Mabilis na tinanggal ni Charles ang seatbelt niya at bumaba ng sasakyan pero huli na siya at hindi na niya naabutan si Kesia. Wala na siyang nakita na Kesia. Nilibot pa niya ang tingin niya, tumingin siya sa construction site, sa tindahan kung saan ang lalaki na nakasunod sa kanila na wala na ngayon at sa kalsada kung saan may mga dumadaan na sasakyan pero wala pa rin siyang nakita na Kesia. Huli niyang tinignan ang mga nagtatakbuhan na bata pero wala siyang nakita na Kesia. Basang-basa na ng ulan ang kanyang buong katawan. Muli niyang nilibot ang kanyang tingin bago siya pumasok ulit sa kotse. Basa na rin ang loob ng kotse at tumutulo ang tubig sa basa niyang damit. He sighed as he looked at how messy and wet his car had gotten. "When did she get to text someone?" Charles grunted. "Sh

