Matapos ang mga tagpong iyon, pakiramdam ko ay bumalik na ang lahat sa dati. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya hindi ako mapanatag sa maaaring gawin ng Daddy ni Matthew sa mga susunod pang mga araw. Pero pa’no nalang kung kami ang magharap lalo na’t nakikilala na niya ang itsura ko? Ayaw ko pa sanang isipin ang tungkol sa bagay na yo’n pero sana kahit papaano ay handa ako sa mga possibilidad ng mga maaaring mangyari. Nagising ako kaninang umaga na wala na siya sa tabi ko pero nag-iwan ito ng note na papasok na daw siya ng trabaho. Kaya hindi ko alam kung magaling na ang sakit niya. Inalala ko naman ang mga nangyari kagabi hanggang sa makauwi kami rito sa bahay. Hindi ko lubos akalain na nagawa kong tumakas ng bahay para lamang sumama sa isang lalaki at umuwi ng parang walan

