"Kesia? Kesia. Kesia!" Nakasalubong ang kilay ni Kesia. "Umalis ka na wala na akong sasabihin sayo." "Talaga ba? Grabe 'yung eksena kanina, ano?" Hindi pa rin pinansin ni Kesia si Regina at mas lalo lang binilisan ang paglakad niya. Nagsisimula na rin na mapagod si Regina at naiinis na siya. Matanda na siya kaya mabilis na iyong nakukulangan sa hangin. "Hindi ba lalaki mo 'yung lalaki kanina? So 'yun yung babae niya, huh? Ang ganda niya pa rin kahit malayo siya, ano?" Nanlaki ang mga mata ni Kesia at tumigil sa paglalakad pero nanatili pa rin siyang nakatalikod kay Regina. Nang nakita ni Regina na huminto si Kesia ay huminto rin siya. Napangiti siya at nagpatuloy, "Iba talaga ang gandang mayaman. High maintenance siguro ang mukha niya. hindi tulad natin, Kesia, hindi ba? All-natural—

