Nasira ang mga mukha ng mga trabahador na nakatingin sa kanila dahil sa dalawa. Sumisilong ito sa loob ng construction na malapit ng matapos. Ang iba nga ay basang-basa na dahil sa malakas na ulan. May nakikisilong din na mga estudyante na gano'n din ang reaksyon. Mga mura at inggit ay umaapaw at ang iba naman ay nakangiti lang o walang pakialam, ang iba ay tinutukso ang kanilang kasama dahil mas may aksyon pa nga raw ang mas bata sa kanya. Naghihintay lang naman sila na matapos ang ulan pero ito na ang bumungad sa kanila na mas nagpasira pa ng kanilang araw. At mukhang walang pang plano ang ulan na tumigil dahil hindi ito nagpakita ng senyales na hihinto o hihina man lang ito kaya hindi nila alam kung ano ang gagawin. Nagkatinginan silang dalawa matapos magkahiwalay ang kanilang mga l

