Tumingala si Kesia kay Regina. Na puno na ito sa sinasabi ng babae. Alam niya hindi mali at tama ang kanyang sinasabi pero wala siyang karapatan para magsabi ng masama sa kanilang pamilya. "Pwede ka po bang umalis na sa bahay namin? Ayaw ko na po marinig ang mga walang kwenta na sinasabi niyo po. Kung magsisinungaling po kayo sa mismong pamamahay namin at tungol pa sa pamilya namin at maaring makasira sa buhay ng masayang pamilya ng Fuentes, sana ay umalis ka na lang po." kahit galit si Kesia sa babaeng na nakangiti pa rin ay gusto niya pa rin na galangin ito. Hindi niya gusto maging bastos sa 'bisita' nila. Lumabas ang malakas na tawa mula sa matambok at mapulang ngabil ni Regina bago nito sinabi kay Kesia na, "Bingi ka ba? 'Di mo ba narinig ang sinabi ko kanina, Kesia? Dito na ako ti

