Bumuntong ng hininga si Kesia nang nakita niya na ang destinasyon niya. Mas bumilis ang t***k ng dibdib niya at feeling niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw. May pare sa kanya na natatakot at masaya. She exhaled and inhaled, trying to calm herself down. "Kuya, dito na lang po ako." Matapos magbayad ni Kesia ng pamasahe sa taxi driver ay bumaba na siya ng taxi. Pagbaba niya ay parang nanatili sa katawan niya ang aircon dahil sa sobrang lamig niya at sa sobrang lamig ng pakiramdam niya. Napalunok siya ng laway at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita rin siyang mga nagbebenta ng mga bulaklak at kandila katulad sa nakita niya sa sementeryo kung saan nilibing si Karl. Kumpara doon ay mas maganda at mas malinis ito. Siguro dahil mamahalin ito. Madilim na ang langit dahil alas siyet

