako nakababa mula third floor hanggang first floor gamit ang hagdan nang ganoong kabilis.
I just ran until I reached my car. Dali-dali akong sumakay habang umiiyak. My tears were blurring my vision while I’m trying to insert my car key. “Come on. Kaia. Calm the f**k down,” I whispered to myself, trying my best not to panic. Marahas kong pinunasan ang luhang bumagsak sa aking pisngi.
I cleared my throat and tried my best to fix my posture. Hindi ako maaaring umiyak. I can’t break down right now. Akon a lamang ang inaasahan ni Lola. Ano na lamang ang mangyayari kung bumigay at sumuko ako ngayon? Walang mag-aalaga sa kaniya. I can’t lose her. I already lost my Mommy. . . hindi ako papayag.
Kahit na mahirap, I tried to pull myself together and tried my best to stay calm. Dali-dali kong inistart ang kotse at nagdrive. Wala akong ibang nasa isip kung hindi si Lola. Hindi ko tuluyang maisip na habang mahimbing ang tulog ko kanina, may masama na palang nangyayari sa kaniya.
At ngayon pa na wala akong pera?!
I don’t know how I managed to pull myself together. Basta hindi ko na namalayan nan aka-park na ako sa parking lot ng hospital kung nasaan naka-confine si Lola. Gustong-gsuto ko ng lumabas pero tila pinipigilan ako ng katawan ko na gawin iyon. I felt like hyperventilating and crying at the same time. Parang mamatay ako sa kaba habang iniisip kung anong maaaring bumungad sa akin sa loob.
Malakas akong bumuntong hininga at kinuha ang dala kong bag sa aking tabi bago lumabas ng kotse. I immediately bit my lower lip out of nervousness. Kinakabahan at nagpapanic man ay patakbo akong pumasok sa loob ng hospital.
“N-Nurse, nasaan si Adelia—“
“Kaia! Kaia!” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sa nurse nang marinig ang boses ni Ate Belle. I roamed my eyes around the place and saw her waving her hands on me. Humugot muna ako ng malakas na buntong hininga bago ako tumakbo palapit sa kaniya.
Sinuri ko ang ekspresyon sa mukha niya at agad akong kinabahan nang makitang pugto ang kaniyang mga mata na animo’y kagagaling lamang sa pag-iyak. My chest fell and rose with rapid breaths when I got close to her.
“Nasaan si Lola?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Pinunasan niya ang pisngi bago nag-angat ng tingin sa akin. “N-Nasa loob na ng kuwarto niya at nagpapahinga. K-Kinausap ako ng doctor pero hindi ko naman naintindihan—“
“Bakit ba siya inatake sa puso? Npaagod ba? Nagulat? Alam mo naman na hindi siya puwedeng matakot o magulat,” sermon ko at hinilot ang aking sintido.
“Nanonood lang naman siya ng balita kanina noong iniwan ko para magtimpla ng kape. Noong bumalik ako, nakahawak na siya sa dibdib at hindi raw makahinga. Hindi ko alam kung ano man ang napanood niya kasi balita lang naman ‘yon—“
“A-Anong sabi ng doctor? Kailangan ba siyang operahan? O kailangan niya pang manatili rito sa hospital? Traffic kasi k-kaya nagtagal ako. Kakausapin ko na lamang ulit ang doctor kung hindi mo naintindihan,” I asked and let out a harsh breath.
“Ayos na naman daw si Manay Adelia,” she said in a low voice, almost a whisper, but enough for me to hear.
Agad na nagtagpo ang aking mga kilay at nagtataka siyang tiningnan. “Ayos na naman pala si Lola, e. Bakit ganyan ka? Pinag-alala mo ako kasi akala ko, delikado na ang lagay ni Lola. Alam mo bang kung hindi ako nag-ingat sa pagd-drive at pinigilan ang sarili ko sa pag-iyak, baka sumama na rin ako kay Lola rito sa hospital,” I frustratedly remarked while shaking my head out of disappointment.
“K-Kasi naman Kaia. . . ano kasi. . .”
I turned my head back towards her direction, waiting for her to continue her sentences.
“M-Mapapaiyak ka rin naman kasi kapag nakita mo ‘yong bill sa hospital,” she added.
Agad akong natigilan matapos marinig ang sinabi niya. I swallowed the lump on my throat as I roamed my eyes around the place. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saang hospital niya dinala si Lola.
“Ate Belle!” sigaw ko at ibinalik ang aking tingin sa kaniya. “Bakit naman sa private na hospital mo dinala si Lola?”
Inihilamos niya ang palad sa mukha na animo’y napagtanto ang ginawa niya. I racked my finegrs trhough my hair as I heaved a sigh to calm down. “Wala akong pera ngayon, Ate Belle.”
