Nagising si Kesia sa liwanag ng sikat ng araw. Hindi siya bumangon agad at tinignan lang ang kurtina na nakalimutan niyang isara. She sighs and looks at the mess she made last night. Five bottles of alcohol and bags of chips were everywhere. Hindi gaano kasakit ang ulo niya dahil hindi naman malakas ang ininum niya na alak at proud siya sa sarili sa ginawa niya. Ayaw niyang magising na halos mabasag na naman ang kanyang ulo. Muli niyang sinara ang mga mata niya at binalewala ang mga kalat. Gusto niyang matulog ulit at maghilata sa buong araw. Sinubukan ni Kesia na matulog ulit pero kahit anong gawin niya ay hindi na siya makatulog. Pumikit siya nang pumikit at sinara niya pa ang kurtina pero hindi pa rin siya makatulog. Bumuntong siya ng hininga ag nagdalawang-isip muna siya bago siya

