"Bata! Wala raw pasok dahil sa bagyo! Nadaanan yata namin eskwelahan niyo. Nakita namin na pauwi sila. 'Wag ka nang tumuloy." Ilang beses na narinig ito ni Kesia habang siya ay naglalakad patungo sa skwelahan niya. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad kahit sa sobrang lakas ng hangin dahil wala na naman siyang pera na pamasahe. Binigyan siya ng kapatid pero ayaw niyang gamitin dahil sa tingin nito ay may babayarin sila pero wala itong extra na pera para doon dahil hindi niya nagawang manghingi ng pera sa Ate niya dahil kitang-kita nito ang pagod. Mag two-two weeks na simula noong nagdala ng babae ang Tatay niya. Two weeks na rin na hindi ito umuwi. Noong araw na iyon, nagulat na lang siya na wala nanaman ang Ama nila pagdating niya sa bahay. Akala niya ay hindi na sila iiwan nito. Nagula