“K-Kasi naman nagpanic ako kanina. T-Tapos inatake siya sa puso kaya s-sa pinakamalapit ko siyang hospital dinala. . . rito. K-Kaso nga lang mahal,” mahinang sagot nya.
Humigpit ang hawak ko sa dala kong bag na walag ibang laman kung hindi ang Twenty Five Thousand Pesos na binigay sa akin ni Dylan kaninang umaga. s**t. Bakit ba kasi hindi ko pa kinuha nang buo ang pera kanina? Kung kinuha ko sana ‘yon, e ‘di sana, hindi na ako mahihirapan ngayon.
“K-Kasya na naman siguro ang Fifty Thousand Pesos, hindi ba?” Lumingon ako kay Ate Belle ngunit hindi siya agad nakasagot. Sa halip, napansin ko ang paglunok at pag-iwas niya ng tingin sa akin. “F-Fifty Five?” I asked once again.
Marahan siyang umiling at mas yumuko. “M-Mas mataas pa. . .”
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Kanino naman ako hihiram ng ganoong kalaking pera?
“T-Tapos may mga gamot din siyang kailangang inumin. . . m-mahal,” she added.
I gulped. “Mahal?”
Marahan siyang tumango kaya’t mas wala sa sarili kong hinilot ang aking ulo. “’Yong babayaran lang kasi ang naintindihan ko kanina kaya. . . k-kaya alam ko na sobrang mahal.”
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Kung hindi naman niya kasi nadala rito kaagad si Lola, baka tuluyan nan gang may masamang mangyari sa kaniya. She only did what she think is the best for my grandmother.
Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga at ibinalik ang tingin sa knaiya. “Ako na ang bahalang maghanap ng pera. Huwag ka ng mag-alala,” mahinahong sabi ko sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at agad kong nakita ang takot sa kaniyang mga mata. “B-Bawasan mo na lamang ang suweldo ko—“
“Salamat sa pagligtas kay Lola,” I cut her words off and gave her a small smile. “N-Nasaan ba ang kuwarto niya? I want to check her condition. N-Nag-aalala pa kasi ako.”
She pursed her lips together as if she’s trying her best not to burst out of crying. Malakas siyang bumuntong hininga at nagbaba ng tingin. “N-Nasa may dulo. P-Pangatlo sa dulo ng hallway,” mahina at nahihiya niyang sagot.
I slowly nod my head and lightly tapped her shoulder. “S-Salamat ulit, Ate Belle,” I said in a low vopice and turned my back on her to go to Lola’s place.
A tear fell from my eyes but I immediately wiped it with the back of my hand. Parang sasabog ang ulo ko sa pag-iisip kung saan ako maaaring kumuha ng perang pambayad dito sa hospital para makalabas si Lola. Wala akong pera bukod sa ibinigay ni Dylan sa akin kaninang umaga.
Mabibigat ang bawat hakbang ko patungo sa silid kung nasaan si Lola. Kahit na alam ko nan a maayos na ang lagay niya, hindi ko pa rin mapigilang matakot at kabahan. She’s already old. Natatakot ako na baka kapag naulit na naman ang bagay na ‘to, baka tuluyan na siyang kuhanin ng mundo sa akin. I’m not ready and I will never be ready.
I heaved a deep sigh and cleared my throat while holding the doorknob of her room. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniya na hanggang ngayon, namomroblema pa rin ako o may pinagdaraanan ako. Ang alam niya. . . ang alam niya sa bahay pa rin ako nakatira at may pera. Hindi niya alam ang ginawa nina Tita Aurora at Daddy sa akin kahapon.
“’La,” I called her right after I opened the door.
Nakasandal siya sa headboard ng kama habang may nakakabit na kung ano-ano sa katawan. She looks so weak and fragile right now. Despite her condition, she slowly turned her head towards my direction. Nang makita ako ay agad na may sumilay na tipid na ngiti sa kaniyang mga labi.
“K-Ka. ... Kai—“
I bit my lower lip to suppress my tears when she can’t even pronounce my name maybe because of tiredness.
Malapad akong ngumiti sa kaniya bago naglakad palapit. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama niya at agad na kinuha ang kaniyang palad. I took my lip in between of my teeth to calm down while holding her hand.
“P-Pasensya na po kung ngayon lang ako nakarating, ‘La. H-Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa lahat,” mahinang sabi ko at marahang hinalikan ang kaniyang palad. “Basta magpagaling ka, huh, ‘La?”
Hindi siya sumagot kaya’t mas lalo kong kinagat ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko sap ag-iyak. Nakausap ko pa siya sa telepono noon nang maayos tapos ngayon, hinang-hina na siya.
