Nakatingala na nakatingin si Kesia sa babae. Hindi katangkaran ito pero hindi rin naman katangkaran si Kesia, siya nga ang pinakamaliit sa kanyang klase at naging dahilan para una siya sa lahat ng pila. "Ay! Sorry, nagulat ata kita," nakangiti nitong sabi. Lumabas ang wrinkles nito sa mga mata na hindi naging dahilan para mabawasan ang ganda nito, para bang hindi ata siya papanget kahit maging 80 years old na ang babae. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Kesia. Natagpuan niya ang sarili niyang hindi komportable sa babae sa harap niya. Kung iyong babae na dinala ng kanilang Ama noon ay may nakakainis na ngiti itong pulang babae sa harap niya ay may naka naninindig balahibong ngiti, kaya mas ayaw ito ni Kesia. "Hi. Regina nga pala," pagpapakilala nito gamit ang mabait na boses, para bang