“S-Sabi ni Ate Belle, nanonood daw po kayo ng TV k-kaya kayo inatake. ‘La naman, I told you to take care of yourself,” I nagged as I closed my eyes to stop myself from crying. “H-Hindi ko kayo maaalagaan dahil nasa malayo ako. A-Ang sarap-sarap ng tulog ko t-tapos kayo. . .”
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang maramdaman ang isa niyang palad sa taas ng aking ulo. She gently pat my head as if she’s consoling me. Because of what she did, tears immediately streamed down my cheeks. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay agad na nagtuluan nang dahil sa simpleng ginawa niya.
I told myself that I don’t want to cry in front of her. Gusto ko na maging malakas para kahit papaano, may mapagkuhanan siya ng lakas. I really tried not to cry but I just found myself sobbing loudly like a child, breaking down.
“I-I was so worried. Alalang-alala ako sa ‘yo, ‘La,” mahinang sumbong ko at mas yumuko habang hawak pa rin ang isa niyang kamay. “T-Takot na takot ako kanina. A-Ayaw ko na ulit maranasan ‘yon, ‘La k-kaya. . . kaya m-magpagaling ka, huh?”
Sa halip na sumagot ako ay marahan niya lamang na hinaplos ang aking buhok kaya’t mas lalo akong naiyak at nagpatuloy sa pagsasalita. “Y-You can’t leave me yet, Lola. H-Hindi pa, o-okay? K-Kaya magpalakas ka k-kasi malulungkot ako. . . m-mamamatay din ako kapag bigla kang n-nawala. S-Susunod ako sa ‘yo, ‘La, sinasabi ko sa ‘yo. Hindi ako nagbibiro,” dagdag ko at mas lalo pang umiyak.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa pumasok si Ate Belle at sinabing ako na ang kumasuap sa doctor tungkol sa bill ng hospital. Ayaw pa sanang bitiwan ni Lola ang kamay ko ngunit nginitian ko lamang siya at sinabing saglit lang akong aalis at babalik din naman kaagad.
Hindi ko mapigilang kabahan habang naglalakad matapos makalabas ng silid ni Lola. Iniisip ko pa lamang kung magkano ang posibleng bill sa hospital, sumasakit na ang ulo ko. I need money. . . I badly need those.
**
Tila tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa papel na ibinigay sa akin ng doctor kanina lamang. Napagpasyahan kong pumunta muna sa lobby matapos kong kausapin ang doctor sa halip na bumalik agad sa kuwarto ni Lola.
Hindi niya maaaring makita na namomroblema ako sa pera dahil baka sisihin niya pa ang sarili niya at mas lumala ang kondisyon niya dahil sa pag-iisip. Humigpit ang hawak ko sa bill kasabay ng pagpikit ng mga mata ko upang muling pigilan ang pag-iyak.
Ngayon lang. . . ngayon ko lang naranasan na magipit sa pera. Buong buhay ko, ngayon lang.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka tama nga si Tita Aurora. Baka kailangan ko nan gang bumalik muli sa bahay at hayaan sila sa gusto nila. Pero hindi ko rin mapigialng mag-alala dahil baka sa halip na tulungan nila ako kapag bumalik ako roon ay baka ikulong pa nila ako.
Walang tutulong kay Lola kapag ikinulong na naman nila ako sa bahay tulad noong ikinulong nila ako noong namatay si Mommy. They are evil. Masama na sila noon kaya hindi na nakapagtataka kung mas masama na sila ngayon.
Pumasok na rin sa isip ko na tumistigo na talaga laban kay Daddy tulad ng nasa isip ko kagabi. Kapag tumistigo ako, baka ibalik na nila ang pera ko. P-Pero paano kung hindi. . .
Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking palad. Hindi ko na alam kung saan o kanino ako hihingi ng tulong. Kahit ‘yong Fifty Five Thousand Pesos na ibinigay ni Dylan kagabi, hindi sapat.
Marahas akong nag-angat ng tingin habang nanlalaki ang mga mata nang maalala si Dylan. Oh, s**t. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya na aalis ako! Sabi ko sasabay akong mag-almusal. . .
Shit. I let out a harsh breath and massaged my temples out of frustration. Mukhang hindi ko pa makukuha ang kalahati ng dapat ay ibabayad niya sa akin dahil baka malamang sa malamang, nagpupuyos na ‘yon sa akin dahil bigla na lamang akong nawala at hindi siya sinipot.
He’ll definitely think that I ghosted him because I just vanished like a ghost. Baka mamuti na ang mga mata niya kakahintay doon. The f**k.
Paano ko makukuha ang kalahati? Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya for pete sake! Nakakahiya!
----